top of page

Infliction 15: West, I'm Pregnant - Prologue

Sheltered—It was one of Akia’s most hated words because she really was kept from everything. She was sheltered by everyone. Literally. 


Masiyado siyang kinulong ng daddy niya lalo ng mga kuya niya kaya halos wala siyang alam tungkol sa kung ano ba ang nangyayari sa labas. 


Akia knew everyone was trying to protect her, but sometimes, it was too much. Matalino naman siyang tao. She had internet access, but also had limited knowledge about what was really outside. She wanted to be street smart, too! 


She was academically smart, but also wished she was street smart. Nalaman lang niya ang tungkol sa bagay na iyan dahil sa internet. 


“Are you sure kaya mo na?” Foster—Akia’s dad—asked while she was fixing her luggage. “I mean, puwede naman mag-homeschool ka pa rin. J-Just stay here, Akia.” 


Akia gazed at her daddy and smiled. “Dad, I’ll be fine. I’ll be with Kuya Arkon and Kuya Arkin. Hero’s going to be there, too! It’s time for me to go out, too, Dad. I mean, I’m fifteen!” 


Sumandal sa hamba ng pinto ang daddy niya at pinagkrus ang mga braso habang nakatingin sa kaniya. Malalim itong huminga. Matagal bago nagsalita at nanatiling nakatingin sa kaniya. 


“Bakit kasi ang bilis mong lumaki? Bakit lumaki ka pa?” tanong ng daddy niya. “Sana naging baby ka na lang forever para baby girl na lang kita.” 


Akia bit her lower lip and burst into a laughter. Tinupi niya ang T-shirt na hawak bago inilagay sa bagahe. “Daddy naman, eh,” aniya at lumapit sa daddy niya. “I love you, daddy. I’ll be okay. I promise.” 


Her daddy hugged her tight, kissed the top of her head, and breathed hard. Narinig niya ang tibok ng puso nito at ramdam ang bawat paghaplos sa likuran niya.


“I’m gonna miss you,” bulong ng daddy niya. “Seriously, Akia. I will and hindi ako makakatulog.” 


Akia looked up and kissed her daddy’s cheek. Mami-miss din naman niya ito, pero ilang beses na niyang pinag-isipang ang tungkol sa pag-alis niya sa bahay nila. Nainggit siya sa mga pinsan at kuya niya kaya nakiusap siya kung puwede na ba. 


Simula nang magdesisyon siyang tumigil sa homeschooling at mag-aral na mismo sa university kasama ang mga kuya at mga pinsan niya, tuluyan silang lumipat sa Metro. Dati silang nakatira sa probinsya, sa tabi mismo ng bahay ng ate ng daddy niya—na mommy nina Hell at Hero—pero mag-isa na lang siya roon dahil nasa Metro na lahat. 


Ilang beses niyang kinausap ang mga magulang niya na kalaunan ay pumayag sa kundisyong titira muna siya kasama ang mga kuya niya. 


Noong una, medyo napaisip si Akia. Tulad ni Hero na kaedad lang naman niya, mayroon dapat siyang sariling unit sa condo building malapit sa university, pero ayaw munang pumayag ng Kuya Arkon niya. 


Inalala niyang kung mahigpit ang daddy niya, triple si Arkon. 


Simula nang magdalaga siya, madalas itong nag-aalala para sa kaniya. It was sweet, sure, pero minsan . . . nakakasakal.


Walang problema si Akia sa mommy niya. Jolly ito at kung ano ang gusto niya, basta may limitasyon, ay puwede, Naiintindihan din ng mommy niya ang kagustuhan niyang lumabas, pero na-gets din naman daw nito ang daddy niya. 


In short, naging mahabang usapin pa ang paglabas niya. 



Kinabukasan, pagdating nila sa condo, nandoon ang mga kuya niya. Natawa pa siyang may pa-welcome party at nag-vlog ang Kuya Arkin niyang isang vlogger sa social media na mayroong hundred thousand subscribers. 


Lumapit sa kaniya ang Kuya Arkon niya at hinalikan siya sa pisngi. Dalawang linggo na niya itong hindi nakikita. 


“I missed you, Aki,” Arkon murmured. “Welcome home.” 


Akia smiled back and hugged her kuya. “I missed you, too, kuya.” 


Kaagad na humiwalay sa kaniya si Arkon nang pumasok sa condo nila si Aika—ang mommy nila. Umakbay naman sa kaniya si Arkin at hinalikan siya sa gilid ng noo. 


“Hey, Mom.” Yumakap si Arkon sa mommy nila. 


Sa kanilang magkakapatid, si Arkon ang pinakamalapit sa mommy nila. Malapit silang lahat, pero iba ang kay Arkon. Admitted naman ito na mommy’s boy at hindi iyon ikinahihiya. 


Lumapit din si Arkin sa mommy nila at yumakap din ito. 


Nilingon ni Akia ang lamesa at maraming pagkain tulad ng lasagna, cupcakes, at barbeque. Sigurado siyang binili lang iyon sa kung saan. 


Kinuha niya ang isang cupcake at tinikman ang icing. Nakikipagkwentuhan ang mommy nila sa mga kuya niya samantalang ipinasok naman ng daddy niya ang mga gamit sa kwarto. 


“Na-miss ko kayo, ha?” sabi ng mommy nila sa mga kuya niya. “Kumusta naman kayo rito? Kumakain ba kayo nang maayos?” 


“Naman, mommy!” sagot ni Arkin. “Ikaw, ‘my? Bakit pumapayat ka? Aba hindi puwede ‘yan!” 


Natawa ang mommy nila at mahinang kinurot ang tagiliran ng kuya niya. "Nagkasakit kasi ako last time, but all good now. Nilagnat lang ako."


"Bakit hindi mo sinabi sa amin? We could've visited, Mom.” Nagsalubong ang kilay ni Arkon. Mababa rin ang boses nito halatang hindi nagustuhan ang narinig. “Next time, let us know.” 


"Sinabi ko na rin 'yan," sabi ng daddy nila. "Kaso ayaw makinig. Ayaw na raw niya kayong maabala."


"Mommy talaga," umiling si Arkin.


Sandali pa silang nagkuwentuhan bago nag-aya para sa dinner. Excited ang mommy nila sa paglabas niya sa school. Nakuwento nito ang experience sa highschool at college. 


Nakita ni Akia ang tuwa sa mukha ng parents nila habang kausap silang tatlo. Simula rin kasi nang mag-aral na sa Metro ang mga kuya niya, bihira na silang makumpleto sa hapagkainan at iyon ang nami-miss ng mga magulang nila. 


Ang pag-alis niya ay mas malaking adjustment pa dahil nag-decide na ring lumipat na lang sa Metro ang parents nila para mas malapit sa kanilang magkakapatid. 


Nang matapos ang dinner, nagpaalam na ang parents nila para hindi masyadong maipit sa daan. Naiwan silang magkakapatid at sabay-sabay na niligpit ang mga kalat. 


Tumulong ang mga kuya niyang ayusin ang closet niya. Naroon na rin ang mga uniform niyang nakaplantsa na, ang bago niyang mga sapatos, at mga gamit sa school na nakalagay sa isang drawer. 


“Ate Kim fixed that.” Her Kuya Arkon gazed at her.


Biglang naalala ni Akia, magkasama sa iisang condo sina Kim at Arkon, pero nagdesisyon ang kuya niyang siya ang samahan. 


“Where nag-stay si Ate Kim, kuya?” Naupo si Akia sa kama. 


“Sa 34th floor, sa isang available unit,” sagot ni Arkon. 


Akia frowned and her kuya noticed it. “Sabi ko naman sa ‘yo, kuya, I’ll try to be alone muna, eh. Go with Ate Kim na lang.” 


Umiling si Arkon at sumandal sa closet. “Nope. You’re the priority, and Kim understood. Magkikita pa rin naman kami, so you won’t have to worry about it.” 


Nagpaalam ang kuya niya para daw bigyan muna siya ng privacy. Pumasok si Akia sa bathroom at inayos ang mga personal na gamit niya bago naligo. Kinabukasan na rin ang first day niya at hindi niya alam ang mararamdaman. 


Excited ba siya dahil first time niya?

Kinakabahan ba siya dahil hindi niya alam ang aasahan niya?

Magugustuhan kaya siya ng ibang tao? 


Hindi niya alam. 


Nang matapos maligo, lumabas na muna si Akia sa balcony ng kwarto niya. Kita ang city lights at mula sa unit nila, tanaw ang malaking field ng Eastern University na pag-aari ng pamilya nila. 


. . . at isa iyon sa dahilan kung bakit siya kinakabahan.


Her last name might intimidate others, and she hoped it wouldn’t. 


“Akia?” 


Bumalik si Akia sa kwarto nang marinig ang boses ni Arkin. “Come in,” aniya at naupo sa gilid ng kama habang nagsusuklay. 


Sabay na pumasok ang kambal. Sandali niyang tinitigan ang dalawa. 


Magkamukhang magkamukha ang mga ito, pero may malaki ring pagkakaiba. 


Arkin was the jolly one with a colored hair. Halos monthly itong nagpapalit ng kulay ng buhok at hindi nila alam kung bakit. Sa pagkakataong iyon, kulay dark green ang buhok nito. Mayroon itong silver earring sa left side. 


Arkon, on the otherhand, was semi-kalbo. Mayroon din itong balat sa balikat, likod, leeg, at sa left jawline. It was pinkish-red kind of birthmark kaya kapag nasa labas silang lahat, madalas itong naka-hoodie. Mayroon naman itong black stud earring sa left side rin. 


"Hey, sis," sabi ni Kuya Arkin na nahiga sa tabi niya. "Are you ready for school? I mean, alam namin na first time mo sa big school."


“I’m excited and scared, kuya,” pag-aamin niya. 


"That's normal. 'Pag may problema ka, always let us know. We’ll be here, kahit ano'ng mangyari, okay?" diin ni Arkon.


Akia smiled, but she felt a little nervous. Alam niya kung gaano kahigpit ang mga kuya niya, lalo na si Arkon, pero sa ibang banda, alam niyang ligtas siya sa kahit na ano. 


“Yes, kuya,” Akia giggled. “Puwede na po ba akong mag-sleep? Bukas po ba, kaninong car po ako sasabay?” 


“Sabay-sabay tayong tatlo bukas.” Tumayo ang Kuya Arkin niya at mahinang kinurot ang pisngi niya. “I-tour ka muna namin sa EU."


Tumang-tango si Akia.


“Matulog ka na.” Lumapit sa kaniya si Arkon at hinalikan siya sa noo. “Love you.” 


Arkin did the same before the twins left . . . Or so she thought. Muling sumilip ang dalawa, nakatingin sa kaniyang salubong ang kilay na ipinagtakha niya. 


“What?” Akia innocently asked. 


“No boyfriends, Akia.” Sabay na sabay ang kambal mula sa tono, sa pananalita, pati na ang mga mukhang seryosong nakatingin sa kaniya. 


The three of them laughed. 


"I'm telling you, Akia, I'll kill whoever's gonna touch my baby sister," sabi ni Arkon bago sinara ang pinto ng kwarto niya.


Akia was left with a smile on her face. Having those kinds of brothers was both a blessing and a curse. 





Kinuha ni Akia ang school bag niya at habang nakaharap sa salamin, sandali niyang pinagmasdan ang sarili habang suot ang uniform niya. Simpleng kulay puti iyon na blouse at navy blue na maliit na ribbon bilang partner ng skirt niya na kakulay din ng ribbon.


Inayos niya ang ID niya, ang kwelyo ng uniform, at nagpabango. 


Wala siyang inilagay sa buhok niya. Hinayaan niya iyong diretsong nakabagsak. Wala siyang bangs o ano. Basta lang iyong nakahati sa gitna at minsan niyang iniipit sa tainga. 


Paglabas ni Akia sa kwarto, nakahanda na ang pagkain nila. Nalaman niya sa mga kuya niya na mayroong nagdadala ng pagkain sa kanila sa almusal at puwede rin namang mag-request kung gusto nila ng lunch o dinner. 


"Saan ang condo ni Ate Hell?" tanong niya habang kumakain sila.


"Sa taas si Qen," sagot ni Arkon. "Sa taas sila ni Hero, pero magkaiba sila ng unit."


"Ako po, hindi pa puwede?” tanong ni Akia. Alam naman na niya ang sagot. Gusto lang niyang itanong. 


Tumingin sa kaniya ang Kuya Arkon niya. "Not until you're eighteen, young lady."


Mahina siyang natawa dahil na-anticipate na niya iyon. Alam niyang hindi ito papayag na umalis sa puder ng mga ito at wala naman din siyang problema. 


She was there to study, nothing more.




Sumakay si Akia sa sasakyan ni Arkon. Sa likod siya nakaupo dahil nasa passenger’s seat naman si Kim, ang girlfriend ng kuya niya. 


Bata pa lang siya, magkasama na ang dalawa kaya wala siyang problema rito. Kung tutuusin, close silang dalawa. Madalas pa nga siyang kasama ng dalawa sa tuwing nagde-date. 


Akia already knew how to drive. Tinuruan siya ni Arkin noong nag-fifteen siya, pero bawal pa mag-drive. 


Nakapunta naman na si Akia sa Eastern University, ilang beses na rin, pero hindi niya pa nalilibot nang buo. Nagpunta lang din siya roon at didiretso sa lounge nila. Nakapunta na rin siya dahil sa enrollment, pero hanggang doon lang. 


"Aki.” Kinuha ni Arkon ang atensyon ni Akia. "Get used to judgments. People knew about Mom. Maraming tao ang nakakaalam tungkol kay Mommy, but I want you to just listen to them, but never fight."


Tumango si Akia bilang sagot, pero nakaramdam siya ng lungkot para sa mommy niya. Kahit na nakaraan na iyon, hindi pa rin maiwasang ungkatin ang nakaraan. 


Aware naman silang magkakapatid tungkol sa nakaraan at hindi nila iyon ikinakahiya, pero tama ang kuya niya. Kailangan niyang maging handa sa posibleng sabihin ng iba laban sa mommy niya, lalo sa mga salitang posible niyang marinig.


Bago siya pumasok sa klase, inikot muna siya ng mga kuya niya sa mga lugar na puwede niyang puntahan, kainan, tambayan ng family nila, at kung ano ang mga dapat niyang gawin.


It was her first day so Akia’s heart was pounding. Para siyang nasusuka na hindi niya maintindihan. Mayroong takot. 


"And . . . here's your room.” Tumigil si Arkin sa harapan ng isang room na mayroong maliit na salamin sa pinto. 


May ilang estudyante sa hallway na nakatingin sa kanilang tatlo. Her brothers were talking about the place. Nasa building sila ng mga highschool kaya ang mga kaedaran niya ay nakatingin sa mga kuya niya. 


"'Pag may kailangan ka, tawagan mo kahit sino sa ‘min. Sabay tayong mag-lunch mamaya, okay?" Hinawi ni Arkon ang buhok ni Akia. "Can't believe my baby sister's all grown up," sabi nito sa mababang boses.


Nilingon ni Akia ang paligid at nakaramdam ng hiya nang makitang nakatingin sa kanila ang iba. “Go now po,” aniya. “Nakakahiya na kayo, oh!” pagbibiro niya.


Hinalikan muna siya sa tuktok ng ulo ng mga kuya niya bago siya iniwan.


Dahan-dahan niyang binuksan ang room kung saan siya naka-assign. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto at bigla siyang nanibago. Ang ingay, ang gulo, may mga nakatayo, may nakaupo, may sumasayaw, may mga natutulog.


Naghanap kaagad siya ng bakanteng upuan. Late na siya ng two weeks sa school dahil late na ring nakapagdesisyon ang parents niya. 


Walang nakaupo sa dulo kaya roon siya pumwesto tutal, wala naman siyang kakilala hanggang sa may pumasok na parang medyo kaedad ng mommy niya.


"Good morning, class," mahinahong sambit ng teacher. "Maupo na kayo, please."


Nagsiupuan naman ang mga kaklase niya habang tahimik lang siya. Isa-isa niyang inobserbahan ang mga ito. Hindi pa rin tumitigil sa pagsasalita ang iba.


Sinapo niya ang baba niya at tahimik lang na nakatingin sa whiteboard habang nagsusulat ang teacher nila. Binigay sa kaniya ang module na pinag-aralan noong wala pa siya para kahit paano ay makasabay siya. 


"So, we have a new face here.” Tumingin ang teacher niya sa kaniya. Ngumiti ito. "Ms. Laurent, can you please introduce yourself to us?"


Akia’s heart pounded so fast that she felt her cheeks flushed. Dahan-dahan siyang tumayo at halos nakayuko lang dahil nahihiya siya. Pinapunta pa siya sa harapan para doon pormal na magpakilala. 


Ipinalibot muna niya ang tingin sa lahat. Everyone was staring at her, waiting. 


"Good morning, everyone." Akia smiled. Wala siyang tiningnan ni isa. "I'm Akia Foreen Gulmatico-Laurent. I'm—"


Hindi pa niya natutuloy ang sasabihin niya, someone already cut her off. "How are you related to the Laurents?" tanong ng babaeng nasa harapan na nakataas ang kilay at naniningkit pa habang naghihintay ng sagot.


"Arkon and Arkin are my brothers,” aniya.


Nakalagay sa likod ang mga kamay niya dahil sa kaba. Nagulat siya nang sabay-sabay sumagot ng "Ohh…” ang mga kaklase niya. 


"Proceed, Ms. Laurent.” 


"I'm fifteen and this is my first school," pagpapatuloy niya. Hindi niya alam ang sasabihin kaya natahimik siya.


"Why?" tanong ng lalaking nasa likuran, sa kabilang sulok. "Bakit first school mo?"


"Homeschooled,” sagot niya rito.


"Ah, typical rich kid," sabi ng babaeng nasa harapan. Tumaas pa ang dalawang balikat nito. 


Binalikan niya ng tingin ang lalaking nagtanong sa kaniya. Hinawi nito ang buhok gamit ang mga daliri. Mayroon itong black stud earrings na halos kapareho ng sa Kuya Arkon niya. Kaibahan lang, parehong tainga nito ay may hikaw. 


Nakatitig ito sa kaniya . . . or she was just assuming. 


Nagtanong pa ang teacher niya tungkol sa kaniya at iyon naman ang mga sinagot niya bago siya pinaupo at nag-lesson na. Nakikinig lang siya habang nag-o-observe. Nakikita rin niyang may mga babaeng tumitingin sa kaniya na para bang pinag-uusapan siya.


After ng subject, umalis ang teacher. 


Nasa sulok pa rin siya nakaupo at mas gusto niya iyon. Isolated sa ibang tao hanggang sa may lumapit sa kaniya. 


"Hi, sis." Kumaway ang lalaking papalapit sa kaniya. "I'm Ivan."


Ngumiti si Akia at tinanggap ang pakikipagkamay nito.


"Hello, I’m Akia,” pagpapakilala niya. 


"May friend ka na, bakla?" tanong nito.


Akia frowned. "H-Hindi ako bakla."


Malakas na tumawa si Ivan. "I know! Parang endearment lang 'yon, sis."


“Oh, sorry.” 


"Okay lang," sagot nito tumayo sa likod niya. "Gusto mong i-braid ko ang hair mo?"


Akia nodded and listened to Ivan’s stories. Ivan was gay and was busy with her hair. Maingat ang bawat pagsuklay nito. 


While Ivan's braiding her hair, lumapit at lumuhod sa harapan niya ang lalaking nagtanong sa kaniya kanina. "You look better without those annoying hair on your face. Pretty." He smiled.


Naningkit ang mata nito sa dahil pagkakangiti. Nakatitig lang naman siya rito at hindi alam ang isasagot nang ilahad nito ang kamay sa kaniya. 


"I'm West. West Louis San Diego."


She accepted the handshake and introduced herself, too. “Akia.” 


"Nice to meet you, Akia," West smiled. "Don't hide your face again. Hindi ko na 'yan makikita." Tapos tumayo at naglakad pabalik sa upuan nito.


Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Nagulat siya at seryosong napatitig sa harapan habang inaayos pa ni Ivan ang hair niya.


"Crush ka yata niya," bulong ni Ivan sa kaniya.


Hindi siya sumagot. Tumingin siya sa side ni West at nakita itong nakatingin sa kaniya. Ngumiti lang siya nang tipid nang kumindat ito. 


"Akia!"


Tumigin silang lahat sa pinto. Pamilyar kay Akia ang boses at hindi siya nagkamali nang makitang nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kaniya at dumapo ang tingin kay West.


"Kuya Arkon,” mahinang sambit niya. 


Seryoso ang mukha ni Arkon. "Lunch, Aki.” Tumingin ito kay West. "Don't you dare wink at my sister again. I'm telling you, bubulagin kita."


"Kuya!" paninita ni Akia.


Tumalikod ang kuya niya at lumabas ng pinto. Nilingon niya si West na nakatingin sa kaniya. "I'm sorry," Akia murmured.


West gave her a nod and smiled. "Okay lang. Worth it naman kung mabubulag ako."


Akia frowned and turned around. While outside the classroom, she processed what West said and bit her lower lip with a subtle smile. She knew she was blushing and couldn’t help it. 


"Stop blushing. Baka makita ka ni Arkon, lagot ka," bulong ni Ate Hell na nasa likod pala niya. "Is he guwapo?"


Akia scrunched her nose. "He is, Ate."





















137 views3 comments

Recent Posts

See All

3 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Unknown member
Oct 23

Waiting for this po❤️❤️❤️

Like

Unknown member
Sep 16

When po to ma cocomplete?

Like

Unknown member
Jul 22

Thankyou po sa pag labas nyoe ulit sa kanila🖤🖤🖤

Like
bottom of page