Lakad-takbo si KC papunta sa hotel room kung saan dapat dadating sina Hellery at Helena. Tinawagan siya ni Arkon na wala ang pinsan niya sa kwarto at may nag-iwan ng video.
"What the hell happened?" tanong niya.
Nakaupo si Arkon sa kama habang may hawak na remote at nire-review ang footage kung saan may mga kumuha kina Hell at Helena. Bukod pa roon, may isang footage pa, live footage na nakatali si Hellery habang naka-underwear lang at si Helena na nakahiga sa kama at may IV fluid, who knows kung anong gamot ang nandoon.
Comments