top of page

Dark World 2: Tayong Dalawa Lang Sa Istoryang Ito - Prologue

Ice smirked when her car alarmed. She was driving a hundred and thirty kilometers per hour on an empty road. Hindi naman siya nagmamadali. Gusto lang talaga niyang magmanehong sobrang bilis. 


Wala naman siyang pakealam dahil wala namang tao sa expressway. Mabuti nga at nalinis na rin ito ng grupo nina Jakob at Martin kaya hindi na siya nahihirapang magmagaling sa daan. Wala rin namang maninita. Isa pa, kung mamamatay, eh ‘di mamamatay. 


Ipinalibot ni Ice ang tingin sa lugar. Napakatahimik. Nakakairita. Gusto niyang makakita ng mga sasakyang puwede niyang makarera o kaya ng mga taong puwede niyang i-fuck you dahil trip niya lang, kaso wala. Wala siyang mapag-trip-an. 


Mas diniinan pa ni Ice ang accelerator kaya mas bumilis ang sasakyan niya. Hindi niya magawang lingunin ang kanan at kaliwa dahil halos nagiging blur na paligid sa bilis niya, pero gusto niya iyon. Pantanggal iritasyon din. 


Galing siya sa Escarra para bisitahin ang kuya niya at doon niya nalamang kinasal pala ito sa isang babaeng hindi niya kilala. Hindi pa nga siya ipinakilala. Akala mo talaga hindi kapatid. Kung hindi pa sinabi sa kaniya ni Ares ang ginawa ng kapatid niya, wala siyang alam. 


Hindi niya gusto ang ginawa ng kuya niya. She was against it. She even asked her brother to let the woman go, but he also saw that it would be the last thing Jakob would do. Mukhang mahal nga nito ang babae. 


For her, maganda naman the girl, but Ice knew that her brother deserved someone who would love him, too, hindi iyong ganoong sapilitan. 


Ice scoffed. “What the fuck am I even saying? Love is luxury now. Kung sabagay, maybe that girl said yes for her safety.” 


Yup, she was judging the girl. Ganoon naman ang mga hindi nila ka-level, palaging may hidden agenda. Palaging mayroong kapalit. Palaging mayroong kabayaran. Kahit noong maayos pa ang mundo, kapag may pakinabang, luluhuran. 


Ice felt the rage and pushed the accelerator until it was almost 200 kilometers per hour. Naramdaman niya ang bilis kaya naman sinubukan niyang bagalan. Oo nga at motto niya ang kung mamamatay eh ‘di mamamatay, hindi pa siya ready.


Matagal na siyang walang sex. Hindi pa siya ready. It was a need she wanted to fulfill. Wala lang talaga siyang magustuhan. 


Kadiri naman kung kay Ares ulit. Hindi pa naman siya bumabalik sa ex. 




Malayo pa lang nakita na ni Ice ang mga building sa city. Gusto na rin niyang makauwi para makahiga. Inaantok na rin siya. Padilim na rin at ayaw niyang abutan ng kadiliman sa daan. Wala siyang kasama at malamang na maraming lalabas na mga feeling cool na rebelde sa gabi.


Binilisan ni Ice ang pagmamaneho nang makita niya mula sa rearview mirror ang isang mabilis na sasakyan. Hindi siya sigurado kung hinahabol ba siya nito o nagmamadali lang din. 


Inapakan ulit ni Ice ang accelerator para mas bumilis, pero mas lumalapit sa kaniya ang sasakyan hanggang sa magpantay sila. Nasa kanan niya ito, nakabukas pa ang bintana na nakatingin sa kaniya. 


Ice squinted when he noticed the guy winked. Guwapo ito sa paningin niya. In fairness. 


Tinuro nito ang overpass na hindi kalayuan sa kanila at sumenyas na huminto silang dalawa. Ang kapal ng mukhang utusan siya. 


Nauna ito sa kaniya. Ang bilis magmaneho, mukhang nagpapakitang gilas. Nag-blink pa ang ilaw sa likod nito nang dalawang beses at umilaw rin ang right signal na para bang sinasabing huminto na siya. Ayaw niya, pero dahil bored siya, ginawa rin naman niya. 


Kinuha niya ang baril sa passenger’s seat at inilagay iyon sa likurang short niya bago bumaba. Hindi siya sigurado kung sino ang kaharap niya, pero dahil gwapo, baka naman mabait. Try lang. 


“Ano’ng kailangan mo?” tanong ni Ice pagbaba ng sasakyan.


Nakasandal ang lalaki sa hood ng sasakyan nito habang naghihintay sa kaniya. Nakabagsak ang medyo may kahabaang buhok sa mukha. Nakasuot ito ng simpleng pantalon, T-shirt na gray, at mayroon pang kwintas na silver.


“Angas ng oto mo, ha?” sabi ng lalaki habang nakatingin sa kotse niya. “Race tayo. Bored ako, eh.” 


“Kapal naman ng mukha mong ayain ako.” Sumandal si Ice sa sariling sasakyan. “Ganda rin oto mo. Sa’n mo ninakaw?” 


“Grabe ka naman sa ninakaw!” pagmamaktol nito. “Sa ‘kin ’to, tanga.” 


Naningkit ang mga mata ni Ice at sinuri ang sasakyang nasa harapan niya. It was a Lexus Hybrid LC500 in dark grey. Makinis na makinis pa iyon at base sa tunog, naayos iyon. Hindi rin niya maitatanggi na mukhang alaga dahil kahit kaunting alikabok, wala siyang makita. 


“I like your car more,” sabi ng lalaki na nakatitig sa sasakyan niya. “Solar powered? Cool. Hindi pahirapang maghanap ng gas.” 


Ice smirked and shrugged. 


“Race tayo,” pag-ulit ng lalaki. “Kapag nanalo ako, I’ll take your car.” 


Nagsalubong ang kilay ni Ice. Hindi naman niya paborito ‘tong sasakyan na ito kaya walang kaso sa kaniya. Wala naman siyang maisip na hingin sa lalaki dahil mukha naman itong walang maibibigay sa kaniya. 


. . . pero nagkamali siya nang titigan niya ito at ipinaglandas ang tingin mula ulo hanggang paa. 


“Kotse lang ang gusto ko,” sabi ng lalaki. “Ano, game?” 


“What’s in it for me?” tanong ni Ice. “Ano ang kaya mong i-offer sa ‘kin? I don’t like your car kaya una pa lang, talo na ‘ko.” 


The guy crossed his arms. “Ano bang gusto mo? Kahit anong gusto mo, ibibigay ko. I really want your car.”


“Wala akong gusto. I have everything I need,” Ice crossed her arms, too. “Wala kang kayang i-offer sa ‘kin. Unless gusto mong maging alipin ko sa loob ng isang buwan. Gagawin mo lahat ng gusto ko, lahat ng kailangan ko, kahit magpapatay pa ng ibang tao.” 


Naningkit ang mga mata ng lalaki. “That’s it? Ilan ba ang ulong kailangan mo?” 


Nagulat si Ice sa sinabi ng lalaking nasa harapan. Nakatitig din ito sa kaniya. 


“So, deal?” ngumiti ang lalaki. 


“What’s your name?” tanong niya sa lalaki na tinuro ang sasakyan. “Lexus?” 


“Oo. Not real name, but who cares? Sa mundong ‘to, kahit pangalanan kong Tom Cruise o Brad Pitt ang sarili ko, walang may pake,” sabi ng lalaki. “Ikaw?” 


Umiling si Ice at naglakad papunta sa sasakyan ni Lexus para ikutan ito. “Malalaman mo kapag nanalo ako against you. Let’s race hanggang sa dating Monumento. If I win, I’ll take your car and gagawin mo lahat ng gusto ko sa loob ng isang buwan. If I lose, you’ll get this car.” 


Samantalang seryosong nakikinig si Lexus habang nakatingin kay Ice. Sinuklay nito ang nakabagsak na mahabang buhok sa gitna at muling tumingin sa kaniya. Suot nito ang maikling ripped maong na short at rubber shoes na puti. 


The shorts looked a little right because the woman had thick thighs. She was also wearing a loose cropped shirt. Hindi naman kita ang tiyan nito, pero medyo maikli ang T-shirt na kapag itinaas ang kamay, makikita ang tiyan. 


Nang tumalikod ang babae, nakita niya ang nakabakat na baril sa likuran nito na nagpangiti sa kaniya. Putangina, eh. Ang hot. 


“Deal.” Pinaglandas ni Lexus ang daliri sa labi. “By the way, just wanna let you know that I was a former F1 driver. I compete.” 


She frowned. “So?” 


“I drive fast,” he bragged. 


“I don’t care,” she shrugged and entered her own car. 


Lexus smiled and entered the car. Paulit-ulit pa niyang binomba ang gas ng sasakyan niya para gumawa iyon ng ingay samantalang tahimik lang na nakatingin ang babae sa kaniya. 


The woman faced the road and signaled that in three, they were gonna race. Lexus faced the road and smiled. Nakita ng peripheral niya ang pabibilang ng babae at nang ibaba nito ang kamay, sabay silang umandar. 


Nakatitig siya sa daan. Mabilis magpatakbo ang babaeng kalaban. Mabilis ang sasakyan nito, pero walang ingay hindi tulad nang sa kaniya. Mabilis ang takbo, pero mukhang magaan ang pagmamaneho. 


He wanted that car . . . but he wanted her name, too. 


Mabilis ang takbo nilang dalawa. May pagkakataong nauunahan ni Lexus ang babae, pero binabagalan niya para magpantay sila. 


Nilingon ni Ice si Lexus nang magpantay ang sasakyan nila. Alam niyang mabilis itong magmaneho at alam niyang binabagalan nito kapag nauuna na siya. Kita na rin niya ang Monumento. Nasa dating highway sila. Walang tao, tahimik, at mayroong ilang sirang sasakyang nakaharang na kailangang nilang likuan. 


“Nagpapatalo ba ‘to?” tanong ni Ice sa sarili .


. . . at hindi siya nagkamali nang huminto ito dalawang sigundo bago sila makarating sa mismong Monumento dahilan para siya ang manalo. Imbes na mainis, natawa si Ice. Lumabas siya ng sasakyan at hinarap ang lalaking nakasandal sa hood ng kotse nito hawak ang susi. 


“What the fuck was that?” 


Ibinato ni Lexus ang susi sa kaniya. “Ano’ng una kong trabaho, Bossing?” 



T H E X W H Y S

31 views0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page