top of page

Infliction 20: Strangers with Benefits - Ch. 5

"I missed you, CJ," nakangiting bati ng mommy niya nang dumating siya sa bahay ng pamilya nila. "Akala ko next week ka pa, e. 'Buti umuwi ka nang maaga. Ano'ng nangyari ba? Bakit umuwi ka na? Kumusta naman iyong isla na pinuntahan mo?"


Natuwa si Chaos habang nakatingin sa Mommy niya na panay ang tanong. Nakasuot ito ng puting casual dress na walang kahit na anong design. Pinarisan lang ng gintong kwintas, relo, at pulang sapatos.


"Na-bore ako, Mom." Ibinaba niya ang backpack na hawak at naupo sa sofa. "Naaayos na po ba 'yong condo ko?"


"Yup! All good." Pumasok ang daddy niya sa living area mula sa kusina at may hawak na tasa. "Condo 'yon na malapit sa school mo para hindi ka na rin mahirapan. So, do you prefer a car or a motorcycle?"


"Both." Chaos smiled and bit his lower lip. "Pwede po ba?"


His mom sweetly smiled. Kahit na may edad na ito, kita pa rin ang magandang mukha. Naupo ito sa kaliwa niya. "Oo naman! I'll call Criso Cars to send one. Ano'ng brand and model? Let me know para masabihan ko sila."


"Any muscle car would do, Mom. I'm not into a sports car right now. Nakita ko rin 'yong traffic dito, hindi puwede." Chaos shook his head when he realized that traffic sucks big time. Totoo nga ang sinasabi ng kuya niya. "Akyat po muna ako."


Hinaplos ng mommy niya ang kamay niya at tumango. "Go ahead. Aayusin ko na rin 'yong mga kailangan mo. Nagsabi ka na ba sa coach mo na nandito ka na?" Pagpapaalala nito sa kaniya.


Chaos nodded and brushed his hair using his fingers. "Tinawagan ko po kaagad siya pagdating ko pa lang sa airport and we already talked, so all good na po. Papasok na rin po ako sa Monday."


"Good." His mom smiled. "Go ahead and rest. Bukas, puwede ka na ring pumunta sa condo mo. Maayos naman na 'yon, complete na rin sa mga gamit, you won't have to worry about anything, okay?"


Chaos leaned to kiss his mom's cheek and hugged her sideways. "I missed you, Mommy. Thank you for fixing everything."


"Aysus!" His mom caressed his hair while he was hugging her. "Ang lambing pa rin talaga ng baby bunso ko. How are you and Haven pala?"


"I'm gonna talk to her tomorrow...but I wanna sleep first." He smiled and kissed his mom's cheek.


Tumayo na rin si Chaos at nagpaalam din sa daddy niya. Umakyat siya papunta sa kuwarto at nang makahiga, mahina siyang natawa. It's good to be back here in the Philippines. Halos apat na taon siyang hindi umuwi sa bansa at mga magulang na lang niya ang pumupunta ng U.S. para bumisita, though, lumaki talaga sila sa U.S., hindi rin niya alam kung bakit. Wala namang sinasabi ang mga magulang niya.


Walang pinagbago ang dating kuwarto na palagi niyang inuuwian. Hindi siya nagtatagal sa lugar na ito kaya naman wala siyang kaibigan. Naalala niya lang, kuwarto na puno ng laruang pambata. Kulay itim at asul ang theme ng kuwarto, may malaking TV, at kumpleto pa sa gaming consoles.


Napagdesisyonan din niyang puntahan si Haven kinabukasan. Gusto niya itong makausap tungkol sa relasyon nila at sabihing ayos lang na magtago na lang sila. Kahit na hindi niya gusto, mahal naman niya. Naisip niyang kung iyon ang magpapasaya sa dating kasintahan, makasama lang niya ito, ayos lang sa kaniya ang lahat.


Bigla niyang naalala si Impyerna habang nakatitig sa kisame. Nang umalis si Hell, the island suddenly felt alone. Parang pakiramdam niya, mababasag ang eardrums niya sa sobrang katahimikan. He also realized that eating alone was damn shitty. E, samantalang noong nakatira siya sa US, he was fine with being alone, mas gusto pa nga niya.


Hell's presence really made a difference and he felt bored. Binigyan niya ng dalawang araw ang sarili niya para mag-adjust. Dapat Sunday pa siya uuwi pero Wednesday pa lang, umuwi na siya. He just couldn't bear the silence.


Pilit niyang inalis si Hell sa isipan. Hawak niya ang phone at nagsimulang mag-browse nang kung ano hanggang sa pinagisipan kung tatawagan ba niya si Haven. Naisip rin niyang surpresahin na lang ito, pero tinalo siya ng karupukan at tinawagan ito.


Napabangon siya sa pagkakahiga nang marinig ang boses nito. Akala niya hindi ito sasagot dahil ayaw siyang makausap.


"Hello?" Napapikit si Chaos nang marinig ang malambing na boses ng dating nobya.


He smiled and took a deep breath before responding. "Hi, babe."


"Hey, how are you?" sagot nito. Naramdaman niya sa boses nito na parang hindi ito interesadong kausapin siya. Parang hindi masayang siya ang tumawag.


Kahit ganoon, pinilit ngumiti ni Chaos. Gustong-gusto na niya itong makausap at makita. "Can I see you?" He nervously asked. His voice even cracked.


Mahabang katahimikan, pero naririnig niya ang paghinga nito. "I'm...kinda busy right now." Huminto ito at matagal ulit bago nagsalita. Chaos was just waiting. "Bukas na lang?"


A small smile crept into his face. "Of course, whenever you're free. Saan kita puwedeng puntahan?" Tanong niya. "Send me the address, kahit saan pupuntahan kita. I...missed you so much." Bumalik siya sa pagkakahiga at inimulat ang mata.


Nakatitig siya sa puting kisame habang naghihintay ng sagot nito. He was hoping he could see her and that they could talk. Wala siyang narinig mula kay Haven, pero alam niyang nasa kabilang linya pa ito. Mukhang napipilitan. Kinagat ni Chaos ang pangibabang labi habang naghihintay.


"Fine," mahina ang boses nitong sagot. "I'll text you the address. Doon na lang tayo magkita. I have to go, ha? Ingat ka...bye."


Hindi pa siya nakasasagot at nakapgpapaalam, pinatayan na siya ng tawag.


Chaos bitterly smiled. Maraming tanong sa isip niya. Kung ganoon ba nito kagusto ang kasikatan para kalimutan at itapon na lang ang pinagsamahan nila? Tatlong taon...iniwan para sa pangarap na willing naman siyang suportahan?


Siguro noong una, hindi siya pumayag. Sino ba ang papayag na itago?


Was being an actress really was Haven's dream? Iyan ang tanong na pumapasok sa isip niya simula nang maghiwalay sila. May usapan silang dalawa pagkatapos ng graduation. Magpapakasal na sila, bubuo ng pamilya. Pareho silang pumasok sa Brown University dahil pareho silang nakapasa.


But Haven gave it all up. She gave up college, she gave him up, their future...to be an actress. Wala namang masama sa pagiging artista, hindi lang talaga naipaliwanag ni Haven sa kaniya nang maayos kung bakit kailangan nilang humantong sa ganito.


Nag-aaral siya sa Brown, nakakuha siya ng scholarship dahil sa pagiging athlete. He's a varsity player but gave it up to go to the Philippines...to follow Haven.


Kung tutuusin, he could have whoever he wanted to but, damn, he already invested feelings, love, money, and three years of his life to Haven and he really did love her. Hindi niya sasayangin iyon over petty fight. Kung puwede nilang pag-usapan, gagawin niya. Mahal niya, e.


Natigilan siya nang maisip iyon. Mahal niya si Haven...hiwalay sila, naisip niyang mali ang ginawa niya nang makipag-sex siya kay Impyerna. Cheating ba iyon kahit hindi sila? Chaos shut his eyes when he thought he really did cheat. Mahal niya ang dating girlfriend, pero nagawa niyang pumasok sa iba.


Kinabukasan, maaga siyang nagising at naabutang nagkukuwentuhan ang mga magulang niya sa garden. Nagtago siya sa gilid habang nakatingin sa dalawa. His dad was hugging his mom from behind. Kahit noong mga bata pa sila, palaging sweet ang mga ito. His dad was vocal about his love for their mom.


Chaos wanted a relationship like his parents. Hindi man maganda ang simula, they were arranged to marry each other, but seeing them happy, naisip ni Chaos na baka nga may forever.


Muntik pa siyang maduwal sa huling inisip. Forever would only exist if both parties would want to. Magkakaroon ng forever kung pareho ng iniisip at kagustuhan iyon ng dalawang tao.


In his case, Haven chose to leave.


Pagbukas ni Chaos ng fridge, nakakakita siya ng beer at natawa nang biglang sumagi sa isip niya ang itsura ng babaeng nakasama at naikama niya nang halos isang linggo.


Biglang sumagi sa isip niya kung kumusta na ba ito? Naninigarilyo pa rin ba? Nasaan na kaya?


Nakaupo siya sa balcony ng kuwarto niya nang makatanggap ng text galing kay Haven. It's a hotel somewhere in the Metro at doon daw sila magkikita ng ala-una ng hapon.


Chaos wasn't expecting any positive answers from Haven. Three weeks back, she really decided to leave. Ang masama lang, pinapili niya ito. If it's him or showbiz. Alam niyang mali. He should have supported her!


Ang masakit? Haven chose the latter and left him.


Natatawa na lang si Chaos kapag naaalala niya ang nangyari. Ganoon ba siya kawalang kwenta? Alam niyang babaero siya noon bago naging sila, pero karma na ba niya iyon? He changed when Haven happened. She's the only one he'd ever loved. Haven's the only woman Chaos invested feelings, love, and time but all gone to waste after a fucking agency discovered her. Partly, may kasalanan siya. Kung naging malawak ang isip niya at sumuporta, hindi sila hahantong sa ganito.


Unconsciously, Chaos opened his Facebook account. Naglalabasan doon ang articles about Haven Sandrino and Jairold Rivero, ang love team na kailangan daw maging from reel to real. What the fucking fuck!


Hindi niya talaga ma-gets kung bakit kailangang maging "real" ang love teams sa Pilipinas. Sa U.S, wala silang pakialam kung may asawa in real life ang isang artista, ang mahalaga, magagawa nila ang trabaho nila.


But the rules here in the Philippines were unbelievable. Nakakasira ng tunay na relasyon.


Nang mapagod magbasa ng mga walang kuwentang articles, napaisip siya, was Hell in social media? For sure naman she was but the thing, hindi niya alam ang last name nito, so paano niya ise-search sa Facebook? Besides, they both talked and decided that after what happened on that island, hindi na nila hahanapin or kokontakin ang isa't isa.


That's a shitty rule she made but he kinda wanted to oblige her to respect her own wishes kahit super shit. Part of him wanted to search her name but hell nah. Not gonna waste my time.


Natawa si Chaos nang banggitin ng utak niya ang pangalan ni impyerna. Was Hell really her name? Kung totoo man, bakit ganoon ang pinangalan dito ng magulang?


Hell should be bad or even maybe the worst thing in the entire universe but it's the opposite of the person he met. She's one of the best things in the entire universe and her adventures in life were what society needed to be happy.


Damn. Why was he thinking about something positive in her? Walang positive kay Hell because she's too damn entitled.


Napabangon siya nang makarinig ng katok at pumasok ang mommy niya.


"Yes, Mom?"


"Daemon Alonzo is here. He personally delivered your car and motorcycle para ma-check mo raw. Get dressed." Dahil naka-topless siyang nakahiga sa kama.


Nagmadali siyang nag-shower bago bumaba at naabutan na nagkukwentuhan ang mga magulang niya kasama ang lalaking sobrang ragged. The man had an aura of John Mayer. Full arm tattoo, ragged jeans, black shirt, converse, at mukhang ka-edad lang ito ng magulang niya, but the aura was younger.


"Hi," nakangiting bati niya at inilahad ang kamay. "Chaos Joaquin Aramaico-Mathias."


"Daemon Alonzo," nakangiting ganti nito at kinamayan siya. Nakita niya ang tattoo nito sa may braso. It was a lioness tattoo with blue and brown eyes...at marami pang iba.


Bigla niyang naalala si Impyerna. She had the same tattoo on her waist to back. Kaagad niyang iniiwas ang isip na maisip ito. Magkikita sila ni Haven nang hapon, hindi puwedeng ibang babae ang nasa isip niya.


"Pleased to meet you," aniya kahit hindi naman niya ito kilala. Siguro, delivery guy ng nasabing kumpanya ito.


"You too. Finally met your kid, Jj." Nilingon nito ang daddy niyang nakatayo sa may pinutan. Close sila?


"Yeah, 'buti nga naisipan nang umuwi, e. Tagal na naming pinapauwi rito sa Pilipinas, 'buti na lang din," sagot naman ng daddy niya na ikinatawa nilang apat. Hawak pa nito ang kamay ng mommy niya. Hindi man lang nahihiya na naka-holding hands pa sa harapan ng ibang tao.


"So, I chose the best muscle car for you. Ako ang tinawagan ng daddy mo kasi ako ang mahilig sa muscle car and motorcycle," pagpapaliwanag nito. "Sana magustuhan mo 'yong dala ko."


Lumabas sila para tingnan ang sasakyang dala nito. Napangiti siya nang makitang Dodge Charger iyon, similar to what Vin Diesel used in Fast and the Furious and it was in red.


"That's one of the best muscle cars we own. Favorite kasi ng family ang brand na yan and my wife's favorite car, pati ng mga anak ko. Also, that car is equipped with bulletproof, encryption, and is secured. It can withstand 3000 rounds of bullets." Nagse-sales talk na ito at pinapaliwanag ang features ng sasakyan bago bumaling sa katabing motor. "And this is the newest Kawasaki ZX-6R. One of the best motorcycles. Proven and tested na at hindi ko bibigyan ang reyna ko nito kung hindi."


"Oh, your wife rides?" Chaos curiously asked. Weird.


The guy was about to answer his question when his mom asked about something. "O, kumusta na pala si Queen?" tanong nito. "Ang tagal ko nang hindi nakikita, a."


"She's good. Kakauwi lang din namin from our trip. Nagpunta kami ng India and of course, sakit sa ulo. Imagine going on a trip and only bringing bikinis. Sumasakit talaga ulo ko sa anak ko." Umiling pa ito at napapakamot sa sariling batok.


"Tell her I missed her," nakangiting sabi ng mommy niya. Mukhang sobrang close nga ang pamilya niya sa mga ito. "Nakaka-miss 'pag bigla na lang siyang magka-crash sa business meetings natin as if she's the boss. A boss in the making talaga."


Daemon snorted making his parents laugh. "She is. Sumasakit na nga ulo ko sa kaniya, e. Hindi ko na lang din sinasabi minsan kay Solz dahil alam n'yo na." Tumingin ito sa kaniya. "Anyways, let me know if magkakaroon ka ng problema sa mga sasakyan, papalitan kaagad namin."


Chaos nodded and inspected the motorcycle. Sweet!


"Thank you so much for delivering it personally, Daemon, ha?" sabi ng daddy niya. "I know you're busy but thanks."


"'Sus, drama. Malapit na magbukas 'yong bar ng magpipinsan. Siguro in three months. Invited kayo, ha!" habol na sabi nito bago sumakay sa sariling motor at pinaharurot iyon.


Tumingin si Chaos sa mga magulang niya. "Ganoon kayo ka-close sa delivery guy ng Criso cars? Friend n'yo?"


"Anong delivery guy?" gulat na sambit ng mommy niya. "He's Daemon Alonzo, husband of Soleil Dodd-Laurent, now Alonzo, of course."


"Seriously? 'Di ba Laurents is one of our business partners? I saw their files during my training at Aramaico-Mathias," Chaos answered.


"Yes, at 'yong school na papasukan mo, sila ang may-ari ng 40%," dagdag ng daddy niya. "While us, we only own 15%. Nag-invest kami ng mommy mo roon three years ago and that delivery boy owns Solice Group of Companies kaya 'wag kang ano riyan. Mayaman 'yan!"


Tumango-tango siya. Totoo nga 'yong sabi nila, don't judge a book by its cover.


"Bakit mo naman naisip na delivery boy siya?" natatawang sabi ng mommy niya. "Dahil sa damit at tattoos niya?"


Chaos laughed because he's guilty. Hindi naman sa minamaliit niya ang ganoon, pero sa aura kasi ng lalaking kausap nila, hindi talaga halata.


"Don't judge a person on the outside, CJ," pangangaral ng mommy niya. "Nako, you should meet Queen, their daughter. That girl, I love her. She's a freakin' disaster but super sweet."


"Sounds like you really like her, mom," natawang sambit niya at nagpaalam na. "Magbibihis lang po ako. Magkikita kami ni Haven, e."


"Go ahead," sabi ng mga magulang niya habang tinitingnan ang bago niyang sasakyan.


Nagmamadali siyang nagbihis, kinuha ang phone at wallet bago lumabas. Nagpaalam siya sa mga magulang at pinaharurot ang sasakyan sa address na binigay sa kaniya ni Haven. He's not familiar with Metro kaya nag-mapa at waze siya hanggang sa maligaw-ligaw dahil kung saan-saan siya napunta bago nakarating sa hotel.


Pagpasok niya, may lumapit sa kaniyang lalaki. "Bodyguard po ako ni Ms. Haven. Pinapabigay po niya 'to. Huwag na raw po kayong kumatok, pumasok na lang po kayo." It's a golden key card.


Nagmadali siyang pumunta at pumasok sa elevator. Nagsalamin pa siya dahil three weeks niya itong hindi nakita kaya dapat lang na maayos ang itsura niya.


Hindi na siya kumatok katulad ng bilin ng bodyguard. Pagpasok niya, naabutan niya itong nakatayo at nakaharap sa malaking bintana. Naka-formal dress ito na parang galing sa isang shoot. Lumapit siya para yakapin at hinahalikan ang gilid ng ulo ni Haven, pero naramdaman niyang hindi ito bumabawi ng yakap sa kaniya.


"What do you wanna talk about, Chaos?" Humiwalay si Haven sa kaniya at naupo sa sofa sa loob ng hotel room. Haven was looking at him as if he was nothing.


"About us," Chaos answered without hesitation. Naupo siya sa harapan nito, sa coffee table.


Hindi pa rin ito nagbabago. Sobrang ganda pa rin at bagay talagang mag-artista. Haven's the epitome of class and elegance. She's tall—around 5'8—perfect nose, perfect face, perfect life, everything.


"Wala nang us, Chaos. 'Di ba, we broke up three weeks ago?" Haven was looking at him. "Ano pa'ng gusto mo? I already chose my career. Pinapili mo ako. This is a once-in-a-lifetime chance, Chaos. Love, nariyan lang 'yan. But this? Hindi lahat nabibigyan ng ganitong chance."


"Itatapon mo 'yong three years natin for all of these? These are temporary, Haven. I am ready to marry you, hell, I can even marry you tomorrow if you want me to." Natigilan siya nang bigla niyang mabanggit ang pangalan ni Hell. Damn it!


Mahina itong natawa sa sinabi niya. "May mga pangarap ako, Chaos. I know your family's rich, pero may pangarap akong gustong matupad and that includes being an actress. Kaya nga, 'di ba, kung hindi mo ako kayang supportahan sa pag-aartista ko, let's just leave each other."


Chaos jaw clenched. He loved her and he's not the kind of man who would beg, but now, he's begging to have her back.


"Papayag akong itago mo ako..." nakayukong sagot niya. Labag sa kagustuhan niya, pero kung iyon ang magpapabalik kay Haven sa kaniya, gagawin niya.


Napatingin ito sa kaniya na parang nagulat dahil iyon ang pinakaayaw niya. Ayaw niyang nagtatago, ayaw niyang pangalawa lang siya, hindi siya nakikiusap...pero para kay Haven, ginawa niya.


"Papayag ako." Chaos paused. "Just get back with me, please," he begged.


Umiling si Haven. "No, Chaos. Nag-decide na tayo three weeks ago and I am happy with what I currently have. Jai and I, I think we're not faking it anymore. He's nice, he's a great person, and he's not hard to love."


"Wow naman, Haven." Tumayo siya at hinilamos ang sariling mukha. "Three years over three weeks? Tangina naman!"


"You know I hate cursing," paninita nito sa kanya.


"Nagmumura ako kasi, shit, nasasaktan ako sa ginawa mo. Alam mong ikaw lang ang babaeng minahal ko, 'tapos, iiwan mo ako para sa ganyan? Shit naman, Haven!"


"Maraming may gusto sa 'yo, go out with them. Hindi na ako puwede because I'm committed to a contract and I'm sorry I chose this path, sana maintindihan mo rin ako. I have dreams. Kung ikaw, wala kang pangarap dahil may sarili kayong company, ako meron. Sana huwag mong ipagkait sa 'kin 'yon," Haven continued. "Aalis na ako. Please huwag ka munang lumabas after me. Ayaw ko ng issue."


Mahina siyang natawa lalo nang lumabas 'to ng pinto nang walang sabi-sabi. Ni hindi siya hinintay na sumagot. Ganoon na lang 'yon? Huminga siya nang malalim at napailing dahil sa nangyari.


He was looking forward to seeing her. He badly wanted to talk to her kasi akala niya may chance. Three years, e! Tapos, pumayag pa siyang maging hidden boyfriend para lang balikan siya. Pero ang ending, pinili nito 'yong love team shit nito. Pinas, gising! They're fooling you!


He went into one of the bars near the area called 'The Arc'. Sabi ng mga bartender na nakausap niya, the bar was owned by twins. Iyong isa famous influencer named Arkin. Hindi naman niya kilala. Hindi siya interesado sa kahit anong entertainment.


Sobrang daming tao, sobrang daming sumasayaw sa gitna, at may mga babaeng lumalapit sa kanya, pero wala siyang pakialam. At habang umiinom ng beer, parang biglang naaalala ni Chaos ang mga oras niya sa isla. Parang ngayon niya biglang kailangan si impyerna--not for sex, but for some conversation.


Iyon ang nami-miss niya kay Impyerna. Malalim na paguusap, daring adventure, lalo 'pag nasasaktan daw ito, at 'yong mukha nito 'pag natutulog. That's the reason why he left the island earlier than expected. It's like, everywhere he looked, he was looking for Hell.


***


It was Monday, first time rin niyang papasok sa school. Sa university na papasukan, nandito rin sina Haven at Jai, na ka-love team ng ex-girlfriend niya. Sinadiya rin niyang mag-enroll dito, hindi dahil sinabi ng mga magulang niya, kundi dahil nandito si Haven. He would have her back and that's for sure.


Gamit ni Chaos ang bagong sasakyan at pagpasok niya sa gate, kinagulat niyang may pangalan siya sa parking area na agad tinanggal ng guard pagpasok niya.


Nag-observe si Chaos bago lumabas ng sasakyan. The university looks expensive as fuck, no wonder dito nag-aaral ang ibang artista, mga anak ng pulitiko, at mga businessmen. One more thing, anyone can wear whatever the hell they want. No uniform like the schools in the U.S.


Sa parking area, nakita niya sa tapat ng sasakyan niyang may magagandang sasakyan. Sports cars pa nga, e, at may dalawang bakanteng parking. One was for Gulmatico-Laurent and one was for Laurent-Alonzo. Baka iyon ang anak ni Daemon Alonzo na sinasabi ng mommy niya.


"Good morning, Mr. Mathias," nakangiting bati ng guwardiya.


Hindi niya maiwasang magtanong. "VIP parking area ba talaga dito?" tanong niya.


Bahagya itong tumango. "Yes po, Sir. Pinaayos po talaga 'to for VIPs, including anak ng mga boards. Kasama po kayo pati po ang mga Laurent," pagpapaliwanag nito. "Ito po pala 'yong pass at GPS n'yo, riyan po namin makikita kung malapit na po kayo sa school kasi magpa-prompt sa system namin." Inabot nito ang ID para sa parking. "Kapag may kailangan po kayo, puwede n'yo po kaming tawagan anytime."


Lumapit naman sa kanya si Roi, isa sa magiging teammate niya dahil varsity na siya ng East University. Nag-apply siya nang nagpunta ang mga 'to sa U.S para sa practice at team building kaya sinubukan niya at natanggap naman.


"Man!" natutuwang sambit ni Rio at inakbayan siya. Lumapit din si Kevin, isa rin sa teammate nila. "You're finally here! Next month na ang UAAP, so, are you ready?"


Chaos nodded. "Ako pa ba?"


"That's the spirit." Tinapik nito ang dibdib niya at tumawa. "Come, doon na tayo sa lobby."


Sumunod si Chaos na naglakad habang nakikipagkuwentuhan kay Kevin at nakita ang iba pang magiging teammates sa lobby. Sa lobby area rin ang admin at medyo maraming tao dahil, as per Kevin, may mga nag-e-exam para sa next semester. Napansin din niyang mayroong isa pang grupo ang nakaupo roon na nag-o-occupy ng dalawang table.


"Good to see you again, Chaos!" isa-isang bati ng mga ito. Nakilala niya ang lahat sa U.S kaya hindi na siya nanibago.


Saktong-sakto namang napatingin siya sa gawi ng hallway papunta sa lobby at nakita si Haven na kasama si Jai. They're talking like a perfect couple. At ang nakakatawa, parang totoong-totoo.


"So, the rumor is true." Nagsalita ang isa sa mga lalaking kasama niya. "They're really dating?"


"Looks like it, paano na si Hell?" tanong ng isang kasama nila. "They've been dating for two years, 'tapos biglang ganyan? Nag-take off ang lang career, iniwan na si Hell?"


Hell? Iisa ba ito sa Hell na kilala ko?


"Kaya nga, e. Simula no'ng lumabas 'yong issue three weeks ago about kay Jai and Haven, hindi na pumasok at nagpakita si Hell," sabi ni Kev. "But look on the brighter side, Hell is now single so..."


"As if may pag-asa ka ro'n!" sagot ni Roman na parang nang-aasar pa kaya nagtawanan silang lahat. "Kilala naman natin mga ex ni Hell."


"Hell?" Chaos asked. Curious siya kung si Hell na sinasabi ng mga ito at impyerna niya ba ay iisa. "Who is she? Her name is really Hell? Is that a joke?"


"Joke? E, ikaw nga Chaos pangalan mo, e," sagot ni Roi. Nagtawanan naman ang lahat. "And yes, her name is Queen Hellery Laurent-Alonzo. She's one of the most popular girls hindi lang dito sa school, pati sa iba."


"And her ex-boyfriend is Jai Rivero?" nagtatakhang tanong niya.


Sabay-sabay tumango ang mga kasama niya. Tinuro ni Kevin ang grupo na kanina pa niya tinitingnan. "That's her group. Mga pinsan niya 'yong mga lalaki. Iyong lalaking may hawak ng camera, that's Arkin, if familiar ka sa mga malalaking bar including The Arc, sila ng kambal ang may-ari."


Hindi siya sumagot.


Tinuro naman nito ang lalaking naka-ball cap. "That's KC, teammate natin siya, pero hindi siya tumatambay kasama namin or natin, lagi lang siyang kasama ng mga pinsan niya." Tinuro din nito ang lalaking tahimik lang na nakaupo habang nakikipag-usap sa babaeng katabi. "That's KM, kakambal yan ni KC."


"Sila lang lagi ang magkakasama. Wala si Arkon, 'yong kakamabal ni Arkin kasi ang madalas kasama no'n, si Hell," dagdag pa nito.


"May picture kayo ni Hell?" Chaos asked. Damn, he's now super curious. He badly wanted to confirm if the Hell he knew was the Hell they're talking about.


Hindi pa nalalabas ni Kevin ang phone nito nang biglang lumabas ng elevator si Daemon Alonzo at lumapit sa mga lalaking mga "pinsan" daw ni Hell. "Where's Hell? Hindi umuwi kagabi, e." They're just three tables away at naririnig nila ang pag-uusap ng mga ito.


"On the way na po, Tito," sagot ng lalaking may camera. "She's with Arkon."


Sina Jai at Haven naman ay naglalakad din papunta sa lobby nang biglang may dumating na motor. It's one of the most expensive Ducati in the world. Bakit niya alam? Gusto niyang bumili n'on.


"No need for picture na pala, e," ani ni Kev na nakaharap sa kaniya. "Her Royal Highness is back."


Nakita niyang tumigil sa paglalakad sina Jai at Haven at napatingin sa naka-motor. Lalaki ang driver at babae ang nasa likod. Both were wearing a helmet and a jacket. Naunang bumababa ang lalaki, sumunod naman ang babae.


Tinanggal ng lalaki ang helmet at nakita niyang kamukha nito ang may hawak ng camera, pero iba ang dating ng lalaking iyon.


And when the woman removed her own helmet, his heart stopped. The Hell they're talking about and Impyerna...was the same. She wore a pair of black ripped jeans and black vans. She removed her jacket and she's wearing a black tattered crop top sando. Impyerna's tattoos were exposed at parang wala itong pakialam sa mundo.


Sa isip niya, allowed ba talaga sa school na ito ang crop top? Pero magugulat pa ba siya, e, entitled nga pala ito.


"The royal hotness is back," bulong ng ilang ka-teammates niya. "...and single."


Chaos was looking at Hell when she ran towards Daemon.


"Hi, Dad!" Narinig niyang bati nito at nakangiting lumambitin sa leeg ng ama.


"Hindi ka na naman umuwi. Saan ka nagpunta?" tanong nito habang hinahalikan sa gilid ng noo ang anak.


"Dad, may gig ako last night, remember? Hindi mo talaga tsine-check ang mga text ko sa 'yo," sabi nito bago bumaba. "Tanda mo na kasi, hindi ka na nagtse-check ng text!"


Chaos smiled and shook his head. Akala niya hindi na sila magkikita but, damn, iisang school lang pala sila at iisang society ang ginagalawan nila. Isa pa, their families were close and business partners. What were the fucking odds? Maliit ang mundong ginagalawan nila.


Nagkukwentuhan ang magpipinsan nang bigla itong napatingin sa kanya. Nakita niya kung paanong manlaki ang mga mata nito. Chaos smiled. Hell's brow raised and walked towards him. Kahit ang teammates niya ay nagulat na papalapit si Hell sa kanilang lahat.


Napatingin siya kina Haven at Jai na nakatingin din sa kanila.


When Impiyerna stopped walking, she smirked at him, and fuck, he could clearly remember that smirk. "What the fuck are you doing here, honey?"


"It's nice to see you again, Impyerna." Chaos bit his lower lip while he looked at her.


"You have some explaining to do, Kaguluhan. You have a car?" tanong nito sa kaniya habang nakangiti.


Napatingin siya sa daddy nitong nakatingin sa kanilang dalawa kaya medyo nailang siya. Tinuro naman niya ang sasakyang binigay ng daddy nito days ago.


Hell smirked while looking at his car. "Nice, Criso Cars. Shock-proof." Ibinalik nito ang tingin sa kaniya at tumaas ang kilay. She even winked. Holy fuck. "Can we talk?"


Chaos smiled. "Sure."


"Good." Hell grinned then bit her lower lips. Fuck talaga!


Hindi na niya inisip ang mga tao sa paligid nila. Nauna nang naglakad si Chaos, pero nagulat siya nang bigla itong tumalon sa likod at kinagat ang tainga niya. Kaagad niyang sinapo ang pang-upo nito dahil muntik malaglag.


"What the hell, Hell!" Hindi siya nasaktan, pero nakaramdam siyang sensasyon mula rito. Isa pa, alam niyang maraming taong nakatingin sa kanila, isa na ang ama nito.


"Hell, hell what?" tanong nito na natatawa. "Walk towards your car. Now!" Pag-uutos nito at parang unggoy na nakasakay sa likod at nakaakap legs sa baywang niya. Para itong walang pakialam kung nakatingin ang mga pinsan, daddy, teammates niya, ibang tao sa lobby, ex niya at ex nito.


"Hellery!" singhal ni Daemon, humarap siya, mukhang wala itong pakialam sa gagawin nila. "He's new here, please lang huwag mong aawayin si Chaos! Magagalit ang Tita Carizza mo."


"Damn it, Dad! We're just gonna talk!" sagot ni Impyerna at bumulong. "Car now, Kaguluhan. Faster, please!" na parang umuungol pa, nakakairita!


"Yeah, right! I know you, Hellery. Don't you dare do something stupid," sagot naman ng daddy nito bago pinaharurot ang motor at umalis na. Sobrang weird na wala man lang itong pakialam sa position nilang dalawa, mukhang sanay na.


Bago buksan ni Chaos ang sasakyan, ibinaba niya si Hell, at hinarap ito. Hinahaplos niya buhok nito at nakangiting nakatitig sa mukha ng babaeng ilang araw ng laman ng isip niya.


"I missed you, Impyerna."


Hell grinned. "Explain. Now."







T H E X W H Y S


37 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page