Trigger Warning: Mentions of substance and physical abuse
—
Stupidity? Freya didn’t know.
She couldn’t point the finger at what was happening to her. Stupid? No, she wasn’t stupid. Reckless? Maybe . . . or just in love? Possibly.
Everyone around Freya pampered her, and she was literally given everything, but she had been questioning herself a lot. Most especially on why she was settling with Jasper, her boyfriend, for more than a year.
Maayos naman ang simula nilang dalawa. Walang naging problema si Freya sa kasintahan niya sa loob ng isang taon, pero bigla na lang itong nagbago. Nagbago to the point na nalulong na ito sa ipinagbabawal na gamot.
It had been two months since the accident that almost killed Freya, yet she still found herself staying with Jasper. ‘Ang tanga lang.’
“Uuwi na ako,” ani Freya habang nakatingin kay Jasper na nakatutok sa TV. “Magta-taxi na lang ako kung hindi mo ako maihahatid.”
“Stay,” diin ni Jasper na hindi tumitingin sa kaniya at panay pa ang singhot. Namumula ang mga mata nito, tumatagaktak ang pawis, at panay ang fidget ng mga daliri. “Dito ka na matulog.”
Umiling si Freya. “M-May exam ako bukas, e.”
“Sinabi kong mag-stay ka, ’di ba?” pasigaw na sambit ni Jasper.
Freya startled in fear when Jasper lifted his arms positioning to hit her . . . again.
“I said stay, babe,” diin ni Jasper na masama ang tingin sa kaniya.
Sunod-sunod ang naging pagtango ni Freya dahil sa takot. Ayaw niyang mabugbog, ayaw niyang masaktan ulit, dahil baka kung saan na naman sila humantong ng kasintahan.
Instead of saying anything, Freya stood up and went straight to the kitchen to make some soup. Nagugutom na siya at ayaw namang lumabas ni Jasper para bumili ng pagkain. Galing sila sa school dahil nagpumilit itong sumama siya kahit na ayaw niya.
Tanga? Siguro nga. Pero mas lamang ang takot dahil alam niya kung ano ang kayang gawin ni Jasper sa kaniya. Bukod sa muntik na siyang mamatay sa disgrasyang nangyari sa kanila, natatakot din siya na baka maulit ang pananakal nito sa kaniya.
It happened multiple times, whenever she was disagreeing with Jasper, Freya would suffer from choking and beating. Ilang beses na niyang sinubukang makipaghiwalay, pero sinasaktan siya nito.
Sa tuwing iniisip ni Freya ang nakaraan, kung saan mabait na boyfriend pa si Jasper sa kaniya, nami-miss niya iyon. The Jasper she was currently with was physically and verbally abusive. Literal na 360 degrees ang pinagbago nito.
Freya sniffed while stirring the soup when Jasper hugged her from behind. Imbes na matuwa, napabuntonghininga siya dahil sa takot na kung ano na naman ang gawin nito sa kaniya.
“Ano’ng niluluto mo?” tanong ni Jasper na ipinatong ang baba sa balikat niya at hinalikan pa iyon.
She was still wearing her uniform, but she felt Jasper’s kisses.
“S-Soup,” Freya stuttered. “N-Nagugutom na kasi ako. Ikaw ba? G-gusto mo rin bang ipaghain kita?”
“Ako na,” ani Jasper na humiwalay sa kaniya. “Gusto mo ba ng softdrinks? Bibili ako sa labas?”
Freya nodded and faked a smile. “Sige,” sagot niya.
Lumabas si Jasper para bumili ng soft drinks at paglabas nito, kaagad na sinapo ni Freya ang dibdib bago huminga nang malalim. Ilang beses, para pakalmahin ang puso niya dahil sa takot.
Tumingin si Freya sa orasan. It was seven in the evening. Gusto na niyang umuwi, pero mukhang hindi niya magagawa at mukhang kailangan na naman niyang magsinungaling sa mga magulang katulad ng madalas niyang gawin nitong mga nakaraan.
Naghain na rin si Freya hanggang sa dumating si Jasper na nagbuga pa ng usok bago pumasok ng apartment nito. Malapit lang ang apartment ni Jasper sa school, isang sakay lang kung tutuusin, kaya naman madalas itong naka-motor na pinapaangkas siya kahit na ayaw niya.
Freya owned a car, but Jasper still preferred to ride a motorcycle.
Habang kumakain, pareho silang tahimik. Namumula ang mga mata ni Jasper at mas nakadagdag iyon ng takot kay Freya. Gusto niyang umuwi at malamang na magagawa na naman niya iyon kapag tulog na ang kasintahan.
“Nic,” kuha ni Jasper sa atensyon ni Freya kaya naman nilingon niya ito. “Mahal mo ako, ’di ba?”
Tipid na ngumiti si Freya at tumango, pero walang sinabing kahit na ano. Hindi naman siya nagsinungaling sa parteng iyon, pero mas lamang na ang takot niya kay Jasper, mas madalas na sa tuwing iaangat nito ang kamay, kahit hindi naman siya sa sasaktan, handa siyang sumangga.
“Gusto ko ng anak,” seryosong sabi ni Jasper habang nakatingin kay Freya.
Nagulat si Freya sa sinabi ni Jasper. Para lang itong nanghihingi ng candy sa sinabi. “N-Nag-aaral pa tayo.” Humigpit ang hawak niya sa kutsarang hawak. “Second year pa lang ako, babe. H-hindi pa puwede.”
Nakita ni Freya kung paanong gumalaw ang panga nito habang nakatingin sa kaniya.
Naningkit si Jasper at suminghot. “Paano kung gusto ko na? Hihindi ka ba?”
“Hindi pa puwede, babe,” seryosong at mababa ang boses na sabi ni Freya. “Mahirap maging magulang at ayaw kong gumaya kay Mommy na nabuntis habang nag-aaral. P-puwede bang pag-usapan na lang natin ulit ito after ng graduation?”
Umiling si Jasper. “That’s two years from now.”
“M-Mabilis lang naman ang p-panahon,” Freya stuttered. “Puwede sigurong mag-enjoy na lang muna tayo, ’di ba? Bilang mag-boyfriend?”
Walang sinabi si Jasper at basta na lang tumayo. Lumabas ito ng apartment at mula sa bintana, nakikita ni Freya ang makapal na usok na nagmumula sa sigarilyo nito habang nakasandal sa railing ng maliit na balcony.
Nakahinga nang malalim si Freya paglabas ni Jasper. Hindi ganoon kadali ang hinihiling nito. Given their current state where in Jasper was physically hurting her and emotionally torturing her, hindi puwede at hindi basta-basta ang hinihiling nito.
Nakahiga si Freya katabi si Jasper dahil pinilit nitong hindi siya umuwi. Nagsinungaling siya sa mga magulang na kasama niya si Riri, ang best friend niya.
Mahigpit ang pagkakayakap ni Jasper kay Freya at nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya. Ginawa rin nitong unan ang braso niya kaya nakakuha siya ng pagkakataon para haplusin ang buhok nito. She was still naked, both of them.
Freya felt a warm liquid pooling on her eyes. High school pa lang, magkakilala na sila ni Jasper at doon sila nagsimula. Hindi niya alam kung ano ang nangyari kung bakit ito nagkaganito.
“I missed the old you,” mahinang sabi ni Freya habang hinahaplos ang buhok ng kasintahan. Nanginginig ang boses niya at iniiwasang gumawa ng ingay. “W-What happened to you, Jasper? H-hindi naman tayo ganito dati.”
Jasper was sweet and caring. They started as friends before they became official. Nang nalaman nitong pumasok siya sa EU, sumunod ito sa kaniya kahit na nakapasa sa ibang school. Gusto nitong mas madalas silang magkasama.
Freya had no idea what happened until one day, Jasper became grumpy, always furious, and started hurting her physically.
Ilang beses niyang sinubukang kumalas at sa tuwing susubukan niya, mas nasasaktan siya. Dumating pa sila sa pagkakataong nasa loob sila ng sariling kotse ni Freya nang sakalin siya ni Jasper at doon niya naranasan magdilim ang paningin dahil sa pagkakapos ng hininga.
Nang maramdaman ni Freya na mahimbing nang natutulog si Jasper, maingat niyang tinanggal ang pagkakayakap nito sa kaniya at maingat na bumangon. Dumiretso siya sa bathroom kung at tiningnan ang sarili sa salamin.
May mga pasa siya sa braso mula sa pagkakahigpit ng hawak nito noong isang araw dahil nagalit sa kaniya nang late siya dumating sa usapan nilang susunduin siya.
Freya took a picture of her bruised body and saved it in a folder with a password. For some reason, she wanted to document what was happening to her in case Jasper ended up killing her.
Ended up killing her . . . napaisip si Freya. Hahayaan niya bang humantong sila sa ganoon?
Hindi nagalit ang mga magulang niya sa nangyari sa kanila ni Jasper dahil naintindihan na aksidente lang ang lahat, pero may kondisyon na sa susunod, kotse na lang. It was either they would use her own car or Jasper’s.
May kaya rin ang pamilya ni Jasper at hindi sila nagkakalayo ng antas ng buhay. Pareho silang di-sasakyan, mahilig lang talaga ito sa motor.
Paglabas ng kuwarto ni Jasper habang suot niya ang T-shirt nito, nakita niyang alas-dos na ng madaling araw. Kailangan niyang mag-aral dahil exam niya kinaumagahan. Kinailangan din niyang labhan ang uniform dahil wala naman siyang damit na naiwan sa apartment nito.
Habang nagbabasa ng notes, biglang naalala ni Freya ang hiling ni Jasper na magkaanak, na hindi mangyayari dahil pasikreto siyang umiinom ng birth control pill. She had to because if not, she would get pregnant.
Freya was busy with her handouts when Jasper spoke, “Bumalik ka sa higaan,” utos nito. She was about to protest when he spoke again. “Nicole, don’t make me ask one more time. Bed.”
Nagmamadaling tinago ni Freya ang mga papel at sumunod kay Jasper. Wala naman itong sinabi o ginawa, hinintay nitong mahiga siya at niyakap lang siya nang mahigpit na mahigpit.
Kung sa ibang pagkakataon, matutuwa si Freya na ganito si Jasper sa kaniya, pero dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraan, kung saan napapadalas ang pananakit nito, nasasakal na siya.
Mayroon pang pagkakataon na sa sobrang inis ni Jasper dahil hindi nabili ni Freya ang gusto nitong order sa isang fast-food chain, sinuntok nito ang binti niya na naging dahilan ng maitim na pasa.
At the end of the day, Jasper apologized and promised not to do it again.
Pero lahat ng pangako, napako. Dahil nauulit.
Iniisip ni Freya na tanga ba talaga siya para hindi umalis sa relasyon? Wala siyang ibang masabihan, kahit na si Riri dahil sa takot. Tanga ba siya? Oo, sobra. Pero mas nangingibabaw ang takot sa posible nitong magawa sa kaniya.
Nagising si Freya na may nakahandang pagkain sa lamesa. Nakaplantsa na rin ang uniform niya habang naghihintay si Jasper na nakaupo sa living area. It was confusing her for real. One day he was sweet, one day he was violent.
Nag-decide si Freya na maligo na muna bago kumain at habang nasa ilalim ng shower, bigla na lang pumasok si Jasper para sumabay sa kaniya. Freya didn’t bother protesting until Jasper kissed the back of her head down to her nape.
“I want a baby,” Jasper whispered at the back of Freya’s ear while holding her arm until his grip tightened. “Pero hindi mo maibigay, kaya ka ba nagpi-pills?”
Naramdaman ni Freya ang pag-angat ng sikmura at senyales iyon ng takot. Sunod-sunod rin ang pahinga niya nang malalim nang lalo pang humigpit ang pagkakahawak ni Jasper sa kaniya.
“You have a pill alarm on your phone,” Jasper muttered. “Nagsisinungaling ka ba sa akin?”
Hindi nakasagot si Freya na kagat ang ibabang labi.
“Freya,” seryosong sambit ni Jasper at marahas siyang pinaharap. Hindi na nagulat si Freya nang ilagay nito ang palad sa leeg niya. “Bakit ka nagpi-pills?”
“B-babe,” Freya gulped. “N-nasasaktan ako.”
Jasper smirked and hissed. “Bakit ka nagpi-pills?” Humigpit ang hawak nito sa leeg niya. “Don’t you dare lie to me, Nicole.”
“H-hindi pa ako puwede m-magbuntis.” Freya hesitated and groaned when Jasper’s grip on her neck became tighter. “B-bata pa t-tayo. Puwede bang pag-isipan muna natin?”
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Jasper sa leeg niya at hinalikan nito ang noo niya. Walang sinabing kahit na ano, hanggang sa bitiwan siya at iwanan sa shower.
Dumausdos ng upo si Freya at pilit na hinahabol ang hininga. Sapo niya ang dibdib dahil sa takot at panay ang hikbi kahit na pigil na pigil na siyang umiyak. Ayaw niyang umiyak, hindi siya iiyak.
Ang usapan nila, magkokotse sila papasok ng school, pero hindi nakinig si Jasper. Nagkaroon ng trauma si Freya sa motor dahil sa nangyari, pero wala siyang magawa dahil sa takot.
Bukod sa uniform, nagsuot siya ng cardigan dahil kung hindi, makikita ang pasa niya sa braso at ayaw niyang mag-isip ang mga makakikita.
Pagtigil ng motor ni Jasper sa parking lot, bumaba si Freya at tinanggal ang helmet na suot para iabot kay Jasper nang umangat ang kamay nito at awtomatiko niyang prinotektahan ang sarili gamit ang braso.
Kaagad niyang tinakpan ang mukha gamit mga kamay at bahagyang umatras. She startled and thought Jasper was gonna hit her. Napatitig ito sa kaniya at bigla na lang kumunot ang noo na parang nagulat din sa ginawa niya.
Tipid na ngumiti si Freya. “Nag-message pala sa akin si Daddy, susunduin daw niya ako mamaya kaya baka h-hindi na ako makasama sa ’yo.”
“Puwede ka namang humindi sa kaniya, ’di ba?” tanong ni Jasper habang binubuksan nito ang chewing gum lalo na at amoy sigarilyo ito. “Sa apartment ka na ulit matulog mamaya.”
“H-hindi puwede, kasi susunduin ako ni Daddy.”
Jasper breathed and stared at her with disappointment. “I-message mo na lang. Sabihin mo may thesis kang gagawin o project. Sa apartment ka na matulog mamaya.”
Hindi nakasagot si Freya.
“Itigil mo ’yang pag-inom mo ng pills, Nicole,” Jasper commanded. “Malaman ko lang na umiinom ka pa rin, magkakasubukan tayo.”
Freya automatically nodded. Sinundan niya ng tingin si Jasper na nauna nang umalis at iniwan siya sa parking.
Again, she breathed in relief when Jasper left and lightly caressed her bruised neck. Hindi niya alam paano iyon itatago kaya naman isinuot niya ang hood ng jacket na suot.
Mabagal na naglakad si Freya papunta sa isang building kung nasaan ang next class niya. Nag-iisip kung ano ang gagawin sa mga susunod dahil sa araw-araw, mas lumalala ang takot niya kay Jasper. Hindi malabong isang araw, mapatay na siya nito.
Pumunta muna si Freya sa restroom para ayusin ang sarili. Minabuti niyang takpan ng buhok ang leeg na may kaunting pasa. Naisip niyang dadaan siya sa mall para bumili ng concealer para kahit papaano, maitago ang mga pasa.
Nakayukong palabas si Freya ng bathroom nang may kamay na umangat. Automatic ang naging response ng katawan niya. Iniangat niya ang kamay at ipinantakip iyon sa mukha at ulo.
“I’m not gonna hurt you,” sabi ng lalaking may malalim na boses. May katangkaran ito kumpara sa kaniya at seryosong sumandal sa pader. “Is he hurting you?”
Kumunot ang noo ni Freya habang nakatingin sa lalaking nakayuko kaya hindi niya makita ang mukha nito.
“Your neck is bruising, imposibleng kiss marks ’yan,” sabi nito at tumalikod nang hindi tumitingin sa kaniya. “Take care of yourself, miss.”
—
Can't wait for the another updated..
OMG may story pala si Freya😭 Can't wait to see this. Sarap sapakin ni Jasper ha.
Leaving an abusive partner is easier said than done. You can’t do it. Andaming factors why. And people will never understand it unless they’re in the situation. 😔