"Bakit ka naman kasi umiyak kagabi, Ma'am Ramona?" pagbibiro ng makeup artist niya. "Ayan tuloy, medyo maga pa ang mata mo."
Nilagyan siya ng cold compress at eye mask para para medyo mawala ang pamamaga dahil nga iyak siya nang iyak kagabi sa pag-uusap nila ni KC nang hindi iniisip na kasal nga pala nila kinabukasan.
Kinailangan pa siyang pahiran ng kung ano-ano sa mata, lagyan ng cold compress, pati tea bags para lang mawala ang pamamaga.