top of page

Infliction 20: Strangers with Benefits - Ch. 1

Habang nasa bangka papunta sa nasabing isla, nakatitig si Chaos sa babaeng nasa kaharap. He stared at her hair that was being blown by the wind. Biglang gustong magpasalamat ni Chaos na malakas ang hangin dahil nagkaroon siya ng pagkakataon para makita ang kabuuang itsura ng babaeng kaharap.


The woman's features were very attractive. Chaos was sure that this girl wasn't pure Filipino. Though mahahalata pa rin ang pagiging Pinay nito, her features were defined. Cute, pointy button nose, thick, untouched bushy brows, defined feminine jawline, a dimple...no, dimples on both sides. Isang dimple lang ang nakita niya noong unang beses. Plus, a cleft chin and a freaking resting bitch face.


Her ears had different kinds of piercing. A lot, actually. Chaos wasn't fond of women with lots of piercings because for him, it was messy. But while he stared at the woman in front of him, he started appreciating it. It kinda looked good.


It wasn't his intention to observe her, but it's inevitable. This woman was the type of girl he wouldn't dare to date. She looked dominant. Ayaw ni Chaos sa babaeng dominante. Hindi niya masiyadong gusto ang mga babaeng masiyadong intimidating at strong ang personality. He was attracted to someone soft...like Haven.


The woman in front of him screamed dominance and power.


Chaos arched his brow and bit his lower lip when his eyes settled on the woman's body. She's not thin and not curvy. She was fit and a bit muscular. It was obvious that the girl took care of herself properly. He could also see her boobs' perfect shape. That nipple peeking through the thin, black fabric made the woman hotter. Her hair was messy and wavy. It was a mixture of brown and black. It looked natural and long.


"Stop staring at me," paninita nito nang magtama ang mata nila at tumitig sa kaniya nang masama. Chaos smirked because she's not wrong. "I can see through those shades that you're gawking at me, asshole."


"Well, I'm watching one of the most beautiful creatures I've ever seen." Chaos smirked and bit his lower lip. "Someone worthy to look at. What's your name again?"


"Hell," anito na may kasamang pang-aakit sa boses. "Creature amputa."


Chaos laughed when the woman started acting as if she's about to throw up. Sa pinapakita nito, mukhang ito iyong klase ng babaeng hindi madadaan sa matatamis na salita, ang babaeng hindi mai-in love sa mga banat, at ang babaeng mahirap ligawan.


It took around thirty minutes before they arrived on this remote island that he rented for two weeks. The original plan was to stay there alone. He wanted to be alone after that huge fight with Haven, which also led to breaking up. The fuck.


For three years, his world revolved around Haven. They were classmates since high school until a talent agency discovered Haven. At first, it was just modelling for some brands until she became one of the most sought-after actresses in the Philippines.


Nag-away sila dahil gusto ni Haven na itago na ang relasyon nila at palabasing hiwalay na sila so her career could boom. It was unfair. Siguro sa iba, ayos lang iyo...sa kaniya, hindi.


Chaos was rich. His family was freaking rich. They owned two of the Philippines' huge companies. Kung tutuusin, kaya na niyang buhayin si Haven, pero sumusuporta lang siya sa pag-aartista nito. But after that fight, he realized that he was not her priority. Gusto niyang suportahan si Haven sa pangarap nito, but them hiding? Hell, Nah! Tangina, never!


Pagbaba ng bangka, napansin ni Chaos na isang bag lang ang dala ng babaeng kasama. Walang-wala ito kay Haven. During a three-day trip, Haven would bring her entire closet. But this girl, parang halos walang bitbit.


Pinalibot ni Chaos ang tingin sa isla kung nasaan sila. It's far from reality, from civilization, and it's awesome! No internet, no electricity, nothing. Para siyang magka-camping sa lugar na walang makakaalam kung nasaan siya.


"There's one cabin here," sabi ng tour guide na naghatid sa kanila. "We really apologize for the mistake, Ma'am," sabi pa nito sa babaeng kasama niya.


No word from the woman. Nakatingin lang ito sa tour guide na naging dahilan para maging awkward ang atmosphere. Chaos pressed his lips together to contain his smile. She stared at everyone looking like a bad bitch, at halos lahat ng kasama nila na nag-a-assist sa kanila, tahimik.


"Sir, I'm really sorry, but thank you for allowing Ma'am to be with you." It was the manager who came with them to ensure that the entire place was okay. Lalo na't galit ang babaeng kasama nila.


Chaos nodded without saying anything. Naglakad sila papunta sa cabin at pumasok. The placed looked cozy, calm, and peaceful.


"This cabin has no electricity. You'll have to build your own fire, cook your own meal. It really is a great getaway for those people who love to be by themselves, but for the first day, we've stocked foods inside," pagpapaliwanag ng babaeng nasa harapan nila at itinuro ang lalagyan ng pagkain.


The woman with him snorted. "Yeah, that was the plan...until your fucking system ruined my vacation." She was saying it naturally na walang pakialam kung masasaktan ang mga tao sa paligid, lalo na at ginagawa lang ang trabaho.


"We really do apolo–"


"Nah, stop apologizing," said the woman, immediately cutting her off. What's done is done. As long as I won't have to deal with that person..." Tinuro siya nito, inirapan, at nginisian. "I'll be good."


Tumango-tango lang ang manager at mga tour guide sa sinabi ng babae. Halatang ayaw na rin makipag-usap dahil paniguradong makakatikim pa sila ng salita. Every word came with an answer. Naiintindihan niya ang katahimikan ng lahat. Gustong matawa ni Chaos, pero ayaw niyang mapagbuntunan ng galit.


"Here's a satellite phone." The manager gave Chaos a huge phone with an antenna. "Call the only number if you need help. We can send both chopper and a boat if needed."


"Thank you," Chaos politely answered. "Can we call if we need something like food or anything?"


"Yes, but with added cost, Sir," sagot nito sa kaniya.


Chaos nodded. Nagpaalam na rin sa kanila ang mga ito at parang nagmamadali pang umalis dahil takot maratratan ng babaeng kasama niya. Natatawa siya kung paanong umiwas ang mga ito sa tingin ng babaeng iritable na nga, wala pa talaga sa mood dahil masama ang tingin sa kanilang lahat.


Pareho silang nakatayo sa living area ng cabin at hindi nagkikibuan nang basagin nito ang katahimikan.


"Dito na lang ako sa sofa matutulog." Ibinaba nito ang gamit sa gilid ng kulay puting sofa. "Just pretend that I don't exist. Kung ayaw mo akong makita, just tell me. P'wede akong matulog sa beach area."


"Nope. Hindi naman ako ganoon kagago to let you sleep outside. You can stay there." Tinuro ni Chaos ang sofa na mukha namang comfortable. Mayroon din itong sapat na unan at mukhang malaki para sa babaeng kasama niya.


The woman just shrugged and nodded. "Fine. Just please, pretend you don't see me because I don't want to deal with you. I needed this vacation, so, please, spare me from shits because I've got no chill right now," sabi nito na seryosong nakatingin sa kaniya.


"No worries at all, Miss." Chaos subtly bowed just to tease the woman.


The teasing worked because the woman looked annoyed and rolled her eyes. "It's Hell, but, please, kung puwede lang, act like I'm invisible," sabi nito at walang sabing nahiga sa sofa na para bang pinapakiramdaman kung komportable ba ang tutulugan. She let out a loud breath. "Better than nothing."


Chaos didn't say anything. He turned around and entered the only room inside the cabin. Ibinaba niya ang nag-iisang backpack na dala at nahiga sa kama. Isang parte ng kuwarto ng cabin ay glass wall. At kita mula sa kama ng kuwarto ang labas kung saan tanaw ang dagat.


Simple lang ang nasabing cabin. Sa obserbasyon ni Chaos, gawa ito sa kawayan, pawid, ilang semento, at glass wall nga sa parte ng kuwarto. Wala mang kuryente, malamig ang pakiramdam sa loob ng nasabing kuwarto.


The entire place looked and felt serene, isolated, and cozy. Walang kuryente dahil ang purpose ng island na ito ay to unwind, to stay away from everything, and to breathe.


Napaisip bigla si Chaos. Kung hindi siya ang nag-book ngayon, e di, ang babaeng kasama niya ang nagbu-book at mag-isa lang 'to. Sa observation niya, mayaman 'to at mukhang hindi sanay sa hirap, so, bakit 'to nandito? Bakit ba ako nakikialam?


Hindi namalayan ni Chaos na nakaidlip siya. Galing pa siya ng U.S, wala pa rin siyang matinong tulog. Hindi naman siya inaantok, bigla na lang din bumabagsak minsan ang katawan niya.


Tumingin siya sa orasang nasa pader at nakitang alas-kuwatro na ng hapon.


Paglabas niya, walang tao sa buong cabin. Wala ang babaeng kasama kaya naisipan niyang lumabas para hanapin ito. Iginala niya ang paningin, pero wala ito sa lugar na malapit ang cabin kaya medyo naglakad-lakad siya nang bigla itong umahon mula sa beach.


Chaos subtly bit his lower lip when he saw the woman wearing a black two-piece bikini at kahit sino, mapapatingin. She was too attractive. Small waist, flat stomach with belly button piercing, small to average sized breast na nagpa-sexy lalo rito, defined hips, and well-toned butt. Damn this girl.


Umahon ito nang hindi man lang siya tinitingnan. Lumagpas ito sa kaniya na para bang hindi siya nag-e-exist, samantalang siya, laban na laban sa nararamdaman because this woman looked like a fucking goddess.


Napansin ni Chaos na may mga tattoo ito sa iba't-ibang parte ng katawan. Sa may gitna ng dibdib, sa gilid, sa may batok, sa balikat, sa likod, at kung saan pa. Maputi ito kaya halata kaagad. Siya mismong lalaki, walang tattoo kaya napatitig siya rito.


Wala pa rin itong pagpansin habang nakaupo sa buhanginan nang maglabas ng beer na nakalata at magsindi ng sigarilyo


"Saan ka kumuha ng beer?" tanong niya habang papalapit sa babaeng parang hindi siya nakikita. Hindi ito sumagot kaya medyo naba-badtrip na siya dahil sa paningin nito, parang hindi siya nag-e-exist.


"Hey!"


"What?" Masama ang tingin nito sa kaniya. "Hindi ba usapan natin, we won't deal with each other? I'll act like I don't see you and you'll act like you don't see me. Mahirap ba 'yon?" pagalit na tanong nito. "And the beer?"


Nagulat si Chaos nang maglabas ito ng beer sa bag. Looked like she brought her own liquor on the island dahil may nakita pa siyang tequila sa loob. "Here. Nagdala ako ng beer ko at sa 'yo na 'tong isa, just please, pretend I don't exist." Ibinaling nito ang tingin sa dagat habang humihithit ng sigarilyo.


Naglakad si Chaos pabalik sa cabin at naupo sa balcony area. Binuksan niya ang beer na hawak at tinungga iyon. Tahimik lang siya na nakatingin sa dagat nang tumayo ang babae habang nakaupo pa rin siya sa balcony ng cabin at nagre-relax. Pumasok 'to sa loob nang walang sabi-sabi, na ni dapo ng tingin wala and it was beginning to piss him off.


Paglabas nito, bagong shower at may dalang lutuan. She started making fire kaya natawa siya, girl scout pala ang babaeng ito. May dala pa itong sariling lighter na ginamit sa paggawa ng apoy bago nagsindi ng bagong sigarilyo.


This woman could drink, smoke, she even had tattoos and piercings. She's a fucking bad girl.


Kitang-kita ni Chaos kung gaano kagaling humithit ng sigarilyo ang babaeng nasa harapan niya. Kung paano mamula ang dulo sa bawat higop, kung gaano kalaking usok ang ibinubugan ito. Bukod pa roon, she's sipping another beer while cooking.


While observing, naalala niya bigla si Haven. Haven was the total opposite of Hell. Bigla siyang natawa nang malakas because even the name itself was fucking opposite. Nagkatinginan silang dalawa nang titigan siya ni Hell na parang nagtatakha kung bakit siya tumatawa. Nakita niyang halos manlisik ang mga mata nito.


Chaos was wondering what she was thinking.


Nakasuot ito ng oversized white T-shirt na walang print. Habang nakaupo, nakikita ni Chaos na nakasuot naman ito ng underwear, pero dahil puti ang T-shirt na suot, nakikita niya na nakabakat na naman iyong nipple nito dahil walang bra.


Lumaki naman siya sa U.S. kaya parang normal na iyong mga ganitong scenario sa kaniya. It wasn't a big deal.


"Ano'ng nakakatawa?" biglang tanong nito. Sa tono ng boses nito, parang nakarinig si Chaos ng inis. "May nakakatawa ba sa ginagawa ko?"


Chaos shook his head, pero hindi na naman niya mapigilan ang tawa niya. Nakatingin siya rito na nakataas ang isang kilay, nakakagat sa pang-ibabang labi, habang may sigarilyong nakapagitan sa daliri.


"Putangina mo, ano'ng nakakatawa?"


"Why are you cursing so much?" Chaos frowned. "Unang-una, wala kang pakialam kung bakit ako natatawa. Hindi ba, gusto mo na huwag kitang pansinin, ba't ka nagpapansin ngayon, type mo ba ako?"


Nakita niya kung paanong nangasim ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. "Tangina mo, nakakadiri ka. Ano ba'ng problema mo? Ano'ng nakakatawa?"


"Wala nga! Natatawa lang ako kasi para kang girl scout! Ready ka, ha?" natatawang sabi ni Chaos. "You're smoking pala. Hindi ba, masama 'yan sa health mo?"


The woman frowned while looking at him. "Wala kang pakialam and mind your own fucking business," sagot nito sabay hithit ng sigarilyo.


"What's your name again? Hell? Siguro naman, hindi bobo at tanga ang magulang mo para ipangalan sa 'yo ang impiyerno, 'di ba?" tanong niya. Dahil totoo naman, sinong matinong magulang ang papangalanang Hell ang anak nila. Mga baliw!


Naningkit lalo ang mata nito habang nakatingin sa kaniya. "Ay, putangina," sagot nito bago bumuga ng malakas na usok. "E, sinong tanga at walang kuwentang magulang ang magpapangalan sa anak nila ng Chaos? O, alam ko na kung bakit, 'cause you're a fucking walking disaster." She smirked.


For some reason, nairita siya dahil may katotohanan ang sinabi nito. Ilang beses na ring sinabi sa kaniya ni Haven na walking disaster siya, pero ang marinig iyon sa taong hindi pa naman siya kilala, nakakairita.


Tumayo si Chaos habang nagtatagis ang panga sa sobrang iritasyon, pero kaagad siyang lumingon dahil maganda naman ang pangalan niya. "Chaos Joaquin. That's my real name."


Hell smirked and snorted. "I'm not even asking and I don't fucking care," sagot nito at walang sabing tinalikuran siya. Napakabastos! Hindi naman inaano, ang sama-sama ng ugali!


Wait, why am I so affected? Maganda lang, masama naman ugali! Sarap ipakain sa mga pating.


Papasok na sana si Chaos sa loob ng cabin, pero nakita ng peripheral vision niya na nagsisindi na naman ito ng sigarilyo. Wala namang masama sa paninigarilyo, pero iyong kakaubos lang nito ng isa pagtapos ay magsisindi na naman ng bago? Aba, teka.


Nagmadali siyang lumapit at inagaw ang buong kahon at walang sabing tinapon iyon sa apoy na nasa harapan nila. Chaos saw how Hell's eyes widened in shock na parang hindi ito makagalaw sa ginawa niya, even him was shocked. Nagulat din siya sa sariling ginawa.


"What the fuck did you just do?" sigaw nito sa kaniya at nakaturo sa apoy na may nasusunog na karton ng sigarilyo. "That's the only one I have!"


"Masama ang sigarilyo sa health mo," kalmadaong sagot ni Chaos. "Katatapos mo lang sa isa, magsisindi ka na naman. Are you trying to kill yourself?"


Hell's eyes were full of anger at nakikita iyon ni Chaos. "Bakit ka ba kasi nakikialam? Hindi ba usapan natin, hindi natin pakikialaman ang isa't isa?" pasigaw na sabi nito. "Eh, ano'ng ginagawa mo? Nagpapapansin ka ba?"


"I don't care what you want, Impyerna," Chaos answered. "Hindi puwedeng hindi ko mapansin ang taong kapansin-pansin." He then smirked. Mas nakita niya ang galit sa mukha nito kaya natatawa siyang pumasok ng cabin. Hindi rin malayo na tatawag ito sa resort para magpabili ng yosi.


Habang kumakain si Chaos, pumasok si Impyerna sa cabin. Dumaan lang ito sa harapan niya at parang walang nakikitang ibang tao. Kumuha ito ng blanket bago lumabas ulit.


Chaos was reading a book when he realized it was dark outside. Wala pa rin si Impyerna kaya nagtataka siyang lumabas ng cabin at nakita itong nakahiga sa blanket at nasa buhanginan. She was still wearing her oversized shirt and black underwear. Nakataas na hanggang tiyan iyong damit nito dahil sa sarap ng tulog at nakanganga pa.


Nakatayo si Chaos sa gilid habang nakatingin kay Impyerna. Kahit tulog, maganda pa rin. Nakanganga na at lahat, attractive pa rin ang mukha, at ang nakakatawa...habang natutulog, mukha itong anghel, hindi mukhang demonyitang galing sa ibaba.


Lumuhod siya para titigan ang mukha nito at mukhang nakatulog sa sobrang kalasingan dahil may bote ng tequila sa tabi nito. Maingat niya itong pinangko papasok ng cabin. Ni hindi man lang nagising, ni hindi man lang pumalag.


Maingat niyang ibinaba si Hell sa kama na nasa kwarto. Dahil lasing ito, hindi niya muna patutulugin sa sofa. Baka mamaya, malaglag pa, sayang ang mukha.


Chaos took a shower and laid beside Impyerna. Malaki ang kama at may safe space para sa kanila. Just to make it safer, lalo na't wala itong bra, naglagay siya ng unan sa gitna bago sinubukang matulog.


Kinabukasan, nagising si Chaos na may nakayakap sa kaniya. Nagulat pa siya na nakasubsob iyong mukha nito sa leeg niya, nakayakap ang braso sa dibdib niya, at putangina, kaya pala naramdaman niya ang pressure sa best friend niya, nakayakap ang paa nito sa baywang, pero natatamaan ang pagkalalaki niya.


Heck, no!


Nagmadali siyang bumangon para pumasok sa bathroom. Chaos took a shower to ease the arousal he felt. Putangina, ang tigas, e. Buti na lang natutulog pa! Baka mamaya, isipin, nagnanasa siya, nakakahiya. Putangina.


Natapos na siyang maligo, natutulog pa rin ito. Lumabas si Chaos ng kuwarto para magtimpla ng kape baka sakaling makalimutan niya kung gaano katigas ang kaibigan kanina dahil sa babaeng kasama.


He was busy reading a book when he heard some footsteps. He didn't bother looking when Impyerna spoke. "Hindi ko alam kung paano, pero pasensya na, nakapunta ako sa kama mo kagabi." Inaantok pa ang boses nito. "I must've drunk a lot last night not to notice how I got there."


Chaos didn't say anything. Tiningnan lang niya si Impyerna bago binaling ulit ang sarili sa pagbabasa ng libro. He's lusting over her, he had a morning wood because of her, at nakakahiya iyon. He decided that starting today, he'd rather keep himself busy and ignore her, mas makabubuti iyon.


Maya-maya, lumabas ito ng cabin. Naka-bikini na lamang ito at may hawak na lata ng beer habang naglalakad. Nilagpasan siya na parang hindi nakita at naglakad papunta sa beach area.


Tangina, ang aga-aga, alak kaagad!


Medyo tanghali at mainit na, pero iba iyong init na nararamdaman niya habang nakatingin sa nakatalikod na bulto nito. Cheeks of her butt were peeking through her bikini. Putangina!


Chaos gulped and looked away. Pumasok din siya sa cabin para magtingin ng puwede niyang iluto, at habang nagtitingin siya sa cabinet, nakarinig siya ng mahinang sigaw. Hindi siya sigurado kung guni-guni lang niya iyon nang makarinig ulit ng isa pa. Sa pagkakataong ito, mas malakas.


Nagmadaling lumabas si Chaos at nakitang nag-i-struggle si Hell at sumisigaw. He ran as fast as he could and saw some jellyfish around the area. He didn't think twice...he swam as fast as he could and encircled his arms around Impyerna's waist. Hinila niya ito hanggang sa maramdaman niya iyong aapakan niya at binuhat ito papunta sa cabin.


Dinala niya ito sa bathroom at inihiga sa bathtub na naroon. Mahina itong umiiyak at humihikbi, kaya tumakbo siya papunta sa kusina para kumuha ng bote ng tubig na iinumin at suka na nasa counter. Pagpasok ni Chaos sa bathroom, nakapikit ito at mahinang umiiyak. Kita niya sa maputing balat nito iyong ilang jellyfish sting na kaagad niyang binuhusan ng suka.


"Good thing, no tentacles," bulong niya habang binubuhusan ng suka ang katawan nito. Nakita niya kung paanong kinagat ni Impyerna iyong babang labi nito at mahinang humikbi. "It's gonna be okay," he whispered.


Tahimik lang itong humihikbi, walang sinabi.


"Shhh..." bulong niya habang binubuhusan ang tagiliran nitong may ilang marka. Kita niya ang pagpipigil ni Impyerna sa pag-iyak o pagpalag man lang. Nakita rin ni Chaos na may kaunti siyang marka, pero hindi niya iyon pinansin. "Sandali na lang."


Nang matapos si Chaos na buhusan ng suka ang katawan ni Impyerna, binuksan niya ang shower. "Lalabas ako, maligo ka riyan."


Paglabas ni Chaos, nagmadali siyang kalkalin ang bag nito para kumuha ng gamit. Sumunod na naghanap siya sa medicine box ng puwedeng gamitin nito. He's not a medical professional but he had watched too many clips about animal attacks. Thanks to NatGeo Wild for all the information.


Kumuha lang si Chaos ng underwear dahil wala man lang itong damit sa bag. Nakita pa niyang puro alak ang laman n'yon, wala man lang matinong damit. Nang makakuha ng kailangan, sumandal siya sa may pinto ng bathroom habang naghihintay at nang makita nito ang hawak niya, nanlaki ang mga mata nito.


"Did you fucking go through my stuff?"


"No time to argue, Impyerna. That shit stings, I heard, so dress up."


Kaagad naman nitong kinuha ang binigay niya kaya naghintay siya sa may pinto ng bathroom. He looked down, thinking about what happened. Iniisip niya na paano na lamang ito kung wala siya. Nang makalabas si Impyerna, nagmadali si Chaos buhatin ito papasok ng kwarto at inihiga sa kama.


"The fuck?" She was questioning him but he didn't care at all.


"Here, drink this para hindi mangati." Iniabot niya ang antihistamine for allergies, na nakalagay sa medicine box ng cabin. Naglabas din siya ng tube na parang ointment at nagsimulang lagyan ang mga parteng exposed na may jellyfish sting. "This will help with the stinging and itchiness."


Nakikita ni Chaos sa mukha ni Impyerna na iniinda nito ang hapdi...she was trying to fight the pain but couldn't. Bigla itong sumubsob sa unan at mahinang humagulgol.


"Do you want me to call for help?" Chaos asked. "Para madala ka sa hospital."


Umiling ito at tumingin sa kaniya na parang sinusuri ang katawan niya. Impyerna's eyes were swollen from crying too much.


"Bakit hindi ka nasasaktan?" Nakatingin ito sa mga markang nasa tagiliran at braso niya.


Hindi siya sumagot. Chaos just focused on putting the ointment. Hindi naman ganoon karami, pero siguro, masakit. Halata sa maputing balat nito ang mga markang namumula.


"Okay na ako, maligo ka na rin doon because you have marks, too. That must've hurt 'cause damn, I feel like someone's ripping my soul right now." Kinuha ni Hell ang tube na hawak niya.


"You're lucky to feel the pain, Impyerna," Chaos murmured.


"Stop calling me that!" singhal nito.


Tumingin siya kay Hell na masamang nakatitig sa kaniya. Chaos smirked. "I'll only stop calling you Impyerna if you tell me your real name." Binawi niya mula rito ang tube para siya na mismo ang maglagay.


"Tanga! Ang bobo mo naman! My real name is Hell," pasigaw na sagot nito at hinampas siya ng unan. "And I'm not even kidding."


Chaos smirked and pinched her nose. "Then I'll just call you Impyerna."




T H E X W H Y S


47 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page