top of page

The Heiress: Laureen Juliana - Prologue

Kahit na inaantok, dumilat ang mga mata ni Laureen nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kuwarto niya. Sapat naman ang ilaw mula sa bedside lamp niya para makita kung sino ang papasok. Isa pa, isa lang naman ang kilala niyang maglalakas loob pumasok sa kuwarto niya nang ganitong oras. 


It was almost three in the morning. Laureen wasn’t wrong the moment she saw Aston entering her room. Maingat ang pagsara nito sa pinto pagkatapos ay ibinaba naman ang susi sa bedside table na gumawa ng kaunting ingay. 


Hindi siya gumalaw at inobserbahan ang gagawin ni Aston nang tanggalin ang suot na itim na longsleeve at basta na lang iyon ipinatong sa sandalan ng sofa na nasa kuwarto niya. Sinuklay nito ang buhok at naglakad papalapit sa kama. Hindi siya sigurado kung alam ba nitong gising siya.


Sapat din ang ilaw para makita ni Laureen ang katawan ni Aston. He was fit and the muscles were on the right places. Na-highlight pa iyon dahil dim lang naman ang ilaw. Mas nakita pa niya ang sleeve tattoo nito sa kaliwang braso. Ahas iyon na parang nakapulupot paikot sa braso nito. 


Yakap niya ang unan habang nakaharap kay Aston na humiga sa tabi niya. Diretso itong nakatitig sa kisame, ipinatong ang kanang braso sa noo, pumikit, at malalim na huminga. 


“I know you’re awake,” Aston murmured and breathed. “Mamayang umaga na ’ko maliligo pagkagising, ha? I’m tired.” 


Hindi sumagot si Laureen na nanatiling nakatitig sa side profile ni Aston. Nakapikit pa rin ito. 


“Sorry. Hindi na ’ko nagsabing pupunta ako. Wala naman sa plano,” sabi ni Aston na humarap sa kaniya. “I just missed you. Two weeks na tayong hindi nagkikita. Are you still busy? You don’t mind na nandito ako?” 


Mahinang natawa si Laureen at bumangon. Kinuha niya ang isang bote ng tubig na palaging nasa bedside table niya at ininom iyon. Nilingon niya si Aston na seryosong nakatingin sa kaniya; salubong ang kilay, naghihintay ng sagot, at alam niyang pagod ito sa biyahe. 


“Nag-drive ka?” Laureen faced Aston. 


Aston nodded slowly.


“Wala naman na ’kong magagawa. Nandito ka na, alangan namang paalisin pa kita,” Laureen said seriously, making Aston frown. “I was just kidding. Ano’ng gusto mong breakfast mamaya?” 


Laureen saw how Aston’s eyes twinkled. 


“Food, Aston. Food.” 


Aston chuckled and asked Laureen to just lay beside him. Laureen used Aston’s arm as her pillow and he immediately fixed the duvet to cover their bodies. Laureen =hugged Aston and kissed the side of his lips. 


“Anything.” He kissed Laureen’s forehead while brushing his girlfriend’s hair using his fingertips. “Tulog na, love. Sorry for waking you up. Tulog na muna tayo. We’ll talk later.” 


Laureen agreed and immediately closed her eyes. Hindi na siya inaantok, pero hahayaan na muna niyang matulog si Aston bago siya babangon para magtrabaho. Maaga pa, pero dahil nandito si Aston, alam din niya sa sarili niyang hindi siya makakikilos sa trabaho lalo na at bihira lang naman silang magkita. 


Naamoy niya ang panlalaking pabango ni Aston dahil nakasubsob siya sa dibdib nito. Walang suot na pang-itaas at tanging slacks lang na hindi na tinanggal. Naramdaman din niyang suot pa nito ang medyas na ikinatawa niya. 


Totoo nga naman. Dalawang linggo na silang hindi nagkikita dahil hindi pa niya magawang bumiyahe papuntang Manila. Nag-aani kasi sa hacienda at sa bukid kaya hindi niya iyon maiwan. Hindi rin naman makapunta si Aston dahil galing ito sa Dubai. Ang alam niya, kararating lang din nito noong nakaraang araw. 


At habang nakahiga, iniisip ni Laureen ang mga babaguhin niya sa schedule niya sa mga susunod na araw. Hindi niya alam kung hanggang kailan mamamalagi sa Baesa si Aston. Iniisip na rin ni Laureen ang mga gagawin niya para magkaroon ng mas maraming time. 


Nang masiguro niyang mahimbing nang natutulog si Aston, maingat niyang inalis ang pagkakayakap nito sa katawan niya at saka bumangon. Hinaplos niya ang buhok nito bago hinalikan sa pisngi at tuluyang bumangon sa higaan. 


Pinatay niya ang lampshade sa kuwarto, kinuha ang phone at laptop niya bago tuluyang lumabas. Dumiretso siya sa kusina, gumawa ng kape, at saka isa-isang binuksan ang mga email na kailangan niyang sagutin. Inayos na rin niya schedule niya sa mga susunod na araw pa. 


“Good morning, Laureen.” Binati siya ni Tess, ang mayordoma ng bahay. “Dumating daw si Aston sabi ni Lito.” 


“Puwede po bang pasaing ako, Ate? Magluluto na lang ako ng fried rice mamaya.” 


“Ako na,” sabi ni Tess.


Umiling si Laureen. “Ako na po, manang. Pakikuha na lang din po ng itlog mamaya kapag maliwanag na. Pakisabihan din po si Kuya Ben na pakuha ako ng avocado mamaya. Marami pa naman po, ’di ba?” 


“Oo, marami pa. Sige, magpapapitas na lang ako mamaya. Ako na magluluto,” pag-offer ni Tess na kaagad tinanggihan ni Laureen. “O siya. Sige. Ako na maghahanap ng mga kailangan mo para mamaya.” 


Nagpasalamat si Laureen at humarap sa laptop. Nagpatuloy siya sa pag-type at pagbasa sa mga report galing sa admin ng Hacienda Ricardina. Medyo malaking responsibilidad ang naiwan sa kaniya ng mga magulang niya, pero nag-e-enjoy siya.


After graduating from college, Laureen decided to stay in hacienda to learn and fully monitor the place. Hindi na niya nasubukang magtrabaho sa labas o kahit saang kumpanya. Mas pinili niyang manirahan sa Baesa at paminsan-minsan na lang ding umaalis dahil sa dami ng kailangan niyang gawin. 


No regrets, though. She enjoyed it as much as she thought she would. 


Laureen immediately completed her task for the entire morning. She didn’t realize it was already almost eight in the morning and that she had been working for more than four hours. Ganiyan naman siya. Sa sobrang focused, hindi na napapansin ang oras. 


Sandaling umakyat si Laureen sa kuwarto para tingnan kung gising na si Aston, pero mahimbing pa rin itong natutulog. Nakadapa, nakatanggal na ang duvet, at nakayakap sa unan niya. 


Inilapag niya ang laptop at phone sa office table sa kuwarto niya saka pumasok sa banyo para maligo bago magluto ng almusal para sa kanila ni Aston. Nagsabi na rin muna siya sa mga empleyado ng hacienda na hindi siya gaanong lalabas ng bahay, pero puwede siyang puntahan o tawagan kung sakaling mayroong importanteng kailangang tingnan. 


Laureen wore simple loose dolphin shorts paired with her white tank top. Ibinagsak lang din niya ang may kahabaang buhok niya para matuyo ito nang kusa. Natapos na siyang maligo, tulog pa rin si Aston. 


Hinalikan niya ito sa pisngi bago bumaba para magluto sa kusina. Ipinaayos niya ang lamesa sa balcony ng bahay na nakaharap sa maaliwalas at malinis na hacienda kung saan kita ang mga kabayong malayang nagtatakbuhan at mga tauhang namimitas mula sa mga punong namumunga. 






ASTON woke up realizing it was almost nine in the morning, and he didn’t know he had slept that long. Nagtaka rin siya na hindi siya ginising ni Laureen. Madalas naman na sabay silang nag-aalmusal kaya naisip niya na malamang ay busy itong nagtatrabaho. 


Wala naman siyang balak manggulo. Gusto lang niya itong makita. Wala siyang pasok sa loob ng isang linggo at naisip na rito mag-stay tutal wala siyang balak puntahan. Kagagaling lang niya sa Dubai kaya naman humingi muna siya ng off sa mga magulang niya. 


He decided to take a bath before even facing his girlfriend again. Pagod na pagod na siya kinagabihan kaya hindi na niya iyon nagawa. Alam niyang mayroon siyang T-shirt at shorts sa closet ni Laureen at hindi siya nagkamali nang makita iyon sa ibabaw ng drawer, nakalabas na kasama ang isang towel. Nakita rin niya ang bathroom na mukhang kagagamit lang. Mukhang nasa bahay pa si Laureen kaya nagmadali siya para maabutan ito bago umalis. 


Nang makababa, binati siya ni Manang Tess at sinabi nitong naghihintay si Laureen sa kusina kaya roon siya dumiretso at sa may pinto pa lang, naamoy na niya ang ginigisang bawang dahilan para kumalam ang sikmura niya. 


Hindi kaagad pumasok ng kusina si Aston. Sinilip niya si Laureen na nakasandal sa counter hawak ang isang libro habang kumakain ng melon na nakatusok sa tinidor. Bagong ligo at nakapambahay na ikinagulat niya. 


“Good morning.” Aston smiled and leaned by the kitchen door. “Akala ko umalis ka na.” 


“Good morning.” Laureen closed the book. “Fried rice is almost done. Okay lang sa ’yo ’tong omelette and longganisa? Gawa nila sa farm ’yan.” 


Aston didn’t respond. He walked towards Laureen and hugged her from behind. Ipinatong niya rin ang baba sa balikat nito habang nakatingin sa hinahalo nitong fried rice na malapit nang maluto. 


“Hanggang kailan ka rito?” tanong ni Laureen dahilan para humiwalay si Aston mula sa pagkakayakap.


Nagulat siya sa tanong. Kararating lang niya kaninang madaling-araw, mukhang mapapaalis kaagad siya. Humarap si Laureen sa kaniya at nakangiti. 


“Hindi kita pinaaalis. Tinatanong ko lang para alam ko kung ano ang ilalagay ko sa calendar ko. Para alam ko kung anong oras ako gigising at kung ano ang mga priority task na gagawin ko.” Laureen bit her lower lip. “So?” 


“One week,” Aston said and smiled. “Puwede ’ko mag-stay nang one week?” 


Laureen nodded. “Sige. I like that. Here lang tayo sa house o do you want to go somewhere?”


“Anywhere,” Aston responded. “Kung gusto mo, punta tayo sa Baler. So, bakasyon mo muna ’tong one week?” 


“Kung gusto mo.” Laureen chuckled and shrugged. “Puwede naman. Kaya nga tinatanong kita, e. Puwede naman tayong pumunta sa Baler, pero maraming tao roon. Sure ka ba?” 


Aston automatically smiled and bit his lower lip. “Dito na lang pala.” 

15 views0 comments

Recent Posts

See All

The Heiress: Laureen Juliana - Ch 6

While everyone was having fun, Aston kept checking his phone. He had been talking to Laureen since this morning. It was already Sunday, their second day at their grandparents’ house. Wala silang ginaw

The Heiress: Laureen Juliana - Ch 5

Aston was listening to his mom’s story about the university while sipping coffee. It was a Friday, and they had breakfast at the Royal Hotel. Weekly iyon at hindi puwedeng hindi sisipot maliban na lan

Comments


bottom of page