top of page

The Writer: Laurel - Prologue

“My love, there's only you in my life. . . the only thing that's right. . .” 


Bakit may mga pagmamahal na masaya, pero maramot? Bakit may mga pagmamahal na magaan, pero nakasasakit? Bakit may mga pagmamahal na mahiwaga, pero kailangan pang ipaglaban? Bakit may mga pagmamahal na wagas, pero kailangan pa ng sakripisyo? 


Hindi ba puwedeng pagmamahal na lang at wala nang pero?


Ilan lang iyan sa mga tanong ni Laurel habang pinanonood ang mga magulang niyang masayang sumasayaw. Araw-araw niyang nakikita kung gaano kamahal ng parents niya ang isa’t-isa, pero hindi rin naman maalis sa isip niya ang ibang taong nasaktan para sa pagmamahal na pinili ng mga ito. 


Hindi kaagad bumaba si Laurel at pinanood muna ang mga magulang niya. Kung sa ibang pagkakataon, malamang na masaya siya para sa mga ito, pero iba ang sitwasyon nila. 


Kung saan siya nakapuwesto, sa gilid ng kagdan, mayroong malaking salamin at nakita ni Laurel ang sarili at habang nakatitig sa mukha niya, hindi niya alam kung masaya pa ba siya. 


Dalawang linggo na mahigit nang magsimula ang klase at hindi pa rin siya nakaka-adjust. Nagkukunwari lang siya sa harapan ng parents niya dahil ayaw niyang makita muli ang lungkot sa mga ito. 


Matagal na usapin ang pagpasok niya sa big school, pero gusto niyang subukan. Matagal na rin kasi simula nang mag-aral siya sa kasama ang mga kaedaran niya dahil lumaki siyang naka-homeschool. 


At dahil last year naman na niya sa highschool, gusto niyang gumawa ng memories. Kahit mahirap, susubukan niya. Bago man lang siya mag-college, magkaroon man lang siya ng highschool life na puwede niyang i-kwento sa iba.


Huminga nang malalim si Laurel at inayos ang ribbon ng uniform niya. 


Puti ang blouse nila at mayroong manipis na ribbon na kulay maroon. Partner iyon   sa skirt na mayroong plaid pattern at kulay na red, black, maroon, and white. 


Hanggang tuhod lang iyon ni Laurel. Kulay puti rin medyas niya at simpleng itim na doll shoes na pinangarap niyang isuot noon pa man. Hindi dahil sa mga lakad nila bilang pamilya kung hindi bilang school shoes. 


Bumaba si Laurel at tumigil sa pagsayaw ang parents niya. Kaagad na lumambot ang ekspresyon ng mukha ng mama niya at naglakad papalapit sa kaniya. 


“Good morning, Aly!” Naningkit ang mga mata ng mama niya. “Ang ganda-ganda talaga ng Alyssa ko.” 


“Mama.” Nahiya si Laurel dahil palagi niya iyong naririnig sa parents niya. Nilingon niya ang papa niya na pinatay ang vinyl. “Good morning, Papa.” 


Ali—her father—smiled. “Good morning, Aly.” 


Pareho ang bigkas sa nickname nila ng papa niya. Gusto kasi iyon ng mama niya para kapag tumawag ng Ali, pareho silang lilingon at pareho silang makikinig. 


Inaya si Laurel ng mga magulang niyang pumunta sa dining table para mag-almusal. Pare-pareho silang may kanya-kanyang commitment. Si Laurel ay papasok sa school, si Ali ay pupunta sa munisipyo, at si Rica na pupunta sa hacienda na pag-aari ng mga ito.


“How’s your school?” Rica excitedly asked Laurel. “I’m thrilled you’re enjoying it!” 


Pinilit ni Laurel ang ngumiti dahil ayaw niyang makita ng mga magulang niya ang totoo. Ayaw niyang dumagdag pa sa isipin ng mga ito tungkol sa kaniya. 


“Did you make any friends?” Alisano smiled.


Laurel nodded. It was a lie. 


Nanlaki ang mga mata ng mama niya at kaagad na humawak sa kamay ng papa niya. Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti sa isa’t isa bago tumingin sa kaniya.


“Gusto mo ba silang papuntahin dito sa house? We can arrange a small party? Slumber party like puwede kayong mag-sleep over? Something like that?” tanong ng mama niya. “Or we can let you guys watch a movie. Ganoon?” 


Umiling si Laurel. “Mama, it’s just two weeks,” aniya at tinutusok-tusok ng tinidor ang pancake na nasa pinggan niya. “Maybe next time? I’m shy pa, but I’ll try to ask them.” 


“Okay!” Rica happily uttered. “Just let me know, and I’ll fix everything. Okay?” 


Laurel lazily nodded with a smile as she watched her parents talk about their highschool life. She thought that maybe it was a good thing that her parents were giving her some privacy. Nagtatanong ang mga ito, pero hindi nakikialam o hindi siya pinangungunahan sa kahit na ano. 


After breakfast, nag-offer ang parents niya na ihatid siya sa school dahil iisa lang din naman ang way. 


Hindi alam ni Laurel kung ipagpapasalamat ba niyang late na sila at hindi na nagawang makapasok sa campus ng parents niya. 


Sa harapan ng gate ng school, nakahinto ang sasakyan. Nilingon siya ng mama niya at ngumiti. Sinabi rin kasi niyang okay na siya sa gate. 


“Sure na hindi na kami papasok?” tanong ng mama niya. 


Tumango si Laurel at lumapit para halikan ang pisngi nito. “Yes po, mama. I want chicken curry for dinner?” aniya at nilingon ang papa niya. “Papa, gusto ko po ng avocado ice cream sa store ni Miss Reni. The one with handle.” 


“It’s an ice drop, I think?” Nagsalubong ang kilay ng mama niya. “Magluluto raw si Manang File ng nilupak. Gusto mong uwian kita?” 


Paborito iyon ni Laurel kaya kaagad siyang tumango. 


Sandaling inayos ng mama niya ang buhok niyang medyo nagulo at inipit iyon sa likuran ng tainga niya bago siya hinalikan sa pisngi. 


“Enjoy school, Aly.” 


Masayang nagpaalam si Laurel sa mga magulang niya ngunit paglabas ng sasakyan, habang nakaharap sa gate ng school, lungkot ang muli niyang naramdaman. 


Kahit kailan, hindi ipinagmalaki ni Laurel sa kahit na sino na anak siya ng isang mataas na politiko sa lugar nila at ng may-ari ng malaking hacienda sa karatig bayan. Ayaw niyang malaman ng mga ito kung sino siya kaya hangga’t maaari, gusto niyang driver ang naghahatid sa kaniya. 


Sa dalawang linggo, hindi alam ni Laurel kung may nakaaalam na. Siguro ang mga teacher, oo, pero sa mga estudyante, hindi siya sigurado. 


Mas madalas siyang nagpupunta sa lugar kung saan walang masyadong tao. Minsan niyang sinubukang makipag-usap sa ibang kaklase niya, pero hindi ganoon ka-approachable ang mga ito sa baguhan lalo na at simula pagkabata, magkakakilala na ang mga ito. 


Walang masyadong nakakikilala kay Laurel dahil mas madalas siyang nakatago sa paningin ng iba. Wala siyang picture sa kahit saan. Sa tuwing may kampanya ang mga magulang niya, hindi siya sumasama o hindi siya lumalabas. 


Late na si Laurel sa unang klase kaya parang naisip niyang ayaw na niyang pumasok. Nahihiya siya at naisip na papasok na lang sa second class pero baka makatanggap ng memo ang parents niya tungkol doon. 


Habang naglalakad papunta sa building, nakita niya ang dalawang lalaking naglilinis sa gilid ng court. Nagwawalis ang mga ito ng tuyong dahon habang nagtatawanan ngunit huminto nang makita siya.


Nagpatuloy sa paglalakad si Laurel, pero patagilid siyang nakatingin sa mga ito. Bumalik na sa pagwawalis ang isa, nakatingin pa rin sa kaniya habang nagwawalis kahit wala naman ng dahon. 


Lakad-takbo na siyang pumasok sa building at ipinagpapasalamat na wala ang teacher nila dahil sandaling ipinatawag sa principal’s office. 


At dahil alphabetically arranged, sa harapan nakaupo si Laurel, sa pinakadulo, sa tabi ng malaking bintana na mayroong overlooking ng school field na pinaglalaruan ng mga athletes. 


Naririnig niya ang ingay ng mga kaklase ngunit naka-focus siya sa ibon na nakadapo sa gilid ng bintana na para bang nagpapahinga matapos ang mahabang paglipad. Pinanood niya kung paano itong sandaling maglakad-lakad sa gilid ng pader bago muling lumipad kasama ang iba pa. 


Sa loob ng classroom, nasa twenty sila. Magkakasama ang mga babae at mga lalaking nag-uusap-usap tungkol sa kung ano. 


Hindi maka-relate si Laurel dahil kahit isa sa topic ng mga ito, hindi niya naranasan. School trips, parties, prom, pero lahat iyon na-search niya sa internet. Bago siya pumasok, sinubukan niyang maging handa para hindi magmukhang walang alam. 


At dahil wala naman siyang makausap, binuksan niya ang libro para sa next subjects. Mahilig siyang mag-advanced reading kaya pati ang lesson nila sa mga susunod na linggo, alam na niya. Mayroon siyang notebook ng notes na puwede niyang balikan kung sakali man. 


Laurel was used to reading in advanced. Dahil na rin siguro homeschooled siya at mas madalas lang na reading ang nangyayari. 


Nag-e-enjoy siya sa klase. Para sa kaniya, iba pala ang pakiramdam na mayroong ibang taong nag-e-explain tungkol sa lesson dahil nasanay siya sa research at reading. Some lessons needed to be explained thoroughly by an instructor—iyon ang naisip ni Laurel. 


Hindi naman nagkulang ang parents niya sa pagtuturo sa kaniya, but a teacher was different. Iba ang approach, iba ang explanation, at iba ang dating para sa kaniya. 


Lunch came, and before leaving the classroom, Laurel was asked to stay. Siguro dahil late siya. 


Nang makalabas na lahat, hinintay ni Laurel ang sasabihin ng adviser niya. Medyo bata pa ito at mukhang bago lang. Sa obserbasyon niya, maganda ang mukha nito at mukhang mabait. 


“How are you, Laurel?” The woman warmly smiled. “Gusto ko lang malaman if kumusta ang adjustment mo?” 


“Okay naman po ako,” ani Laurel. “Masaya naman po ako. Thank you for asking po.” 


Tumango ang adviser niya. “If you need anything, don’t hesitate to talk to me, okay? Dito sa school, isa ako sa makakatulong sa ‘yo and if you’re struggling, let me know, okay?” 


“Yes po, ma’am.” Tipid na ngumiti si Laurel. “May itatanong lang po pala ako about sa lesson for next week.” 


Ngumiti ang dalaga at mahinang natawa, pero nanatiling kalmado. “Laurel, we can discuss about that next week. You don’t need to be pressured, okay? But if you’re really curious, let’s talk after class? Mag-lunch ka muna.” 


Tumango si Laurel at naintindihan ang ibig sabihin ng adviser niya. Bigla niyang na-realize na marami na siyang kasabay sa pag-aaral at hindi niya kailangang sarilinin ang lessons na sa susunod pa naman pag-uusapan. 





Alam ni Laurel na walang gaanong nakakikilala sa kaniya ngunit naiilang siya sa tingin ng iba. Palaging pumapasok sa isip niya ang mga salitang natanggap niya sa mga kapatid niya at iyon ang dahilan para sa bawat pagtitig sa kaniya, pakiramdam niya, mayroong iniisip na hindi maganda. 


Laurel grew up hearing things, and the feeling of being judged intensified whenever someone was looking at her. 


It only had been two weeks, and it would be too early to retreat—that was what she thought. Instead of letting the fear dominate, Laurel tried to fit in.


She tried . . . but the stares were too uncomfortable. 


Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng iba kapag nakatingin sa kaniya, pero naiisip niya na baka dahil sa pamilya niya? Baka dahil hindi siya kasali? Baka dahil hindi siya belong? 


Hindi niya alam. 


Kumuha si Laurel ng pagkain sa counter. It was just a box of juice, a clubhouse, and a KitKat. Mayroong mga bakanteng upuan, pero may iba ring nakaupo sa nasabing lamesa. 


Nahihiya siyang magtanong kaya dumidiretso siya sa second floor ng building, malapit sa sa classroom niya, at pupunta sa comfort room para doon kumain.


The comfort room was clean and it smelled okay. Hindi rin naman amoy comfort room so it was okay for her to stay there. Nagbabasa rin siya ng librong nakuha niya sa library ng papa niya and it was about the elephants. 


Wala namang connection iyon sa kahit na ano, but she just wanted to read something, so she took the first book on the shelf. 


Laurel enjoyed her recess while reading. She didn’t know that elephants have a good memory and was labeled as someone “who never forgets.” 


Nang matapos kumain, hawak ang basura na itatapon niya sa labas, tumingin na muna si Laurel sa salamin at sandaling inayos ang buhok. Her wavy hair was long and a little messy. 


Palaging sinasabi sa kaniya ng mommy niya na magsuklay siya, but she liked how her mid-length hair looked a little . . . untamed as they were used to hide her face whenever she was uncomfortable. 


Laurel smiled at herself before leaving the comfort room, and the moment she went out, someone was leaning on the wall in front of the door, looking at her.


Tumingin ito sa hawak niyang plastic na mayroong basura ng mga kinain niya at nagsalubong ang kilay. “Bakit sa loob ka kumakain?” 


Yumuko si Laurel at tinago ang hawak sa likuran niya. Hindi siya sumagot. 


“Ang kadiri.” Mahina itong natawa at umalis sa pagkakasandal para kunin ang plastic na hawak niya. “Akin na, ako na magtatapon. Community service ako ngayon kaya ako na.” 


“Community service?” nagtatakang tanong ni Laurel habang nakatingala sa lalaking hanggang balikat lang siya. “Why?” 


Mahinang natawa ang lalaki. “Nag-cheat ako sa exam. Nahuli.” 


Laurel chuckled without saying anything. 


“So, bakit sa comfort room ka kumakain? Magtatapon sana ako ng basura galing diyan, kaso pumasok ka, e. Sabi na ikaw ‘yon, e,” sabi nito. “Ayon, bakit nga?” 


Tipid na ngumiti si Laurel at sinalubong ang tingin ng lalaki. “I don’t like them looking at me,” pag-aamin niya. Nagsimula silang maglakad. “I’m not comfortable na may ibang nakatingin sa ‘kin.” 


“Sama ka sa ‘kin para ako na lang tingnan nila.” Tumaas ang dalawang kilay ng lalaki. 


Laurel stopped walking. “Hindi ko naman ikaw kilala.” 


“Hindi ako makikipag-shake hands kasi marumi ‘yung kamay ko.” Tumingin ito sa kamay niya. “Vin. Ikaw?” 





31 views1 comment

1 Comment

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Unknown member
Aug 19

OMG!!!

Like
bottom of page