Patagilid na nilingon ni Ice si Lexus nang tumingin ito sa kaniya dahil sa sinabi ni Lana. Nanatili itong nakadapa, pero tumingin na sa kaniya. Ibinalik niya ang tingin kay Lana na nakayuko.
“Sabihin mo sa kaniya, pumasok siya rito,” utos niya kay Lana. “Magbibihis lang ako sandali.”