top of page

Chasing Cars 1: The Wish List Prologue

Warning: Mature Content, Mentions of death




Everyone has a purpose, but Chase didn't know what was his.


Kung tutuusin, dapat alam na niya iyon. He was already twenty-three years old and being a Laurent-Alonzo-Mathias, he should've laid out all the personal plans he had.


But nothing. Zero. Nada.


Wala siyang maisip na gagawin sa buhay. Pressured? Yes. Sobra pa nga dahil sa mga tinatahak ng mga kapatid niya. Mukhang planado na ang buhay ng mga ito.


Kasal na ang Ate Helena niya habang namamahala ng kompanya, busy naman ang Kuya Quintin niya sa bagay na gusto nitong gawin. Hindi sure si Chase kung ano iyon dahil masyado rin itong malihim.


Siya mismo, pagkatapos ng graduation, napapaisip kung ano ang gusto niyang gawin. Binigyan naman siya ng options ng parents niya. Puwede muna siyang mag-enjoy, puwede niyang libutin ang buong mundo, siya raw ang bahala. Pero sa tuwing naiisip ni Chase na siya ang posibleng hahawak sa mga kompanyang pagmamay-ari ng mga magulang niya—dahil iba ang sa ate at sa kuya niya—mukhang iyon ang magiging choice niya..


Siya ang bunso at malamang na siya ang hahawak ng mga iyon.


Ibinalik ni Chase ang tingin sa mga pinsan. Napailing na lang siya habang nakatingin kay Kaira na nakikipagkuwentuhan sa mga pinsan nila na nasa VIP area ng bar na pag-aari din naman nito.


Nagpa-party si Annika sa isa sa mga bar na pag-aari nina Kaira at Stella dahil kararating lang nito galing ng ibang bansa kasama ang asawa.


Hindi naman mahilig si Chase sa mga party, pero gusto niyang sumasama sa mga pinsan niyang mga babae lalo nang may mangyaring hindi maganda ilang taon na ang nakalipas.


It was a memory their family wanted to bury.


Hawak ni Chase ang isang beer habang nakaupo rin sa right side ng VIP area. Maingay, maraming tao, at nagkakasiyahan ang lahat. May mga sumasayaw, may mga nag-uusap, may umiinom, at ang iba ay tulad niyang walang pakialam sa lahat.


The entire bar actually screamed fun and luxury at the same time. Knowing Stella and Kaira, they wouldn't make something less of what they really wanted.


There were floors intended to the client's liking. One floor for dancing and fun, another for chilling and bonding, and another for private parties.


It wasn't always the mood Chase wanted—noisy and messy. He had always been an outdoor person. Mas gusto niyang nasa beach, mag-hiking, mag-camping, at kung ano-ano pa. Chase actually loved it, being outside the civilization, kaya mas madalas na nagpupunta siya sa Ferme Laurentes o kaya sa isa mga island na pagmamay-ari ng pamilya niya.


He never understood why, but his parents loved the island so much that the Alonzo-Mathias business group owned ten islands, not only in the Philippines.


Ferme Laurentes, on the other hand, was from their grandparents. It was a gift for the entire family. It was a place with a small mountain, beach, and land for farming.


Hawak ang beer na, tumayo si Chase at lumapit kay Kaira para magpaalam dahil nabuburyo na siya. Bukod pa roon, sumasakit ang tainga niya sa mga halakhak ng mga babaeng nasa likuran nila. Naglakad siya papunta sa elevator dahil gusto niyang pumunta sa rooftop. Pagkarating niya roon, may babaeng nakaupo sa edge ng building kaya kumunot ang noo niya dahil third floor iyon. Isang maling tapak, isang maling galaw, babagsak ito and for their business, it wasn't a good sight to see.


The entire rooftop could also pass as a smoking area, or somewhere drunk people could breathe after drinking. There were couches, a hammock, and a space to just chill.


Tumungga si Chase mula sa boteng hawak at lumapit sa babae. "Hey," he uttered.


Lumingon ang babae sa kaniya at natamaan ng ilaw mula sa rooftop ang mukha nito at bahagyang naningkit ang mga mata bago dumiretso ang titig sa kaniya. The woman's eyes looked droopy and dull. It was downturned, anxious, cold . . . and emotionless.


Hindi rin nagsalita ang babae habang nakatitig sa kaniya. Lumapit siya at naupo hindi kalayuan sa babae at nakaramdam pa siya ng pagkalula nang makita ang ibaba ng building.


"Bakit ka nandito?" Nilingon ni Chase ang babae at nakatingin ito sa kaniya. "Delikado ginagawa mo."


Chase observed more. The woman was holding the same brand of beer as him, her hair was tied in a messy bun, and she was wearing a simple, loose, black shirt and blue jeans.


"Kapag nahulog ka riyan," Chase looked down and saw some people chattering, "that would be hella crazy." He chuckled.


Ngumiti ang babae at mahina pa itong natawa. "Madugo, ganu'n. At saka hindi naman ako kaagad mamamatay riyan. Third floor lang, e."


Uminom si Chase mula sa bote ng beer at mahinang natawa. Wala siyang sinabing kahit na ano, nag-observe lang siya sa lugar. Kita mula sa area ang ilang buildings malapit sa bar. Mula rin sa itaas, kita ang parking area sa ibaba na puno at may ilang taong nag-uusap.


Jam-packed na naman ang lugar.


"Pero lahat naman tayo, mamamatay," biglang sabi ng babaeng kasama niya kaya nilingon niya ito. "Una-una lang."


Chase frowned and stared at the woman. "Bakit? Gusto mo bang madaliin?"


"Hindi ko alam." Tumaas ang magkabilang balikat nito at tumingin sa langit. "Kung mapapadali, mas maganda."


Matagal na napatitig si Chase sa babae dahil sa sinabi nito. He was trying to read something, to see her facial expressions, but the woman was just happily staring at the dark sky. Nakangiti ito na para bang may nakikita sa itaas na hindi niya alam kung ano.


"There's more to life," he murmured. "What's your name?"


The woman gazed at him and gave a faint but fake smile. "Brielle. Ikaw?"


"Chase," he responded without a second thought.


Walang sinagot si Brielle at naghintay si Chase. Pareho silang tahimik na nakatingin sa kawalan, pero paminsan-minsan niya itong tinitingnan. Napapangiwi pa ito kapag umiinom ng beer. Halatang hindi naman sanay na ikinangiti ni niya.


Gusto niyang itanong sa babaeng kasama kung ano ang lasa ng beer, pero alam niya rin naman sa sarili niyang kahit na ilang beses nang sinabi sa kaniya ng lahat ang lasa, hindi pa rin niya maiintindihan.


It was a curse, maybe. Nakuha nila ang tinatawag ni Chaos na sumpa kaya wala silang choice. Their gene betrayed them all.


"May girlfriend ka ba?" Brielle asked out of nowhere.


And Chase was dumbfounded.


"Come again?" Chase responded with a shocked expression written on his face.


"Tinatanong ko kung may girlfriend ka ba," pag-uulit ni Brielle.


Chase chuckled and slowly shook his head. "Wala. Why? Do you want me to be your boyfriend?" he asked playfully.


Mahinang natawa si Brielle at tumingin sa kawalan. Hindi na ito muling nagsalita. Tiningnan niya ang naka-sideview na mukha nito at seryosong nakatitig sa kawalan. Based on the lighting they had, Brielle was fair. She was also a little petite, almost a skinny type, eyes were chinky—maybe the right term was chinita.


"Why are you asking?" Chase asked.


Brielle gazed at him with a serious face. "I . . . I . . . gusto kong makipag-sex."


Nanlaki ang mga mata ni Chase at hindi kaagad siya nakasagot dahil sa direktang tanong ni Brielle. His eyes widened in shock and he didn't have time to even hide his reaction.


"Are you being serious?" Chase's voice was low and sounded judgmental. "Are you really asking me for sex? Ano'ng tingin mo sa akin, fuck boy?"


Umiling si Brielle at yumuko na tinitigan ang boteng hawak. "Hindi naman sa ganu'n," sagot nito. "Oo, gusto kong makipag-sex. Gusto ko kasing matulog. Baka lang makatulong."


Chase frowned and chuckled. "Weird," he murmured.


"Kung gusto mo lang naman, wala namang pilitan," dagdag ni Brielle. "Kung hindi mo gusto, sa iba na lang."


"Wait." Chase let out a small laugh and stared at Brielle. "Aminin mo nga, are you a nymphomaniac?"


Kaagad na umiling si Brielle na mukhang nagulat din sa tanong niya. "Uy, hindi. Gusto ko lang talaga. Gusto ko lang baka makatulog ako."


"So, sex makes you sleep?" Chase curiously asked.


Brielle just nodded without saying anything and drank some beer. Again, her face made a disgusting expression that made Chase chuckle.


"Bakit ka umiinom, e mukha namang hindi ka nasasarapan diyan sa beer?" Chase drank the beer himself. "So, do you think sex will make you fall asleep? Bakit, ilang araw ka na bang hindi natutulog?"


"Four days," Brie whispered. "Kahit ano'ng gawin ko, hindi ako makatulog, e. Baka lang . . . desperate . . . move. Kalimutan mo na 'yung tanong ko. Random lang 'yun."


Umiling si Chase nang hindi inaalisan ng tingin si Brielle. "That question isn't random. You won't ask a stranger about that thing without thinking about it."


Brielle looked down without saying anything, and Chase waited, but nothing.


"Okay." He breathed. "Give me one valid reason why I should have sex with you. Aside from wanting to sleep, why me? We just met like fifteen minutes ago. Why don't you ask someone you know?"


"Wala lang," sagot ni Brielle. "Ikaw unang lumapit sa akin ngayong gabi, hindi tayo magkakilala, at uso naman ang one night stand, 'di ba? Pagkatapos mo, iwanan mo na ako."


Malakas na natawa si Chase habang nakatingin kay Brielle at tumungga sa beer na paubos na rin. "Wow, that suggestion is lame."


"Kung ayaw mo, huwag na lang." Umalis si Brielle sa pagkakaupo at bumaba mula sa railing. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko."


Nilingon ni Chase ang dalagang papalayo sa kaniya at umiiling na natawa. "Fine. Your place or mine?" tanong niya.


Tumigil sa paglalakad si Brielle na lumingon sa kaniya. Nakakunot pa ang noo nito na para bang hindi naniwala sa sinabi niya. Wala naman itong isinagot na kahit na ano, nakatitig lang sa kaniya.


Umalis si Chase sa pagkakaupo at naglakad papalapit kay Brielle.


"Ano? Game?" tanong niya. "Gusto ko na rin namang umalis dito sa party and ikaw na rin naman ang nagyaya. So, game ako."


"Seryoso ka ba?" Malamlam ang mga mata ni Brielle na nakatitig sa kaniya. "Kung ayaw mo nam—"


Chase smiled and took Brielle's beer. Nasa kalahati pa iyon at tinungga na niya sa harapan ng dalaga na nakatitig lang sa kaniya.


"So, one night stand, ha?" Naningkit ang mga mata niyang nakatitig sa dalaga. "Is it really your thing? You know, to fall asleep?"


Brielle didn't answer.


"Your place or mine?" Chase asked without hesitation.


"Sa bahay mo na lang, o kaya sa hotel na lang," sagot ni Brielle. "Sa bahay kasi, nandoon mga kapatid ko."


Mahinang natawa si Chase. "Ayaw mo bang marinig nila gagawin natin?"


Hindi na ito sumagot. Napatitig naman siya sa mukha nitong nakatingin lang din sa kaniya. Pareho silang nakatayo sa gitna ng rooftop nang hinawakan niya ang kamay ng dalaga.


Chase felt slightly hesitant until Brielle held onto him as if she was trusting him, which put him at ease.


"Let's go?" tanong niya.


Tumango si Brielle at humigpit pa ang hawak sa kaniya.


"Umaangkas ka ba sa motor?" tanong ni Chase sa dalaga.


Umiling si Brielle at sinalubong ang titig niya. "Hindi ko pa nasusubukan."


Chases nodded multiple times and sighed. "Okay. Naka-motor kasi ako. Gusto mo bang subukan ngayon?"


"Sige." May munting ngiti sa labi ni Brielle at bahagya pang naningkit ang mga mata nito. "Puwede ba?"


Tipid na tumango si Chase.


Sa elevator, pareho silang tahimik. Hawak lang ni Chase ang kamay ng dalaga. Hindi rin niya alam kung ano ba ang pumasok sa isip niya para pumayag, siguro ay gusto na rin niyang umalis sa party. Kailangan na lang niyang kausapin ang mga nagbabantay sa mga pinsan para makaalis siya nang hindi nag-iisip.


Nang makababa sila, sinabihan ni Chase si Brielle na hintayin siya sa labas ng bar dahil magpapaalam na muna siya sa mga pinsan niya. Kasama rin naman ng mga ito ang mga pinsan niyang lalaki tulad nina Ken, KA, at Slate.


Pagkalabas niya, maraming tao ang nasa labas ng bar at nakatayo. Naninigarilyo, nagkukuwentuhan, at ang iba naman ay papaalis na. Lumingon ang iba sa kaniya dahil kilala niya ang mga ito. Ang ibang naman ay mga babaeng tumingin lang, iba naman ay kakilala dahil iisa sila ng industriyang ginagalawan, o schoolmate nila.


Nakita ni Chase si Brielle na nakatayo sa gilid ng isang kotse at nakayuko lang itong nakatingin sa sahig.


"Ready?" tanong niya na nakakuha sa atensyon nito.


Tumango si Brielle at nakatitig sa kaniya.


Naglakad sila papunta sa parking area na nasa gilid ng bar. Walang masyadong tao sa parteng iyon dahil sasakyan lang nilang magpipinsan ang puwedeng pumarada roon.


"Here." Iniabot ni Chase kay Brielle ang extra helmet na palagi niyang dala kung sakali mang may sasabay sa kaniyang pinsan. "Wear this."


Isinuot ni Chase ang sariling helmet, pero nakita niyang hindi marunong si Brielle kaya nang matapos sa sarili, tinulungan niya ang dalaga sa pagsuot.


"If you're uncomfortable, let me know. Humawak ka lang nang mahigpit sa akin, okay?" sabi ni Chase habang ikinakabit ang helmet. "Okay?"


Brielle nodded without saying a single word.


Sumakay si Chase sa motor nang maramdaman niya ang pagkakahawak ni Brielle sa braso niya kaya inalalayan niya itong makasakay. Bahagya silang gumewang dahil hindi nito mabalanse ang sarili.


Kaagad naman itong yumakap sa kaniya mula sa likuran nang makasakay sila sa motor. Maingat niyang pinaharurot ang motor papunta sa condo niya.


It was around twenty minutes away from the bar.


Last time Chase checked, it wasn't even midnight. Tinawanan pa nga siya ng mga pinsan niyang mukhang may nakilala siyang babae kaya maaga siyang aalis.


It was rare for him to hook up with a stranger. Hindi na niya maalala ang huli dahil naging busy rin siya sa huling taon ng college.


Being busy and being pressured wasn’t an excellent combination. For Chase, it was one thing he hated the most.



Nang makapasok sa parking area ng condo, pumarada si Chase katabi ng kotse niyang hindi naman madalas nagagamit. It was just an extra car he owned from Criso Cars—a family owned car dealer.


Pagkatanggal ni Brielle ng helmet, nagsalubong ang tingin nila at ngumiti ito sa kaniya na para bang may ginawa siyang tama nang gabing iyon.


Hindi alam ni Chase ang nasa isip ni Brielle, o baka excited lang.


His unit was on the thirty-eighth floor.


Mayroong anim na unit sa floor na iyon, hindi tulad ng iba na pagbukas ng elevator, unit na nila. He chose the place because it was near the places he wanted to visit.


Sa elevator hanggang sa makarating sila sa unit niya, tahimik lang silang dalawa. Chase was low-key observing the woman he was with and she was looking at him, too.


"Nervous?" Chase asked.


"Hindi," Brielle responded without hesitation.


Chase didn't bother to answer and watched the floor number go up until their door opened. Paglabas ng elevator, dalawang pinto pa ang dinaanan nila papunta sa pinakadulong unit na pag-aari ni Chase. The entire building was actually owned by Laurent Real Estate and was managed by KM Laurent‚ his mom's cousin.


Hanggang sa makapasok sa loob, tahimik silang dalawa, pero nang isara ni Chase ang pinto, kaagad niyang itinulak si Brielle sa katabing pader at marahang hinalikan ang labi nito.


Chase felt Brielle kiss back until the soft, warm snog was instantly replaced by hard and needed French kisses.


They didn't bother turning on the lights. They kissed hard until Brielle hugged her arms around his neck and he held onto her waists. Dahan-dahang ipinasok ni Chase ang kamay niya sa loob ng T-shirt nito at puwersang binuhat na agad namang ipinalibot ang legs sa baywang niya.


Their lips moved in sync while her back was against the wall and he was supporting her weight. Ni hindi sila tumigil at naghiwalay hanggang sa maisipan ni Chase na maglakad papasok sa kwarto niya.


There was a faint light from the balcony, and it was enough for Chase to move around. Nakikita rin niya ang mukha ni Brielle dahil sa ilaw na tumama sa mukha nito. Chase could even feel Brielle's hands at the back of his head, brushing his hair while they kissed. He could hear her moan inside his mouth, turning him on even more.


Maingat niyang ibinaba si Brielle sa kama nang hindi humihiwalay sa pagkakahalik sa dalaga. Bumaba ang pagkakahalik niya mula sa labi nito papunta sa leeg bago bumangon para tanggalin ang T-shirt na suot nito.


Brielle got up and helped him remove his shirt. Chase then removed her pants at pinagsabay niya iyong tanggalin kasama ang underwear nito. Then Brielle removed her bra. He started kissing her lips, neck, chest, then back to her lips again.


Hindi na sila nag-uusap, walang nagsasalita sa kanilang dalawa, dahil hindi na naghihiwalay ang labi nila.


Nararamdaman na niya ang paghaplos ng kamay ni Brielle sa batok niya, braso, likod, at sa dibdib. He was topless and was settled between her legs.


Brielle was naked, and when Chase got up to get a condom from his bedside drawer, he slightly saw her face and body.


Their eyes met, and Chase squinted. "Are you really sure about this?" he asked.


"Oo," tumango si Brielle, "sure na ako."


When Chase got the consent, he unbuckled his belt, removed his pants, and put on the protection. He settled himself between Brielle, who was intently staring at him.


He leaned over and kissed Brielle carefully. Hawak niya ang baywang nito bago ang hita para paghiwalayin pa iyon. He wanted full access and trailed his fingers in between her folds. She gasped inside his mouth, making him smile.


When Chase felt Brielle was wet and ready, he gripped his right thigh and thrust without warning, making her whimper.


Chase gasped and was unmoving. "Tangina," he cursed.


Bahagya siyang bumangon at tiningnan ang mukha ni Brielle. Kita niya ang luha sa mga mata nito, sunod-sunod ang paghikbi, at nanginginig ang baba habang nakatitig sa kaniya.


Hindi makagalaw si Chase dahil hindi niya alam ang gagawin. Nararamdaman at naririnig niya ang paghikbi nito. Wala siyang gustong sabihin at gusto na lang umalis sa pagkakaibabaw kay Brielle nang bigla nitong higpitan ang pagkakapalibot ng legs sa baywang niya.


"'Wag kang aalis," bulong ni Brielle habang nakatitig sa kaniya at pinunasan pa ang luha. "Magiging okay rin 'yan."


Ipinalibot pa ni Brielle ang magkabilang braso nito sa leeg niya na naging dahilan para mapasubsob siya sa leeg nito. Ramdam niya ang bawat hikbi, ang paggalaw ng tiyan dahil sa pag-iyak, at ang braso nitong mahigpit na nakayakap sa kaniya.


"Tangina naman, Brielle." Chase puffed and stayed still. "Bakit hindi mo naman sinabi?"


Walang sagot si Brielle. Suminghap lang ito habang nakayakap sa kaniya. Hindi siya gumalaw, alam niyang masakit iyon sa babae, alam niyang masakit kapag unang beses kaya minabuti niyang hayaan muna itong nakayakap sa kaniya.


Nang maramdaman ni Chase na lumuluwag na ang pagkakayakap sa kaniya ni Brielle, maingat siyang umangat. Wala siyang sinabi, maingat niyang inilayo ang sarili kay Brielle bago ito tinakpan ng comforter.


"A-Ayaw m-mo?" narinig niyang sabi nito.


Tinalikuran ni Chase si Brielle at basta na lang pumasok sa bathroom. Tinitigan niya ang sarili sa salamin at umiling dahil hindi niya inasahang ganoon ang kahihinatnan ng gabi niya.


He removed the condom and went inside the shower.


His bathroom was a mixture of black and white. There was a tub, a shower area, and a sink with a black surface. Hindi rin siya mahilig sa kahit na ano, kaya bukod sa basic hygiene products, walang ibang nakalagay sa loob ng bathroom.


Chase knew it was partly his fault, too. Hindi siya nagtanong at basta na lang pumayag sa gusto ng babae. It was his fault.


Hindi alam na alam ni Chase kung gaano siya katagal sa loob ng bathroom dahil hinayaan niya ang tubig na dumaloy mula sa ulunan niya hanggang sa napakalma niya ang sarili sa pag-iisip tungkol sa nangyari.


Paglabas ng bathroom, naabutan niya si Brielle na nakahiga pa rin sa kama at diretsong nakatingin sa kisame. Her body was still exposed and he left the room without saying anything.


Mula sa kwarto niya, dadaanan niya ang living room na mayroong malaking sofa na minsan niyang tinutulugan. May malaking TV, gaming consoles, at bookshelves na may mga picture frame ng pamilya nila.


Sa likod ng living area, naroon ang dining table at kitchen na hindi rin naman niya nagagamit.


Dumiretso si Chase sa balcony na mayroong sliding glass door mula sa living area para huminga nang malalim. Nagsindi siya ng sigarilyo at kaagad iyong hinithit.


Tumitig siya sa kawalan habang nakapatong ang magkabilang siko sa railing ng balcony. Mayroong lamesa na walang laman sa kaliwa katabi nito ang sofa na tinatambayan niya sa madaling araw.


"Aalis na ako."


Nilingon ni Chase si Brielle. Nakabihis na ito at nakabagsak ang mahabang buhok na nakatitig sa kaniya.


"Sorry. Sorry kasi hindi ko sinabi at alam kong galit ka sa akin," sabi ni Brielle.


"Hindi ako galit." Humithit si Chase sa sigarilyong hawak at ibinuga sa side na hindi tatama kay Brielle. "Sana lang sinabi mo sa akin."


Tipid na ngumiti si Brielle. "Kung sinabi ko sa 'yo na virgin ako, for sure, tatanggihan mo ako kasi ayaw ninyo ng mga ganoon. Kung sinabi ko sa 'yo, baka pagtawanan mo lang ako. Pasensya na, nagsinungaling ako."


Umiling si Chase at muling humithit ng usok. "Hindi ka nagsinungaling, naglihim ka, magkaiba 'yun," aniya. "Ano'ng pumasok sa isip mo? Hindi mo ako kilala, Brielle!"


Tipid na ngumiti si Brielle at huminga nang malalim. "Kaya nga, e, para walang emotional attachment. Pasensya ka na talaga. Uuwi na lang ako."


"No. Ihahatid kita," mahinahong sagot niya. "Wait mo ako rito, magbibihis lang ako, ihahatid kita."


Hindi na sumagot si Brielle at naupo na lang ito sa sofa na nasa balcony. Hinithit niya ang sigarilyong hawak bago pinatay iyon sa ashtray na nasa lamesa bago pumasok sa kwarto para magbihis nang maihatid niya si Brielle.


Chase shook his head multiple times upon realizing what he had done.


Pagkalabas, halos malaglag ang puso niya nang makitang nakatayo si Brielle sa lamesa ng balcony. Nakatayo ito habang nakatingin sa ibaba.


"What the fuck are you doing? Brielle!” sigaw ni Chase dahil isang maling galaw, babagsak si Brielle and they were on the thirty-eighth floor.


Hindi tumingin sa kaniya si Brielle na nanatiling nakatalikod at hindi gumalaw. Nililipad nang malakas na hangin ang buhok nito bago tumingala sa langit na parang nilanghap ang hanging tumatama sa mukha nito.


Dahan-dahang lumapit si Chase. "Brielle, baba ka riyan. Come, take my hand."


Tumingin si Brielle sa kaniya at ngumiti. "Ano kaya'ng pakiramdam ng dahan-dahan kang nakalutang sa ere, tapos bigla kang bumagsak sa baba, Chase? Tingin mo, mararamdaman ko 'yung sakit? Tingin mo, mararamdaman ko 'yung sakit ng pagkakabagsak ko? Tingin mo, matatapos pa 'tong nararamdaman ko?"


"Brielle, take my hand," Chase calmly uttered.


Brielle warmly smiled and Chase saw vulnerability in the woman’s eyes. Iyon ang wala noong nag-uusap sila dahil nakikita niyang masaya ang mga mata nito habang kausap siya, pero sa pagkakataong iyon, ibang-iba.


It felt like Brielle was a different person.


"Sorry, dinamay kita, ha?" Mababa ang boses ni Brielle habang nakatingin sa kaniya. "Gusto ko kasing maramdaman 'yun bago ako mamatay."


"What the heck are you talking about?" Chase's brows furrowed.


Brielle smiled and closed her eyes while looking up. "Sabi ko sa sarili ko, kapag naranasan ko na 'yung sex, I'll have thirty days before I kill myself. Kasi pagod na ako, Chase. Ayaw ko na rito sa mundo, ayaw ko nang mabuhay, gusto ko na lang biglang maglaho."


"Brielle, take my hand." Chase tried to be as calm as possible. 


Brielle smiled warmly and took his hand. Maingat niya itong ipinangko papunta sa bathroom at pinaupo sa lababo. Binuksan niya ang bathtub sa warm at naglagay ng body wash doon.


No words and Chase couldn't even look at Brielle's face. Ayaw niyang ipahalata ang takot na naramdaman nang makita niya itong nakatayo sa lamesa at isang maling galaw, babagsak ito pababa.


Chase remained stoic and hid what he felt as much as he could.


"Lalabas ako, maghubad ka. Magbabad ka riyan, maligo ka," sabi niya bago lumabas ng bathroom. Hindi na niya hinintay ang sasabihin nito.


Naupo si Chase sa sofa habang naghihintay. Maraming tumatakbo sa isip niya dahil sa nangyari. There were a lot of questions on why the woman thought about death.


Nag-prepare na rin muna siya ng mainit na gatas. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong inumin.


Bumalik siya sa sofa at huminga nang malalim. He breathed hard and puffed multiple times until he was breathing normally.


Lumabas si Brielle ng kwarto niya na bagong ligo at suot muli ang damit na gamit nito. Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa kaniya.


"Pasensya ka na, ha? Ikaw ang inabala ko."


Chase gave Brielle the glass of milk. She immediately drank it without asking or saying anything.


"That's okay," Chase said in a low voice. "Better me than others. Sana lang sinabi mo sa akin."


Nakayuko si Brielle na nakatingin sa gatas. Tahimik naman si Chase na nakatingin sa TV kahit na hindi naman iyon nakabukas. Nasa magkabilang dulo sila ng sofa, tahimik, hanggang sa may ilabas si Brielle mula sa bulsa ng pantalon.


It was a black wallet.


Inilabas din nito ang papel na parang resibo at tipid na ngumiti.


"What's that?" Chase asked.


Brielle gazed at him with a smile and even giggled, making him curious. "Simula na kasi bukas ng thirty days ko."


"What thirty days?" Curiosity ate him.


"Magpapakamatay na ako in thirty days," Brielle said casually.


Chase's eyes widened in shock. "What the fuck?"


Brielle positively smiled and shrugged. "Sabi ko kasi sa sarili ko, kapag may naka-sex na ako, finally, which is you, magsisimula na pagbibilang sa ng thirty days bago ako magpakamatay," paliwanag nito na para bang normal lang ang gagawin.


He was dumbfounded, and he didn't know what to say.


"Meron akong thirty things na gagawin sa thirty days," sabi nito na nakangiti. "Kaya thank you sa 'yo kasi sinimulan mo."


"Tangina," tipid na sagot ni Chase. "So ako ang may kasalanan kaya ka magsisimula?"


Kaagad na umiling si Brielle na para bang natakot sa sagot niya. "Hindi! Ako naman nagyaya, at saka dapat hindi ko 'to sasabihin sa 'yo, e, ang daya naman."


Napatitig si Chase sa mukha ni Brielle na mukhang masaya pa sa gagawin, samantalang siya, napapaisip kung bakit nito gagawin iyon. There must have been an explanation, a deep one for her to even make a list.


He suddenly felt responsible.


Tumayo si Brielle at ngumiti sa kaniya. "Uuwi na ako mamaya, ha? Thank you talaga."


Umiling si Chase at hinawakan ang kamay ni Brielle. “Hindi ka aalis.”


"Uy, hindi puwede! Simula na bukas ng thirty days ko."


"E 'di sasamahan kita sa thirty days mo. I'll show you life. Ipakikita ko sa 'yo na masarap mabuhay, that you don't have to do whatever the heck you're thinking," seryosong sambit ni Chase.


"N-Nakapag-desisyon na ako. Gagawin ko 'yung thirty na nasa listahan ko, tapos aalis na ako," sabi nito.


"Ano ba ang nasa unang listahan mo?"


Hindi nagsalita si Brielle kaya naman inagaw niya ang papel at binasa iyon. It was a list. May thirty things na nakalista roon at ang una, pumunta sa lugar na may magandang sunrise para simulan ang thirty days ng bagong umaga.


Nagmadali si Chase na kunin ang phone niyang nasa kwarto para tawagan si Ian, ang pilotong nagha-handle ng chopper nila. Nagtama ang tingin nila ni Brielle na parang nagtataka kung ano iyon. He dropped the call, looked down, and met her gaze.


"Aalis ka?" tanong ni Brielle. "Aalis na rin ako."


"Aalis tayo." Diin ni Chase. 


Kumunot ang noo ni Brielle. "S-Saan tayo pupunta?"


"Sa lugar kung saan may magandang sunrise. Sisimulan mo 'tong listahan mo, 'di ba? Day one starts in twenty four minutes. Dadalhin kita sa lugar na alam kong maganda ang sunrise."


"Saan?" nagtatakang tanong ni Brielle.


"Ferme Laurentes."




77 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page