top of page

Dark World 2: Tayong Dalawa Lang Sa Istoryang Ito - Chapter 3


Ice’s heart skipped a beat after entering the old, abandoned plane. Surprisingly, the smell was familiar to her. She used to travel a lot. Kasama niya noon ng pamilya niya, kaibigan, si Ares, o kung sinong puwede. Kahit kailan niya gusto, puwede. 


Sapat naman ang kaunting liwanag na nanggagaling sa mga bintana para lumiwanag ang loob ng eroplano. Hindi naman magulo sa loob. Nakabukas ang ilang compartment, pero walang laman. Nakaayos din ang mga upuan tulad noon. Tahimik siyang naglakad sa aisle at isa-isang tinitingnan ang bawat row ng mga upuan.


Mula sa likuran, nararamdaman at naririnig niya ang yabag ni Lexus. Tahimik lang din ito tulad niya at dahil kulob sa loob, kaunting kaluskos at hakbang, dinig nilang dalawa. Ipinagpasalamat niyang sa pagkakataon iyon, tahimik si Lexus. 


Tumigil si Ice sa gitna ng eroplano at pumikit. Tulad ng ginagawa niya noon, malalim siyang huminga at pilit inaalala ang ingay ng eroplanong nakasanayan niya. Sigawan ng mga pasaherong tinatawag ang kasama nila sa upuan, iyakan ng mga bata, chattering ng ibang magkakasama, mga paalala ng stewardes, tunog ng seatbelt, lahat ng puwede niyang maalala mula sa nakaaran. 


Ice wanted to feel what it was like to be normal again even though it was all a lie. Hindi na maibabalik ang nakaraan. Hindi na maibabalik ang mga magulang niya. Hindi na rin maibabalik ang sila ni Ares. Hindi na maibabalik ang mga dati niyang kaibigang hindi niya alam kung nasaan na. 


Humakbang siya kasabay niyon ang pagdilat ng mga mata niya. Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa makarating sila ni Lexus sa dulo. Naroon ang ibang cart na walang laman at mayroong mga bagaheng nakabukas at nakakalat, pero walang pakinabang. 


“Gusto mong magpunta sa ilalim? Wala namang ganap doon kundi mga bagahe,” sabi ni Lexus. “Wala na ring mga pagkain doon. Noong unang pasok ko rito, sobrang dami. First years, dito ako kumukuha ng pagkain.” 


Patagilid na nilingon ni Ice si Lexus na nakasandal sa isang upuan. Nakatingin ito sa kaniya na nanghihintay ng sagot. 


“Ayokong bumaba,” diretsong sagot ni Ice. 


Tumango si Lexus at sinabing sumunod siya na ginawa rin naman niya. Isa-isa ulit niyang nilingon ang bawat upuan. Malalim siyang huminga dahil naalala niya ang tawanan nila ng mga kaibigan niya noon o kaya kapag umaalis silang pamilya, sila ng kuya niya. 


Dumiretso lang sila ni Lexus hanggang sa pasukin nila ang parte ng eroplanong mayroong makapal na kurtina. It was the business and first class. Tinuro ni Lexus ang dating bar at may nakaloloko ngiti sa labi nito. 


“Isa ‘yan sa dahilan kung bakit ko inangkin ‘tong eroplanong ‘to,” pagmamalaki ni Lexus na nakaturo sa mga mamahaling alak na dating sineserve. “Kapag bored ako ‘tapos wala akong magawa, nandito ako, umiinom.”


Nagsalubong ang kilay ni Ice. “Buti walang nagtatangkang angkinin ‘tong eroplano mo lalo kung hindi ka naman nakatira talaga rito. Paano?” 


Tumaas ang dalawang balikat ni Lexus. “Hindi pa tayo close para ikuwento ko sa ‘yo,” sabi nito na malapad na ngumiti. “Ay, putangina. Girlfriend na pala kita, ‘di ba? Pero hindi pa rin kita pinagkakatiwalaan kaya hindi ko pa rin sasabihin sa ‘yo.” 


“Eh ‘di ‘wag. Nagtanong ako, pero hindi na ako interesado,” sagot ni Ice na nilagpasan ang bar. 


Naroon ang mga upuan na puwedeng gawing higaan. Walang kalat o kahit na ano. Isa rin sa napansin niyang malinis ang buong eroplano. Hindi siya sigurado kung dahil ba sarado ito at halos hindi napapasukan ng alikabok o talagang nililinisan ni Lexus. Kung ganoon man, eh ‘di wow. 


“Nandito lang ako ‘pag trip ko. Meron akong sariling lugar na sa ‘kin talaga, mas madalas ako roon,” sabi ni Lexus habang naglalakad sa kabilang aisle. “Dinala lang talaga kita rito.” 


Hindi sumagot si Ice. Ni hindi niya nilingon si Lexus na kasabay niyang naglalakad. Naalala niya ang mga panahong sa ganitong lugar sila nakaupo sa tuwing lalabas ng bansa. Kahit naman hindi vice president ang daddy niya, lumaki silang may pera dahil sa businesses ng mga magulang nila lalo ng mommy nila. 


Dahil sa eroplanong ito, na alam niyang mahirap i-secure noon, nagkaroon ng curiousity si Ice kay Lexus, pero hindi siya magtatanong. As much as she could, she would let the communication to minimal. May parte sa kaniyang alam na mas mabuti kung wala siyang alam. 


“Gusto mong pumunta sa cockpit?” pag-aya ni Lexus. “Madalas akong nakatambay roon. Maganda rin kasi ‘yong area dahil nakaharap lang sa kawalan. Langit lang makikita mo.” 


Wala nang naging sagot si Ice na sumunod kay Lexus. Binuksan nito ang pinto ng cockpit. Mula sa pinto, naalala niya ang kabataan niya kung saan isinama sila ni Jakob ng tito nilang piloto. Kapatid ito ng daddy nila na nanirahan na rin sa ibang bansa dahil mas gusto ang pribadong buhay simula nang pumasok sa politika ang daddy niya. 


Naupo si Lexus sa upuan ng piloto at sinabi nitong maupo siya bilang co-pilot. 


Samantalang hindi inalisan ni Lexus ng tingin si Ice. Naupo ito, pero seryosong nakatingin sa mga button na hindi naman niya alam kung ano ang function. Hindi rin naman siya interesado kahit na minsan, nilalaro niya iyon kapag trip niya lang. 


Ilang minuto na ang lumipas, tahimik pa rin si Ice hanggang sa hinawakan nito ang parang manebela ng eroplano. Kahit naka-side view, nakita ni Lexus ang pagngiti ni Ice bago lumingon sa kaniya. 


“Ano, nagustuhan mo ba?” tanong ni Lexus na tunog mayabang. “Sabi sa ‘yo maganda rito, eh.” 


Nanatiling tahimik si Ice na kumportableng sumandal sa upuan at isa-isang pinindot ang buttons na nasa gitna nilang dalawa. Sa sobrang tahimik, ultimo buntonghininga, naririnig nila. Ang sakit sa tainga dahil parang nagkakaroon ng static dahil sa katahimikan at ayaw iyon ni Lexus. 


“Racer talaga ako bago nasira ‘tong mundo,” pagbukas ni Lexus ng topic para lang may mapag-usapan. “F1 driver ako. Hindi sikat, pero lumalaban na ‘ko.” 


“Halata naman sa driving skills mo. Alam kong sa parteng ‘yon, hindi ka nagbibiro,” sagot ni Ice nang hindi tumitingin kay Lexus. 


Itinaas ni Lexus ang paa sa dashboard ng cockpit. “Pero noong nasa UK ako, nagsimula ako sa drag racing. Pasaway akong anak.” 


Tumigil si Ice sa pagpindot at nakalolokong tumingin kay Lexus. “Kahit hindi mo naman sabihin, sobrang halata. Alam kong ikaw ang problema ng pamilya. Ikaw iyong palaging sakit sa ulo at hindi napagsasabihan.” 


“Grabe mo naman akong husgahan,” sumandal si Lexus sa upuan. “Siguro alam mo kasi ganoon ka rin?” 


Nakagat ni Ice ang ibabang labi at mahinang natawa. Sinuklay niya ang buhok gamit ang sariling mga daliri. Tumingala siya para tingnan pa ang ibang pindutan sa loob ng cockpit at sa ikalawang pagkakataon, nabilib siya kung paano pinag-aaralan iyon ng mga piloto. 


“Ano, totoo ba?” tanong ni Lexus. “Pero totoo naman ‘yong sinabi mo. Ganoon ako, eh. Kung alam ko rin lang na magugulo ang mundo, hindi na sana ako nagpumilit umuwi rito sa Pilipinas.” 


Tiningnan ni Ice si Lexus na iniikot-ikot ang manebela ng eroplano. Hindi siya sumagot, pero tinitigan at sinuri niya ang side profile nito. Napakagwapo. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa description. Hindi niya alam kung paano iisa-isahin dahil halos wala siyang makitang imperfection, pero hindi niya iyon sasabihin… hindi niya rin maikakaila. Bukod kasi sa matangos ang ilong, light brown ang mga mata. Ang kapal pa ng kilay. 


Kung iba ang mundong ginagalawan nila ngayon, iisipin ni Ice na puwede itong mag-artista o maging commercial model. Kakaiba ang face card. 


“Makatitig ka naman,” ngumisi si Lexus. “Baka ma-fall ka niyan, ha? Hindi naman kita masisisi,” pagmamayabang nito. “Pero share ko lang. Nagpunta ako rito sa Pilipinas kasi may offer sa ‘kin ang isang brand. Parang endorsement. Iyon na kasi ‘yong nagkakapangalan na ‘ko sa F1.” 


Nanatiling seryoso si Ice na nakatingin kay Lexus. Umiling ito at tumaas pa ang dalawang balikat habang nagkukuwento. 


“Imagine mo naman kasi. Sa UK, itong mukhang ‘to. . .” Tinuro ni Lexus ang sariling mukha. “Basic. Alam mo bang empleyado lang ako ng bakery ng tatay ko sa UK ‘tapos dito nga naman sa Pilipinas, ‘tong mukhang ‘to, pang-artista? Aba siyempre dahil gusto kong sikat, tinanggap ko! Iba ang pretty priviledge rito sa Pilipinas, eh.” 


“So, you’re saying na pretty boy ka?” mababa ang boses ni Ice habang nagtatanong. 


Humarap si Lexus sa kaniya at tumango. “Titigan mo ‘tong mukhang ‘to at saka mo sabihin sa ‘kin ang sagot.” 


Alam ni Ice na magsisinungaling siya kung sasabihin niyang pangit si Lexus. Totoong mayroon itong pretty boy priviledge. Kaya nga siya sumama kasi ang gwapo, mukhang hindi naman siya gagaguhin kahit na alam din naman niya sa sarili niyang posibleng mamamatay tao ito. Katangahan din, eh. 


“Kaso ayon nga. Naabutan ako ng gulo,” natawa si Lexus at umiling. “Nag-college ka ba?” 


Tumango si Ice nang hindi nagsasalita. 


“Hindi mo rin natapos? Ako rin, eh. Ako naman, intentional kaya hindi ko natapos, hindi dahil sa gulo. Ayoko lang talagang mag-aral,” patuloy na pagdaldal ni Lexus. “Imagine naman kasi, ha? Mag-aaral ako ‘tapos ang ending, pagtatrabahuhin lang ako sa bakery namin. Sayang, gago. ’Ta—” 


Tumigil sa pagsasalita si Lexus na nakatingin sa kaniya. Salubong pa ang kilay nito na parang nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya. 


“Ang daldal mo, ‘no?” ani Ice. 


“Eh paano, ako lang gumagawa ng topic? Ang boring mo naman palang syota. Parang ikaw tuloy ‘yong definition ng babaeng maganda, pero walang substance,” diretsong sabi ni Lexus.


Ice was offended. “Excuse me?” 


“Seryoso. Ang daming ganiyan, eh. Puro ganda, pero walang kwentang kausap. Walang thrill, boring, at saka nakakatamad syotain. Maganda lang,” Lexus shook his head. “Pero pagtitiisan muna kita. Gusto ko munang mag-monthsary tayo.” 


“Bakit? Nagkaroon ka ng girlfriend? Sa itsura mong ‘yan?” pang-aasar ni Ice.


“Ako pa ba? ‘Wag kang magseselos. Ikaw naman ang present,” pagbibiro ni Lexus dahilan para ikatawa rin ni Ice. Parang gago, eh. “Oo, may girlfriend ako noong nagkagulo. But six months later, we separated. Gusto niyang sumama sa mga grupo, ako ayoko.” 


Naningkit ang mga mata ni Ice. “So, buhay pa siya?” 


Sumilay ang nakalolokong ngiti ni Lexus dahil sa sinabi ni Ice. “Don’t worry, hindi ako bumabalik sa ex.” 


“Tanga,” nangasim ang mukha ni Ice. “Bakit hindi ka sumama sa kaniya?” 


Umiling si Lexus. “Ayoko nga kasi ng mga grupo. Pabigat.” 


Ngumiti si Ice at nakagat ang ibabang labi dahil sa sinabi nito. 


“Mas gusto kong maging independent,” dagdag ni Lexus. “Eh ikaw? Wala ka bang sasabihin? Share naman diyan. Parang hindi syota. Need to know lang.” 


Malalim na huminga si Ice at diretsong tumingin sa kalangitian. Maliwang na maliwanag. Kulay asul ang langit at walang ulap. It was really a good day. Kung sa ibang pagkakataon, baka nagpunta siya sa beach house ng pamilya niya. Malamang na kung hindi niya nakasalubong si Lexus, hindi na naman niya alam kung saan siya pupunta para lang mag-chill.


“Businesswoman ang mommy ko, nasa politics noon ang daddy ko,” tipid na sabi ni Ice. 


“Wow, bigtime naman pala ng girlfriend ko!” ngumisi si Lexus na ikinatawa ni Ice. “Pero real talk. Baka mamaya kabit mo ‘ko, ha. Wala kang boyfriend ngayon?” 


Umiling si Ice. “Wala. Nag-break kami two years after the dark world.” 


“Ang cute ng tawag n’yo, dark world,” ani Lexus. “Kami gulo lang, eh.” 


Hindi iyon sinagot ni Ice na nakatingin kay Lexus. 


“Buhay pa siya?” tanong ni Lexus. “Baka mamaya makipagbalikan ka roon, ha? Nagkikita pa ba kayo?” 


“Oo. Minsan natutulog ako sa kanila,” seryosong sabi ni Ice. “Minsan nag-iinuman kami. We’re friends. He’s my first and last serious relationship.” 


Mahinang natawa si Lexus. “Ayos lang ‘yon. Sikat ba ‘yon noon?” 


“Medyo,” ngumisi si Ice habang nakatingin kay Lexus na naghihintay ng sagot. “Anak ng presidente, eh.” 


Kitang-kita ni Ice kung paanong nanlaki ang mga mata ni Lexus. Nagsalubong ang kilay nito at habang nakatitig sa kaniya, parang malalim na nag-iisip. Ilang beses itong tumingin sa bintana bago ibabalik ang titig sa kaniya. Paulit-ulit. 


“Putangina!” sigaw ni Lexus habang nakatingin sa kaniya. Tinuro pa siya. “Sabi na pamilyar ka sa ‘kin, eh. Noong unang kita pa lang natin, iniisip ko na kung kilala ba kita. Sabi ko nga baka isa ka sa naka-hook up ko noon, eh.” 


“Gago.” 


“Seryoso!” Tumawa si Lexus at umiling. “Sabi ko na, eh. Pamilyar ka sa ‘kin. Hindi ko lang talaga maalala kung saan kita nakita, ngayon alam ko na! Sikat kaya kayo no’ng anak ng presidente noon dahil lagi kayong laman ng social media at news. Mga pasaway,” sabi nito sabay halakhak. “Big time pala, eh.” 


Ice shrugged and scoffed. 


“Kaya pala grabe ka mag-reminisce pagpasok dito,” sabi ni Lexus sa kalmadong boses nang mapansin niyang natahimik na si Ice. 


Sa nalaman, hindi alam ni Lexus kung paano bubuksan ang topic dahil ang pagkamatay ng mga magulang nito pati na rin ang dating presidente ay naka-live TV iyon na napanood ng lahat. Gusto niyang baguhin ang topic, pero bigla siyang napaisip kung ano ba dahil hindi rin niya mabasa si Ice. 


“We used to travel a lot,” si Ice na ang nagsalita. “Kaya oo, nag-reminsce ako kanina. I never thought I’d see the insides of a plane again. Gusto pa nga naming maging member ni Ares noon ng mile high club kaso lagi kaming may kasamang security detail,” natawa ito. 


Natawa rin si Lexus nang may maalala. “I remember na that was a thing before. Proud and loud pa nga noon. I actually . . . Did that.” 


“Wow. Sana lahat,” umiling si Ice na natawa. 


“Do you wanna?” Lexus asked out of nowhere. “I mean . . .” 


Ice gazed at her in disbelief. “Ang kapal naman ng mukha mong ayain ako. Sabi na, eh. You’re just being nice, waiting, and talking to me ‘cos you want a pussy. Sex lang ang habol mo sa ‘kin.” 


“Grabe ka sa sarili mo!” Lexus exclaimed and laughed. “But why not?” 


“Bakit? May condom ka ba?” Ice scoffed and rolled her eyes. “Alam kong wala kaya manahimik ka.” 


Lexus squinted and smiled playfully. “Kapag ba nakahanap ako ng condom, papayag ka?”


“Game.” Ice said without buckling. “Kapag nakahanap ka, let’s do it here. Sa cockpit.” 


“Huwag mo ‘kong sinusubukan, Ice,” he said in a low voice. “Maghahanap talaga ako, sinasabi ko sa’ yo.” 



T H E X W H Y S 


23 views0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page