Trigger Warning: Self-harm
Nang imulat ni Jj ang mga mata, nagising siya sa gitna ng kalsada na hindi alam kung nasaan siya. Wala siyang huling maalala at nang bumangon, laking gulat niya na nakasuot siya ng tuxedo. Bukod pa roon, hindi pamilyar sa kaniya ang lugar at iyon ang unang beses na napunta siya roon.
"Where the fuck I am?" bulong niya sa sarili habang nakatingin sa bukid na nasa harapan. Dumidilim na rin at parang may nagbabadyang malakas na ulan base sa madilim at kumukulog na kalangitan.
Tumingala si JJ at sinusubukang alalahanin ang simula.
JJ tried to remember how he got to the place. He was frustrated because he wasn't getting into that part. Walang simula, paulit-ulit siya sa scenario kung saan nagising siya.
Ipinalibot niya ang tingin sa buong lugar. Walang bahay, walang mga tao, walang mga sasakyan. Wala siyang mahihingan ng tulong. Ni hindi niya makita ang magkabilang dulo ng kalsada, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Sa kanan ba o sa kaliwa.
Naramdaman niya na may phone siya sa bulsa. Inilabas niya iyon at sinubukang maghanap ng matatawagan, pero walang signal.
"Tangina!" bulong ni JJ sa sarili habang nakatingin sa sariling phone.
Panay na rin ang kulog at kumikislap na ang langit dahil sa kidlat. Madilim na madilim ang langit. Naisip niyang hangga't maaga, kailangan niyang makahanap ng masisilungan.
JJ was contemplating where to go. Left or right? He had no idea where, but he needed to think fast. The dark clouds were fast approaching, and he couldn't afford to get wet. He had nothing, and he was in a fucking nowhere.
Huminga muna siya nang malalim at nag-isip. Mula sa kinatatayuan, mas natatanaw niya ang madilim na parte sa kaliwa kumapara sa kanan na wala siyang ibang makita kung hindi ang diretsong daanan.
Kung sa kaliwa siya pupunta, posible na may puno siyang masisilungan kung sakaling umulan.
Umiling si JJ at nagsimulang maglakad papunta sa kaliwa. He shook his head in annoyance. No signal, no people, no cars, nothing. Napapaisip siya kung saan siya nanggaling bago napunta sa lugar, pero paulit-ulit siyang bumabalik kung saan siya nagising.
Nagsimula siyang maglakad-takbo nang makaramdam ng maliliit na patak mula sa ambon at mukhang pinaglalaruan pa siya dahil mabilis ding lumalapit sa kaniya ang madilim ulap kasabay ng malalakas na kulog at kidlat.
JJ was running as much as he could.
He felt tired from running, he was catching his breath, he was panting, and he was starting to get wet from his own sweat.
Habang palapit sa madilim na parte ng lugar na pinuntahan niya, nakakita siya ng babaeng nakatalikod. Para itong may hinahanap, parang siya na napunta bigla sa kawalan.
The girl was wearing a long, red dress and was casually walking as if observing the entire place. He did the same. The place was starting to get darker.
Masukal ang lugar dahil sa nagtataasang puno, matataas ang damo sa paligid na halos hindi na matanaw ang bukirin, may ilang baging mula sa ibabaw ng puno, at para silang nasa loob ng gubat na walang ibang mapupuntahan. Hindi rin nakatutulong na lumalakas na ang ulan kaya ramdam na niya ang pagkabasa ng sariling damit sa pinaghalong pawis at tubig ulan.
"Hey!" tawag ni JJ sa babaeng nakatalikod habang naglalakad, ngunit hindi ito lumingon na parang hindi siya narinig. "Hey, woman!" sigaw niya.
Nothing.
Lakad-takbong lumapit si JJ sa babae dahil medyo malayo pa siya. Mas dumilim pa ang parte ng lugar, pero patuloy ito sa paglalakad. Nakita niyang bumagsak na ang buhok nito dahil pareho na silang basang-basa sa ulan.
"Hey!" Sinubukan ulit niya itong tawagin ngunit imbes na tumigil, bahagya itong lumingon sa kaniya, at nagmadali pang tumakbo palayo na parang takot na takot.
Hindi niya naaninag ang mukha ng babae, pero napansin niyang may kulay pula ito sa pisngi, hindi siya sigurado.
JJ kept walking towards the woman, but she kept on running away from him.
"Will you stop running away, woman?" singhal ni JJ. "Do you have any idea where we are? I'm fucking soaking wet! Alam mo ba kung nasaan tayo?"
Wala siyang narinig na sagot. Mas binilisan pa nito ang pagtakbo palayo sa kaniya hawak ang mahabang gown na nagkakandapunit-punit na dahil tumatama sa mga bato at nahihila ang tela.
"I won't do anything bad!" paniniguro ni JJ sa babae. "We're soaking wet from the rain, mukhang pareho rin tayong galing sa party. I just wanna ask if you have any idea where we are?"
"I don't know," mahinang sagot nito, sapat para marinig niya. "Just stay away from me, please."
Malambing ang boses ng babae na parang hindi marunong sumigaw.
Padilim na nang padilim ang lugar kung nasaan sila ngunit may sapat na liwanag na nagmumula sa kalangitang umuulan. Wala rin siyang idea kung anong oras na.
"Wait for me, your dress is ripping apart, woman. What's your name?" tanong niya ngunit walang sagot.
JJ was getting frustrated and started walking faster when the woman tripped and had a hard time getting up. He assumed that the dress was getting heavier because it was wet. Tahimik lang itong sumusubok tumayo, pero hindi magawa.
Nakakuha siya ng pagkakataon para tumakbo palapit at nagulat na puro dugo ang ball gown na suot nito. Kulay pula ang dress, pero halatang-halata lahat ng dugong nagkalat.
"Hey, are you even okay?" he asked.
The woman nodded without looking at him. Nakayuko lang ito at tulad niya, basa ang buhok nitong nakaharang sa mukha. Her long, jet-black hair's covering her entire face.
Maingat na lumuhod si JJ para tulungan itong tumayo, pero nang hawakan niya ang babae, nagsimula itong manginig na parang takot na takot. Naramdaman din niyang basa ang kamay niya.
Laking gulat niya nang makitang puro iyon dugo kaya dumako ang tingin niya sa babae. Both of the woman's wrist had an open wound and blood was gushing through them.
"Hey, you are bleeding!" tinanggal ni JJ ang coat para sana takpan ang sugat ng babaeng nasa harapan, ngunit nag-angat ito ng tingin.
Tumingin ito sa dulo ng lugar kung nasaan sila. He saw the woman's side profile but it was darker from where they were. Nakikita lang din niyang may dugo ito sa may pisngi at leeg.
"Let me cover your wound. What's your name?" tanong niya.
The woman didn't even bother looking at him and stood up without saying anything na parang wala lang dito ang sugat sa magkabilang pulsuhan. Hindi rin maalis ang tingin niya sa kamay nito dahil hindi iyon basta sugat.
Her wrist was slit intentionally and it was done vertically.
"Hey, don't run!" singhal niya at sinundan ito.
He was a man, she was a woman with a wound, but it didn't stop the woman from running away from him. He was getting tired, she wasn't.
Panay ang takbo ni JJ, panay ang sigaw niya, malakas na malakas na ang ulan, pero wala itong tigil sa pagtakbo palayo sa kaniya.
Tumakbo lang siya hanggang sa maabutan niya ang babae at nang mahawakan sa braso, lumingon ito, pero bigla na lang siyang nagising at napabangon dahil para siyang hindi makahinga.
Naninikip ang dibdib niya, pawis na pawis siya, katulad ng nangyayari gabi-gabi.
"Bad dream?" ani Nathan, ka-teammate niya. Nakatingin ito sa kaniya habang nakaupo sa gilid ng kabilang kama. "Baka kailangan mo na ng tulong, dude. Gabi-gabi kang ganiyan. Ilang linggo na."
"I'm fine," sagot ni JJ bago tuluyang bumangon at kumuha ng tubig sa refrigerator ng dorm nila. "It's just frustrating. Every scenario is still the same, that woman with blood whom I don't even know. Dark, unfamiliar place, heavy rain . . . always."
Hindi sumagot si Nathan na nakatitig lang kay JJ.
"What the fuck is happening to me?" umiiling na sambit ni JJ matapos uminom ng tubig. "Fuck, I'm getting frustrated."
"Ano ba'ng nangyayari?" tanong ni Nathan.
JJ shook his head and even roughly brushed his hair using his fingertips. "I'm getting frustrated that I only get to see the side profile of that woman."
"What woman? From your dreams?" Nathan asked.
"Yes. The girl in the red dress."
—
Comments