top of page

Dark World 2: Tayong Dalawa Lang Sa Istoryang Ito - Chapter 4

Nakalolokong tumingin si Spike sa kaniya dahil sa pakiusap niya. “Seryoso ka ba?” 


“Mukha ba akong nagbibiro? Bakit ka ganyan makatingin? Parang gago naman, Spike. Dali na kasi,” pakiusap ni Lexus at pabagsak na nahiga sa sofa ng kwarto ni Spike. “Kahit isa lang.”  


Patagilid na tumingin sa kaniya si Spike. Naningkit ang mga mata nito bago naglakad papalapit sa kaniya para bigyan siya ng yosi. Alam naman nitong hindi siya nagyoyosi kahit noong hindi pa magulo ang lahat, pero bad influence dahil gusto nitong subukan niya. Pati nga marijuana na nakatanim sa paligid ng lungga nito, gusto ipasubok sa kaniya. 


“Dali na kasi. Isa lang, eh,” ani Lexus na inaamoy ang stick ng yosi. 


“Akala ko ba abstain ka sa sex? Kaya nga puro ka blowjob, eh,” natawa si Spike. “How’s this pussy so special na ibe-break mo ang years of abstinence? Masarap ba?” 


Lexus shook his head and shut his eyes. “Paano ko malalaman kung masarap kung hindi mo ‘ko bibigyan?” 


Narinig niya ang pagtawa ni Spike sa sinabi niya. Patagilid niya itong tingnan habang nakaupo sa kaparehong sofa kung nasaan siya. Tulad niya, inaamoy nito ang yosi na hawak. 


Bago pa man magkagulo ang mundo, magkakilala na sila. Magkasama sila sa isang commercial shoot. Naging magkaibigan sila dahil inaaya siya ng mga itong magpunta sa mga party para makilala ang iba pang kaibigan. Si Spike rin ang nakasama niya noong nagulo ang mundo dahil isinama sila nito sa condo para magpalipas ng gulo. 


“Mukhang trip mo talaga ‘yang babae, ha?” Tumingin si Spike sa kaniya. “Hindi mo na talaga hahanapin si Val?” 


“Ang tagal na no’n! Isa pa, wala naman akong balak hanapin siya. Kelan ko ba siya hinanap? Simula naman noong umalis siya, hindi ko naman siya hinanap. Nagdesisyon na siya, eh ‘di ‘yon na,” sagot ni Lexus. “Dali na kasi, Spike. Isa lang naman ang hinihingi ko, eh. Ano’ng kapalit?” 


Umiling si Spike at tumayo. Natatawa ito sa kaniya, alam niya, dahil ito nga naman ang unang beses niyang manghingi ng condom sa kaibigan niya. Aware ang lahat sa rule niyang no vaginal sex dahil ayaw niyang magkamali. Ilang beses na ring nag-offer si Spike sa kaniya ng condom para sa sex, pero hindi niya iyon tinanggap. 


Mahirap ang magkaanak sa mundong ito. Isa pa, mas gusto nga kasi niyang mag-isa. Iba lang talaga si Ice. 


“Sabihin mo muna sa ‘kin bakit?” Tumayo sa harapan niya si Spike hawak tatlong pakete ng condom. “Ano’ng meron dito sa babae?” 


Ngumisi si Spike. “Putangina kasi. Ang hot? Imagine mo siyang naka-short shorts ‘tapos bakat na bakat ‘yong balakang? Putangina, eh. Basta. Hindi ko sasabihin sa ‘yo. Baka magalit ‘yang syota mong double agent.” 


Malakas na natawa si Spike sa sinabi niya at basta na lang ibinato sa kaniya ang tatlong pakete ng condom na alam niyang galing sa grupo kung saan nakatira ang girlfriend ni Spike. Ito ang tagapuslit ng mga gamot, condom tulad ng hawak niya, at kung ano-ano pa. Ang alam din niya, nakakukuha ito ng mga impormasyon sa mismong grupo. 


“Ano nga ulit pangalan no’ng grupong pinagtatrabahahuhan ni Marjorie?” Napaisip si Lexus dahil parang pamilyar sa kaniya iyon. 


“Escarra,” sagot ni Spike. “Anak ng dating vice president ‘yong may-ari.” 


Natahimik si Lexus. Tama nga siya, pero hindi niya sasabihin kay Spike ang tungkol kay Ice. Magkaibigan sila, pero kilala niya si Spike sa parteng kapag kayang pakinabangan, gagawan nang paraan. 


“Sabi ko isa lang, eh,” sabi ni Lexus habang nakatingin sa condoms. 


“Kunwari ka pa. Kawawa ka naman kung mabibitin ka,” natawa si Spike. “Taga saang grupo siya? Saan mo nakilala?” 


“Hindi ko pa alam, eh,” ngumiti si Spike. “Wala namang akong pakilam.” 


Umiling si Spike at natawa. “Kung sabagay, iba naman pala ang habol mo. Labas nga muna tayo. Aalis ka na ba? May alak ako ngayon. Gusto mo?” 


Tumanggi si Lexus at inaya na lang sa labas si Spike. Para din kasi siyang hindi makahinga sa loob ng kwarto nitong amoy yosi. Hindi niya maisip kung paano ba ito nakatatagal sa ganoon kaya nauna na siyang lumabas. 


Maganda ang napiling lugar ni Spike para sa grupo niya dahil bukod sa tago, maganda ang supply ng tubig dahil malapit sa ilog. It was an old resort with enough houses once used as accommodation, like hotels. Bukod pa sa isang building na mayroong tatlong palapag, mayroon ding mga kaubo sa ibaba na nagsisilbing kwarto ng mga tauhan ni Spike. 


Spike’s group was considered a rebel. Nagpupunta ang mga ito sa ibang grupo para kumuha ng mga pagkain. Hindi lang nito mapasok ang mga malalaking grupo dahil masyadong malalakas kaya kinakawawa ang iba. 


Iyon ang isang dahilan kung bakit mas gusto ni Lexus ang mag-isa. Hindi niya kailangang isipin ang sariling grupo, sarili lang niya. 


Lexus literally settled with foods he could find such as canned, instant, anything. Halos lahat ng mall sa siyudad, napuntahan niya maliban sa malaking mall na magkadugtong dahil mayroong isang malaking grupo ang nakabantay. 


Airport din ang naging kanlungan ni Lexus dahil halos lahat ng inabandonang eroplano, mayroong mga pagkaing naiwan sa loob. May mga vending machine rin na nagsilbing pagkain ni Lexus. Minsan, masarap. Depende. 


“Ayaw mo pa rin bang mag-stay rito?” tanong ni Spike. “Saan ka nakakakuha ng pagkain ngayon?”


Tumaas ang balikat ni Lexus bilang sagot. Bihira naman siyang mag-share kay Spike tungkol sa ginagawa niya sa labas. It wasn’t interesting for Spike who loved the power. Gustong-gusto nitong pinagsisilbihan kaya ibang tao ang palaging kumikilos. Spike would only move whenever he wanted. 


Ilang beses na siya nitong inayang maging kanang kamay ng grupo ng mga rebelde, pero paulit-ulit lang din siyang tumatanggi. 


Nakatayo silang dalawa sa balcony ng third floor at nakatingin sa mga tao sa labas. Mukhang kararating lang ng bagong truck galing sa kung saan. Hindi siya nagkamali nang makita ang mga isdang ibinababa. 


“Ang dami,” ngumisi si Spike. “Dito ka na mag-dinner. Magpapaihaw ako ng isda. Gusto mo?” 


“Sige lang,” sagot ni Lexus. “Bakit kasi hindi ka na lang mag-fish farm kaysa pinahihirapan mo ‘yong mga mangingisda sa kabilang bayan?” 


“Puwede namang sila na lang,” seryosong sagot ng kaibigan niya. “May makukuhanan naman ako, bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko?” 


Tawa lang ang naging sagot ni Lexus. 


“May bagong grupo kaming nakilala. Kaunti lang sila, pero magagaling manghuli ng mga hayop kaya ayon. May bago tayong menu,” pagmamalaki ni Spike. “Pumunta ka rito sa isang araw. Magdadala sila ng bagong huli. Iyon ang deadline ko sa kanila.” 


Nagsalubong ang kilay ni Lexus. “Ano’ng ibig mong sabihin?” 


“Hawak ko ‘yong kapatid ng leader ng grupo, eh,” ani Spike. Ipinatong nito ang siko sa railing ng balcony. “Every week silang magpapadala rito ng karne. Kapag wala, iisahin ko ‘yong daliri no’ng kapatid.” 


“Siraulo ka talaga,” umiling si Lexus. 


“Dito ka na magpalipas ng gabi. Inom muna tayo,” pag-aya ni Spike. “Please?” 





— 





“Ate Ice, are you even serious na pupunta ka?” tanong ni Lana. “What if sumama na lang ako?” 


Natawa si Ice at dumapa sa kama. Patagilid niyang hinarap si Lana. Tinanggal niya ang buhok nitong nakaharang sa mukha. “Ayoko nga. Baby ka pa, eh. Besides, you’ll hear us fuck. Ayoko nga.” 


Kaagad na nangasim ang mukha ni Lana sa sinabi niya. Alam naman niyang baby pa talaga ito. Ang alam nga niya, wala pa itong nagiging boyfriend dahil nag-focus din sa pagbabantay sa kaniya kahit na ang totoo, siya ang nagbabantay. 


Lana was very pretty at aware si Ice na halos lahat ng lalaking tauhan niya sa Beta Escarra, sinubukang manligaw, pero kahit isa ay walang nakapasa. Boyish din itong gumalaw. Boyish na palaging naka-cropped top at black fitted skinny jeans. 


“Kung gusto mong umuwi sa Escarra, go lang, para hindi ka mag-isa rito,” aniya. “O kung gusto mo, pumunta ka kay Ares.” 


Nakita niyang ngumuso si Lana sa sinabi niya. “Ayoko nga. Aasarin lang ako noon, eh.” 


“Wag mong pansinin. Makipaglaro ka lang sa mga aso niya,” natawa si Ice at bumangon. “Gusto mo ‘kong ihatid mamaya para makilala mo siya? Para kung sakaling mawala ako, alam mo kung sino ang hahanapin mo.” 


Kita ang gulat sa mukha ni Lana dahil sa sinabi niya. Gusto niyang matawa lalo nang bumangon ito mula sa pagkakahiga at masama ang tingin sa kaniya. Ilang beses itong nakiusap sa kaniya na huwag nang tumuloy o kaya ay sasama. 


“Sama na kasi ako, Ate!” pagmamaktol ni Lana. 


Bumangon si Ice. “I’ll be okay, Lana. I promise. Uuwi rin ako tomorrow night. Lemme just spend one night with him.” 


“Bakit? I mean . . . Are you really that interested na you’ll spending the night with him? You barely know him, Ate,” paalala ni Lana sa kaniya. “I’m having a bad feeling. Please, ‘wag ka nang magpunta?” 


Naningkit ang mga mata ni Ice at alam niyang hindi magugustuhan ni Lana ang sasabihin niya. “I want him.” 


“Like . . . to be your boyfriend ba?” Lana looked confused. 


“No. To fuck me,” she said truthfully. “Makikita mo siya mamaya. He’s good looking and why not? We’re in the dark world naman and I’m single. Besides, I wanna be a member of Mile High Club. Kahit hindi sa ere, I’m pretty sure he’s gonna f—” 


“I get it na,” Lana shook her head and asked Ice not to continue. “Promise na you’ll be okay? Please, Ate. Bring your knife and gun.” 


Ice nodded and smiled. “I will po. Can you get me some condoms sa pharm? Three is okay.” 


“Three?” Lana’s eyes widened in shock. “Akala ko ba one night lang?” 


Gustong matawa ni Ice sa reaction ni Lana. “Siyempre one round isn’t enough. I wanna get laid, Lana. Wala akong dick since Ares and I broke up. Ibigay mo na sa ‘kin ‘to.” 


“Ganyan ba kasarap ang sex for you to even do it with someone you don’t know at all? Why not kay Ares na lang ulit?” tanong ni Lana. “Wait, don’t respond na. I won’t ask na about your sex life. Ayoko nang marinig.” 


Humalakhak si Ice nang basta na lang tumalikod si Lana at nagmamadaling lumabas ng kwarto niya. Lumabas naman siya papunta sa bathroom para maligo. Pinag-isipan niya iyon buong magdamag kung tutuloy ba siya. 


She wanted some fun. It was getting boring lately at sakto ang pagkakakilala nila ni Lexus. It wasn’t ideal to even bond with him, but during their small talks, she liked the independence. Gusto rin niyang walang filter si Lexus na sinasabi sa kaniya kung ano ang gusto. Ni hindi siya sigurado kung makakukuha ba ito ng condom, but the moment Lexus asked, she wanted to get laid, too. 


While under the shower, Ice breathed. It would be a one-time thing. She just needed that dick. She wanted it. She will get it. 





Habang nagmamaneho papunta sa dating Monumento, nasa gilid niya si Lana na naka-motor. Usapan nila, sasama ito para makilala si Lexus at masigurong makauuwi siya kinabukasan. Natatawa siya dahil sa effort nito sa kaniya, pero gets naman din niya. 


Mula sa malayo, nakita kaagad ni Ice ang sasakyan ni Lexus at nang maaninag nito ang sasakyan niya, naglakad ito para salubingin siya. Humigpit ang hawak niya sa manebela at napangisi. 


The first time Ice saw Lexus, she felt it—that sexual tension. 


“Putangina, ang gwapo,” bulong ni Ice sa sarili habang mabilis na nagmamaneho. 


Paghinto ng sasakyan ni Ice sa tapat mismo ni Lexus na nakatayong para bang gwapong-gwapo sa sarili, huminto rin si Lana sa tabi niya at tinanggal ang suot na helmet. Bumaba pa ito sa motor at hinintay siyang makababa sa sasakyan. 


Ice was wearing the usual. Shorts and a tank top paired with her personalized combat shoes. Hinayaan lang din niyang nakabagsak ang mahabang buhok niya dahil katatapos lang niyang maligo at medyo basa pa iyon. 


“Yon! Akala ko hindi ka darating, eh,” nakalolokong ngumiti si Lexus sa kaniya bago nilingon si Lana. “Hello!” 


“She’s off limits, Bro.” Sumandal si Ice sa sasakyan niya. “Lana, this is Lexus. Lexus, Lana, my baby.” 


Ngumiti si Lexus, tumango, at nakipagkamay kay Lana. “Hello, Anak.” 


Malakas na natawa si Ice sa sinabi ni Lexus. Sabay na tumingin sa kaniya ang dalawa. Si Lana, seryoso ang mukha at halatang hindi na-gets ang sinabi niya. Si Lexus naman na natatawa rin tulad niya. Mukhang gago, putangina. 


Tumingin si Lana sa kaniya, pero hindi ito nagsalita. Alam nyang nag-aalala pa rin ito sa kaniya kahit na sabihin naman niyang okay lang siya. Alam niyang hindi ito mapapakali at malaki pa ang chance na sumunod ito sa kaniya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil mag-isa ito, babae, at baka mayroong mangyaring hindi maganda dahil lang kailangan niya ng titi. 


“Kapag hindi ako umuwi bukas ng hapon, puntahan mo si Ares. You already know his face, right? Alam mo rin kung saan kami pupunta,” paalala ni Ice kay Lana at sadyang ipinaririnig kay Lexus. “Go to Ares and ask for help. ‘Wag kay Kuya, okay?”


Lana nodded and gazed at Lexus. “Take care of her.” 


“Yes, anak!” Tumango si Lexus at sumaludo pa. 


Parehong nakatingin sina Ice at Lexus kay Lana na paalis na. Nang makalayo na ito, nagkatinginan silang dalawa. Nakita ni Ice ang ngiti ni Lexus, mukhang mayroon itong nakuha dahil kung wala, sigurado siyang aandaran siya nito ng nakabubuwiset na banat. 


“May nahanap ka ba?” tanong ni Ice. 


“Sabi ko naman sa ‘yo, ‘wag mo ‘kong susubukan,” tumango si Lexus. “Arats ba?” 


Tumaas ang dalawang balikat ni Ice at basta na lang sumakay sa sasakyan. Akmang aandar siya nang pigilan ni Lexus. Nakahawang kamay nito sa itaas ng kotse niya habang nakasilip sa kaniya sa bintana. 


“Alam mo na ‘yong daan, ‘di ba? Sa likod ako,” ani Lexus at ngumiti. “Susunod lang ako sa ‘yo.” 



T H E X W H Y S

 


26 views0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page